"You told me the other day, you're going to ask for a refill. Now, where is it?" nakapameywang na sabi ni Gretch.
"Ssshhhh... Ano ka ba? We're in a library." suway ni Aly. Nakalimutan yata ng kaibigan niya kung nasaan sila. Tsk! Ang ingay niya po!
"Asan na nga?" hininaan na rin ni Gretch ang boses. Nakakahiya naman sa ibang estudyante.. Kilala pa naman sila sa campus. They're student athlete, role model, an example tapos ang ingay sa lib..
"Wala pa.. I'll try to get it later. Sobrang busy kasi lately." honest na sagot ni Ly.
Nag-roll ng mata si Gretch, naiinis na siya. Ilang beses na niyang narinig ang excuse na 'yon. "You needed that, remember? Look at your eye bags, you're not having enough sleep.. At isa pa, sa isang araw na ang game natin. Aly, ano ka ba? What are you thinking?" taas kilay na sabi ni Gretch. Bad trip na kay Alyssa.
"Oo na.. Sige na! I'll get it later.. Go now and leave. I need to study pa." tinaboy na niya si Gretch. Nakukulitan na din kasi siya.
"Ok.. Aalis na ko. Pero mamaya ha?" bilin pa ni Gretch bago umalis, nagsisigurado lang, mahirap na.
Pinandilatan lang ito ni Alyssa at tumango na rin para umalis na ang kaibigan. Ang kulit kasi nitong si Gretch. Hindi siya tigilan. Araw-araw na reminder pa. Daig pa si Yaya Fe kung minsan. Napabuntong hininga na lamang siya at nag-aral na lang ulit. Kailangan niyang tapusin ang dalawa pang subjects bago ang next period of class niya."What's with that face? You're frowning again. Nag-away ba kayo ni Ate Fille?" tanong ni Bea habang nagla-lunch sila sa cafeteria.
"Hindi si Fille.. Si Aly kasi nakakainis!" asar na ginayat-gayat ni Gretch ang chocolate cake na nasa harap. Doon naibunton ang inis na nararamdaman. Pero sa totoo lang worried na siya kay Alyssa.
"Huh? Si Ate Aly? Why? Are you two fighting?" naibaba tuloy ni Bea ang spoon at fork kahit gutom. Kahapon pa niya napapansin na parang may pinagtatalunan ang dalawa pero wala siyang alam at hindi rin nagsasabi ang mga ito sa kanya kung ano ang problema.
"Hindi.. Hindi naman kami nag-aaway." biglang bawi ni Gretch. Ayaw niyang mag-usisa pa si Bea.
"Ano ba talaga? Ang gulo niyong dalawa.." sumubo na muli si Bea at naghintay pa rin ng sagot kay Gretch.
"Wala! Sandali.. I-take out ko na nga lang ng food 'yon.. Baka mag-skip na naman ng lunch niya.." biglang tumayo si Gretch at iniwan na si Bea sa table.
"Hay naku! Inis daw pero may take out pa, concern din naman pala.. Gulo!" napailing iling na lang si Bea at kumain na lang muli. Gutom talaga si Bei.. 😬
"Hi Bei!" biglang may humawak sa balikat ni Bea.
"Oh Ate Den! Hi!" mabilis na uminom si Bea ng milkshake at tumayo, inalis ang bag sa kabilang upuan. "Have a seat.. Join me and Ate Gretch for lunch.. What do you want to? I'll order.." siyempre aasikasuhin niya si Dennise, girlfriend yata 'to ni Ate Aly niya plus teammate pa niya.
"Wag na, Bei. Thank you.. Kumain ka na ulit. Hinahanap ko lang si Ly. I thought kasama niyo kasi siya." nakangiting saad ni Den.
Bago pa man makasagot si Bea, dumating na si Gretch. "Hello, Den! Kumain ka na ba? Can I get you something?" ibinaba niya sa mesa ang take out food for Alyssa.
"Wag na, Gretch.. Sabay na lang kami ni Ly, papunta na ba siya dito? May binili kasi akong food para sa kanya.." at itinaas ni Den ang dalawang paper bag ng take out food para sa girlfriend.
"Oh! I see.. Puntahan mo na lang siya sa library, Den. Busy pa daw at mamaya na naman kakain.. Alam mo naman 'yong Babe mo, laging advance reading ang gusto.." biro pa ni Gretch.
Medyo natawa si Bea at Den. Studious naman kasi talaga si Alyssa, at alam ng buong team iyon.
"Oo nga eh, kung hindi bola, libro naman ang hawak.. So pa'no puntahan ko na muna. Pakainin ko muna ang Babe ko. Thanks guys! Alis na ko. Enjoy your lunch.. Bye!" masayang paalam ni Den at umalis na rin agad.
"Bye!" sabay na sabi ni Gretch at Bea at naupo na muli para ipagtuloy ang pagkain.
"Oh, Bei.. Kainin mo na rin 'to. Gutom ka naman di ba?" inilagay ni Gretch sa harap ni Bea ang pagkain na para sana kay Alyssa.
"Hala! Hindi ako si Ate Ella ha!" sabi ni Bea at ibinalik kay Gretch ang supot. "Dami ko ng food oh.. Di ko na mauubos 'yan." at ipinagpatuloy na ni Bea ang pagkain niya. Kahit malakas din siyang kumain, hindi naman siya kasing takaw ni Ella. Walang kabusugan 'yon eh. 😄Seryosong nagbabasa si Ly ng biglang may humalik sa pisngi niya mula sa likod.
"What the!" nagulat si Alyssa, magagalit sana siya ngunit paglingon niya, si Dennise pala iyon.
"Nagulat ka ba, Babe?" nakangiting sabi ni Den at malambing na umakbay kay Aly. "Sorry.."
Agad napalitan ng ngiti ang mukha ni Ly. "Hi Babe! Wala ka bang class?" tumayo siya at pinaupo si Denden.
"Luckily, wala si Sir, kaya may free period ako ngayon and I brought your lunch.. Matagal ka pa ba?" tiningnan niya ang ilang books na nakapatong sa table.
Na-touch naman si Ly sa thoughtfulness ni Den. Niligpit na niya agad ang mga gamit. "Tamang-tama ang dating mo. I'm done here. Gutom na rin ako eh.. Let's go?" masiglang yaya na ni Alyssa.
"Ok.." masayang kumawit si Den sa braso ni Aly at lumabas na sila ng library.