Pagdating sa bahay, hindi na naghintay pa na pagbuksan ng sasakyan si Alyssa ng mga bodyguards ng ama, mabilis na siyang bumaba at padabog na isinara ang pintuan ng sasakyan.
"Alyssa, anak.." sinalubong siya ng humahangos na si Yaya Fe. Halatang worried ang mukha nito.
"Nasaan si Papa?!" galit na tanong ni Aly ni hindi niya nagawang yakapin man lang si Yaya Fe gaya ng dati.
"Nasa office niya.." hindi na pinatapos ni Aly ang sasabihin pa sana ni Yaya Fe. Dumiretso siya agad sa office ng ama. Galit na galit si Alyssa at nakita iyon ni Fe kaya agad din itong napasunod sa alaga. Hindi pananabik ang dahilan ng mabilis na paglakad ni Aly kundi galit dahil sa ginawa nito. Nadamay pati si Bea at ngayon di niya alam kung ano na ang nangyari sa mga kaibigan matapos niyang iwan ang mga ito ng basta na lamang. At si Den.. Naikuyumos ni Aly ang dalawang kamay sa galit. Hindi niya palalampasin ang ginawa ng ama. Hinding hindi na dahil iba na ngayon, handa niyang i-give up ang lahat para kay Dennise at sa mga tunay na kaibigan niya..Malungkot at sobrang nag-aalala naman si Yaya Fe na nasa likod lamang ni Alyssa habang patungo sila sa opisina ng Papa nito. Hindi niya alam kung ano ang nangyari. Isa lang ang sigurado niya, magkakagulo na naman sa mansion dahil magkaiba na naman ang gusto ng mag-amang Valdez.
Hindi pinigilan si Aly ng mga bodyguards na nakabantay sa labas ng pintuan ng opisina ng ama, bagkus pinagbuksan pa siya ng mga ito. Pagkabukas na pagkabukas ng pintuan, nakita agad ni Alyssa ang kanyang Papa na nakatayo sa tapat ng malaking office table nito at may hawak na mga papeles.
"Papa! How could you do this to me?! We had an agreement before and still you sent Salvo to fetch me! Why, Papa? I am no longer a kid anymore so stop this at once!" mabilis at malakas na sabi ni Alyssa na halatang galit na galit.
Napalingon si Ruel kay Alyssa bago tumingin sa mga tauhan ng kumpanya na nakaupo sa long table sa likuran nila. Hindi naman siya nagalit sa anak dahil alam niyang ito ang magiging reaction ni Aly matapos utusan ang mga bodyguards na sunduin na ito kung nasaan man. Hindi na kasi siya makapaghintay na makita at makausap ang anak. Miss na miss na nila itong mag-asawa.
Napasunod din ang tingin ni Aly sa kung saan nakatingin ang kanyang ama at nakita niyang nagsitayuan ang mga tao na ka-meeting pala nito ngayon.
"Good evening, Señorita!" sabay-sabay na magalang na pagbati ng mga tao na yumukod pa.
Napabuntong hininga si Alyssa. "Good evening.." tugon na rin ni Aly. Hindi niya kayang bastusin ang mga taong ito na loyal sa kanilang pamilya. Ngunit hindi rin sapat ang presensiya ng maraming tauhan para mawala ang naramdaman niyang galit. Nakita niyang bahagyang ngumiti sa kanya si Alex, katabi nito ang iba pang matataas na tauhan ng kanilang kumpanya. Mukhang nagrereport ang mga ito ngayon sa kanyang Papa.
"Alyssa, hija.." nakangiting nilapitan na ni Ruel si Aly at niyakap. "I miss you my princess!"
"Papa, we need to talk!" mariing sabi ni Aly ngunit hindi na niya tinaasan ang boses.
Tumango at nakangiti pa rin si Ruel at inayos ayos ang buhok ni Aly. "Yes, hija.. I'll come to you after. We'll have dinner together and we can talk, okay? But for now, please see your Mama, she really missed you, my princess.." hinalikan ni Ruel ang pisngi ni Aly gaya ng nakaugalian. Mahal na mahal niya ang nag-iisang anak na babae.
"Ok, Papa.." cold pa rin sabi ni Alyssa bago tumalikod na rin at umalis. Hindi na niya pinansin ang mga tauhan ng kumpanya na muling nagsitayo ng paalis na siya.
Napangiti na lang si Ruel sa cold treatment ni Alyssa sa kanya. Matampuhin pa rin ang kanyang anak. Hindi niya sinita si Alyssa kahit na bigla na lamang itong sumugod sa kanyang opisina at sinigawan pa siya. Mapapalampas niya 'yon ngayon. Isa pa, malaki ang pagkukulang niya dito at kahit na madalas na higpitan niya ito, sumusunod pa rin ito sa kanya dahil sadyang mabait at masunurin ang kanyang anak. Mahal na mahal niya ito at ang kapakanan at kaligtasan ni Alyssa ang pangunahing tungkulin niya bilang ama."Alyssa anong nangyari?" sinalubong muli ni Yaya Fe ang alaga paglabas nito sa opisina ni Señor Ruel.
Umiling lang si Alyssa. Ayaw niyang magkuwento pa ng nangyari. "Yaya, nasaan si Mama?" malungkot na tanong na lamang niya. Nakauwi na siya sa bahay nila at kahit na narito na ang mga magulang parang ayaw niya ngayon manatili doon. Gusto na niyang bumalik ng dorm para makita na ulit si Dennise. Para makapagpaliwanag dito. Hindi siya mapalagay dahil paano na lamang kung hindi maipaliwanag ng maayos ni Gretch ang sitwasyon niya at tuluyang magalit sa kanya si Den pati na ang mga teammates niya. Siguradong nasasaktan si Denden ngayon dahil sa paglilihim niya at nais niyang yakapin ito ngayon at humingi ng tawad.
"Nasa gazebo.." tipid na sagot ni Fe bago sumunod kay Aly papunta sa hardin ng mansion. Naaawa siya sa hitsura ni Alyssa. Halatang malungkot ito at malaki ang pinoproblema.
Natanaw ni Alyssa ang ina na kausap si Vince, nakaramdam muli siya ng kaba sa dibdib. What do you expect? Of course, everybody will be here to update your parents. Napabuntong hininga na lamang siya bago lumapit sa dalawa. Please, Lord.. Hinay hinay naman sa bagyo. Sunod-sunod na po eh.. Konting tulong naman po. Nalulunod na ko sa dami ng iisipin..
Hindi nagtagal, nakita din siya ni Vince kaya lumingon at tumayo na ang kanyang Mama para salubungin siya.
"Alyssa.. Anak! I missed you.." masayang sabi nito at sabik na niyakap ng mahigpit ni Lita si Aly.
"Mama.." humalik sa pisngi ng ina si Aly. Namiss din niya ito pero hindi niya kayang magpanggap na masaya siya ngayon. Maraming gumugulo sa isipan niya.
Hinaplos haplos ni Lita ang mukha ng anak at pinagmasdan mabuti. Matagal tagal din silang di nagkita dahil katuwang siya ng asawa sa pagpapatakbo ng mga negosyo nila sa US.
"Mukhang nangangayayat ang baby ko, Yaya Fe.." puna ni Lita at napayuko naman si Fe dahil dito.
"Mama, I'm fine." seryosong sabi ni Alyssa at ibinaba ang magkabilang kamay ng ina na nakahawak sa pisngi niya. Ayaw niyang mapagalitan pa si Yaya Fe.
Napuna na ni Lita na mukhang wala sa mood ang anak. "Come here, baby. Join us for tea. Kuwentuhan mo naman ako ng mga nangyari sa'yo dito." malambing niyang yaya sa anak.
"Wag na muna ngayon, Mama.. I'm going up to my room. I need to rest first. I'll just see you later for dinner." malamig na sabi ni Alyssa sa ina. Wala siya sa mood ngayon talaga at baka madamay pa ang kanyang ina sa nararamdamang galit sa ama, kaya iiwas na lamang muna siya.
"But hija.." wala ng nagawa si Lita ng tumalikod na si Aly at bigla na lang umalis. Nagtataka siya kung bakit gano'n na lang ang pakikiharap sa kanya ng mahal na anak. Eh ngayon lang ulit sila nagkita tapos parang nagmamadali pa itong umalis.
Dire-diretso lang si Aly kahit na tinawag pa siya ng kanyang Mama. Nais niyang mapag-isa muna.
"Yaya Fe, what happened? Bakit parang galit sa akin ang anak ko?" nasasaktang tanong ni Lita.
"Pasensiya na po kayo sa kanya, Señora. Mukha pong masama ang loob ni Alyssa sa pagsundo ni Salvo kanina." pagtatapat naman ni Fe.
Napataas ang kilay ni Lita. Alam niyang ang asawa niya ang nagpa-utos na naman nito. "Salamat, Yaya Fe.."
"Sige po, Señora.." nagpaalam na ang matanda at sinundan na si Aly sa loob.
"Vince, tell me everything about Alyssa's health now.." malungkot na bumaling si Lita sa doktor ng anak. Napalitan ang mood niya ng inis matapos ang malamig na pakikitungo ng anak niya.