Chapter 18

2.2K 48 13
                                    

Naglalakad siya papunta sa kanilang quarters ng makarinig ng boses ng isang babae. Pamilyar iyon sa kanya kaya't nagtungo siya sa pinagmumulan nito. Natanaw niya ang tatlong babae na nakatalikod at kausap ni Thomas. Napakunot noo siya ng mapansin na tila masama ang mga titig na iyon ni Thomas sa mga kausap na mga bisita. Galit ba 'to? Unti-unti na siyang lumapit. Sino ba ang mga bisitang ito? Gabi na at nasa tapat pa ng opisina ni Señor Ruel ang mga ito ng biglang ma-recognized niya kung sino ang isa sa mga nakatalikod na mga babaeng iyon. Si ano to aah.. Teka.. Mariin niyang pinagmasdan muli ang tatlo. Ang pinakamaliit na babae ay nakahawak sa kamay ng isa, habang yakap naman nito sa may likuran ang pinakamatangkad na kasama. Tila pinipigilan nito ang dalawang babae. Nanlaki ang mata niya. Hindi siya maaaring magkamali. Pero bakit naririto ang mga ito ngayon?
"Dennise?!" napalakas niyang sabi.
Tila nagulat sa kaniya ang apat at sabay-sabay na napatingin sa kaniya.
"Yaya Fe?!" bakas ang relief sa mukha ni Den ng makita siya. Kapuna-puna naman ang galit sa mga mata at mukha ni Bea at Gretchen.
Mabilis na nilapitan siya ng tatlo. "Dennise, Bea, Gretch.. Bakit kayo naririto? Paanong?" naguguluhan niyang tanong ng biglang yakapin siya ni Den.
"Thank God you're here, Yaya Fe.." bulong ni Denden. Akala niya talaga mapapa-away na silang tatlo. Buti na lang dumating si Yaya Fe.
"Ano bang nangyayari dito?" takang tanong ni Fe na nakatingin ngayon kay Gretch at Bea habang yakap pa rin siya ni Den. Tiningnan niya rin si Thomas na nasa likuran lamang ng tatlong dalaga.
"Yaya Fe.. Pinasundo po kasi si Den ng Papa ni Aly kaya sumama kami ni Bei. Hindi po namin siya puwedeng hayaan mag-isa." paliwanag ni Gretch.
"Yes, Yaya Fe.. And that stupid man there, wanted Ate Den to go inside alone. Crazy!" galit pa rin sabi ni Bea.
Alam ni Fe na ang tinutukoy ni Bea ay si Thomas dahil sumeryoso muli ang mukha nito matapos magsalita si Beatriz.
Kumalas naman na ng yakap si Den. "Yaya Fe, nasaan na po si Ly? Ok lang po ba siya?" worried na tanong nito.
Naawa naman ang matanda sa hitsura ni Dennise. Alam niyang sobra ng nag-aalala ito. "Dennise, anak, medyo magulo ang sitwasyon ngayon. Nagtalo kasi si Alyssa at ang Papa niya. Hindi naging maganda ang kinahantungan kasi nagpasya na ni Señor Ruel na hindi na babalik pa ulit si Alyssa sa school ninyo."
"What?!" sabay na tanong ng tatlo. Gulat at hindi nagustuhan ang balitang iyon.
Napahawak si Den sa kuwintas na suot niya. Oh no, Babe.. What do we do now?
"Gano'n na nga ang nangyari." malungkot na sabi ni Fe. "Nasundan pa 'to ng isa pang problema ng sumunod na araw kasi nagbalak si Alyssa na umalis. Malamang para puntahan ka Dennise."
Napakagat labi si Den. Pinipigilan niyang umiyak para marinig ang mga nangyari kay Ly.
"Kaya lang ang hindi niya alam, may utos na pala ang Papa niya sa mga bodyguards na hindi siya puwedeng makalabas o makaalis ng mansion, kaya lalong nagalit si Alyssa ng hindi siya makaalis. Pati cellphone niya at telephone sa kanyang room ay pinaalis din ni Señor." ngayon naunawaan ng tatlo kung bakit hindi nila makontak si Aly nitong mga nakaraang araw. Pinutol pala lahat ng ways of communication nito sa kanila.
I'm so sorry, Babe.. I should have come for you earlier. If only I have known what's going on here with you, I'll come right away to help you. Dinudurog ang puso ni Den sa nalaman. Inaaalala niya kung gaano kalungkot si Aly sa paghihigpit ng ama nito.
"Maging kami na mga kasambahay dito ay pinagbilinan ni Señor Ruel na walang magpapahiram kay Alyssa ng cellphone. Wala din akong magawa kundi sumunod." bakas sa mukha ni Yaya Fe ang guilt na hindi niya magawang saklolohan si Alyssa. "Kaya ng tumatawag kayo sa akin hindi ko magawang sagutin. Hindi ko na rin kasi alam kung paano sasabihin sa inyo ang mga nangyayari dito. Ayoko ng madagdagan pa ang gulo kasi awang awa na ko kay Alyssa.." nais niyang humingi ng paumanhin sa mga batang kaharap.
Hinawakan ni Gretch ang kamay ni Yaya Fe, nais niyang iparating dito na nauunawaan nila ito.
"Magmula pa noong isang araw, hindi na siya kumakain at nagkukulong na lamang sa kanyang silid. Walang makapasok na kahit na sino, kahit pa ako.." malungkot na kuwento ni Fe. Pero nakatulong naman ng kaunti ang pagsabi niya ngayon sa mga kaibigan ng kanyang alaga lalo na kay Dennise. Umaasa siyang matutulungan ng tatlo si Alyssa.
Sobrang nasasaktan na si Den sa mga naririnig. Pakiramdam niya ang laki ng pagkukulang niya kay Aly.. Mali siya ng inakala na nag-eenjoy si Ly kasama ng parents nito. Kung sana'y inalam niya agad ang sitwasyon nito baka sakaling nakatulong siya agad kay Alyssa. Napuntahan niya sana ito agad at ilalayo na niya si Ly sa sobrang higpit na mga magulang nito. Nagagalit siya kasi ginagawa na nilang preso ito at hindi niya kayang mangyari ulit kay Aly iyon. Hindi na maaari!
"Yaya, I want to see Ly.. Please bring me to her." pumatak na ang luha sa mga mata ni Den. Nais na niyang makita at tulungan si Alyssa. Ilalayo na niya ito sa lugar na iyon.
Malungkot na hinawakan ni Bea at Gretch ang balikat ni Denden bilang pag-suporta at pagdamay. Totoo pala ang lahat ng sinabi ng Thomas na 'yon sa kanila kanina.
"Please, Yaya Fe.. We want to see, Ate Aly.." pakiusap na rin ni Bea.
Tumango rin si Gretch at nakikiusap ang mga tingin sa matanda.
Napabuntong hininga si Fe. Alam niya kung gaano ka-close ang tatlong ito sa kanyang alaga.
"Mga anak, gustuhin ko man na gawin ang mga pakiusap ninyo, wala ako sa puwesto na pangunahan si Señor Ruel.." mabigat sa loob na sabi ni Fe.
Bagsak ang balikat ng tatlo.
Umagos ng mabilis ang mga luha ni Den sa sobrang pag-aaalala kay Alyssa. Gustong gusto na niyang takbuhin at libutin ang mansion na 'yon para makita at sagipin na si Alyssa sa pinagdaraanan nito.
"Pasensiya na po, Yaya Fe.. Pero naghihintay na po sa loob si Señor Ruel kay Miss Dennise." singit na sabi ni Thomas.
Masama naman na tiningnan ni Bea at Gretch ito kaya hinawakan ni Fe ang kamay ng dalawang bata. May bigla kasi siyang naisip na solusyon.
"Sandali na lamang, Thomas.." sabi ni Fe dito at tumango naman ang lalaki.
Iniharap niya muli sa kanya ang mga kaibigan ni Alyssa.
"Makinig kayo sa akin lalo ka na Dennise.." seryosong sabi ni Fe. "Kailangan mo pumasok sa loob ng opisina mag-isa at kausapin si Señor Ruel.."
"Yaya Fe.." tutol na sabi ni Gretch at Bea na nakakunot noo pa.
"Mga anak, magtiwala kayo sa akin. Wala kayong dapat ikatakot dahil hindi ka niya sasaktan, Dennise.." pagkumbinse niya dito. "Hindi ka magagawang saktan ni Señor Ruel dahil alam ko kung bakit ka niya pinatawag.." palipat-lipat ang tingin niya sa tatlo.
Nakita nila na parang nabuhayan ng pag-asa si Yaya Fe.
"Ano pong ibig niyong sabihin, Yaya Fe?" tanong ni Denden.
Hinawakan ni Fe ang mga kamay ni Dennise at tsaka mahinang nagsalita. "Mahal na mahal ni Señor Ruel si Alyssa. Gamitin natin iyon para tulungan siya sa sitwasyong ito.." bahagyang napangiti si Fe.
Hindi naman maintindihan ng tatlo ang ibig sabihin ni Yaya Fe.
"Isipin mong mabuti, Dennise.. Si Alyssa ay nagkukulong at tinitikis na hindi kumain. Lumalaban siya sa kanyang Papa na mahal na mahal siya.." namimilog ang mata ni Yaya Fe. Ngayon lang niya naunawaan ang ginagawa ni Alyssa.
Nag-isip si Den ng mabuti.
"Strikto ang Papa ni Alyssa. Mahigpit ito pagdating sa anak niyang babae dahil kaligtasan lagi nito ang iniisip niya, pero malambot din ang puso nito pagdating kay Alyssa. Dennise, pagkakataon mo 'to na matulungan si Alyssa.. Tandaan mo, mahal na mahal ni Señor Ruel si Alyssa at hindi niya hahayaan na mapahamak ang anak niya. Nagtitikisan silang mag-ama, kaya ka niya pinatawag ngayon dito. Liliwanagin lang niya ang lahat ng meron kayo at ikaw ang gagamitin niya para magkasundo silang muli mag-ama.. Naiintindihan mo ba ko, Dennise?" bulong ni Yaya Fe at tumango tango kay Den.
Nagliwanag bigla ang mukha ni Den. Naintindihan na niya ang balak ni Yaya Fe.
"Kaya anak, pumasok ka na sa loob.. Wala kang dapat ikatakot dahil mahal ka ni Alyssa at alam iyon ni Señor Ruel." nakangiting sabi ng matanda.
"Gagamitin ko ang pagmamahal ng Papa ni Ly para matulungan ko na si Babe.." bulong din ni Den. Nag-sink in sa kanya ang dapat na gawin.
"Oo, anak.. Tama 'yon nga.." natutuwa si Fe na nakuha na rin ni Dennise ang ibig niyang sabihin.
Nakakunot-noo pa rin si Gretch at Bea habang nakikinig sa dalawa. Hindi sila makasunod sa nagiging usapan ni Yaya Fe at Den.
"Tama!" tila nagkalakas ng loob si Den at yinakap nito ang matanda sa sobrang tuwa. "Salamat, Yaya Fe.."
"Tsaka ka na magpasalamat sa akin pag naayos na natin 'to.. Sige na, kausapin mo na si Señor sa loob.." utos ni Fe kay Denden. "At tandaan mo, mag-iingat ka sa mga bibitawan mong salita.. Isipin mong mabuti muna ang lahat. Si Alyssa.. Ang pamilya mo.. At siyempre ang mga kaibigan mo.." habilin ni Fe habang tumatango si Den sa kanya.
"Yaya Fe.. Miss Dennise.." singit ulit ni Thomas. Mahinahon na naman ito at hindi na lang pinapansin si Gretch at Beatriz na beast mode pa rin sa kanya kung tumingin.
"Ok, Thomas.." sagot ni Fe.
"Ate Den.."
"Den.."
Yinakap na ni Dennise ang dalawang kaibigan bilang paalam. "I'm gonna be fine.. Wag na kayong mag-alala. Gagawin ko ang lahat para makasama natin ulit si Ly." lakas loob niyang sabi sa dalawa.
Bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha ni Bea at Gretch matapos niyang yakapin ang mga ito. Ngumiti na lamang siya bago sumama kay Thomas. Alam niyang hindi naman pababayaan ni Yaya Fe ang mga ito. Haharapin niya na muna ang Papa ni Ly at kailangan niyang matulungan ang kanyang mahal bago pa ito magkasakit o mapaano pa ng tuluyan.
Nang magbukas ang malaking pinto ng opisina, sandaling pumikit si Den at humugot ng isang malalim na hininga. You can do this, Dennise!

Heart StrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon