Chapter 8

2.3K 41 2
                                    

Time-out
Sobrang ingay sa gym.. Lalong yatang dumami ang tao sa loob.
"Jia.. Valdez.. gawin nyo 'yong napractice natin. Bea, dito ka. Den, basahin mong mabuti ang mga bola nila.. Receive nyo muna ng maayos.. Ok? Focus, ladies.." bilin ni Coach sa kanila.
Hinihingal na silang lahat, 5th set na kasi. Sobrang close pa ng mga points nila lagi. At ngayong 5th set, lamang sila ng isang point sa kabila, 14-13 ang score. Match point na 'to.. Magkahawak kamay si Aly at Den habang umiinom ng gatorade. Pawis na pawis at pagod na rin ang lahat. Pero determinado silang tapusin na ito.
"Guys, kalma.. Kaya natin 'to.. Isa na lang.. Ok?" tinaas ni Fille ang kamay, sinundan sya ng mga teammates nya.
"HEART STRONG!!" malakas na sigaw ng ALE.
Yumakap muna si Aly bago humiwalay kay Den. Gano'n naman talaga silang dalawa, parang humuhugot ng lakas sa isa't isa, and in every point na na-contribute nya, si Den ang una nyang yayakapin sa sobrang saya. Ngumiti sya dito. "Kaya pa?" sabi ni Aly.
"Oo naman.. Ikaw? Hingal ka na ooh.." biro ni Den, ngiting ngiti pa rin.
"Last point! Ready?" nakangiti din si Aly at pumuwesto na kami ulit.
"Patayin mo agad, Ly.. Don't worry, I always got your back.." malambing nitong sabi. Double meaning yata 'yon Den aah..
Tumango ako kay Den at ngumiti. Mabuti at nasa harap ang pwesto ko ngayon. Tiningnan ko ang position ng mga kalaban sa kabila. Tumingin din ako kay Jia at ngumiti ito sa akin. Get ready, Alyssa! Don't let this point slip out of your hand. Your teammates are relying on you on this one.
Service ni Kianna, good reception from Dennise and Jia set it, tumalon si Bea, sinabayan ni Michelle at Majoy to block and boom!
"Alyssa Valdez!" sigaw ng announcer. "Good combination play from ADMU. Wow! Valdez is really on fire today and no one can stop her! Blockers from Lady Spikers did not see it coming from the rookie and that's how it ended, a down the line point from amazing Alyssa Valdez! ADMU won the match.."
Tumakbo at yumakap agad si Den kay Alyssa. At nakisali na rin ang buong ALE. Tuwang tuwa sila sa pagkapanalo. Inabot man ng 5 sets, worth it lahat ng pagod kasi sa huli nanalo sila. Nagsilapitan na rin mula sa bench ang coaches nila. Nag-group hug ang team.
"Good job girls!" sigaw ni Coach.
"Congratulations ladies!" masayang sabi ibang coaching staff, patting everyone's shoulder.
"We won again!" sigaw ni Amy.
"Yey!!" tumalon talon ang lahat, parang mga bata.
They formed a circle and bow the down to the crowd. Nakangiti silang lahat, happy from winning against their archrival team.
"Kamayan na natin sila, guys.." sabi ni Fille sa mga ka-teammates. And so they all went near the net, lined up and shake hands with the other team's player, smiling and thanking them for the great game they had.

Nilapitan ni Coach Sherwin si Coach Ramil para makipag-kamay, matapos ang game.
"Congratulations!" sabi ni Coach Ramil.
"Thank you.. Ganda ng nilaro ng lahat.. Really a good game!" nakangiting sabi ni Coach Sherwin.
"Tama ka.." sabi ni Coach Ramil, bahagyang nakangiti. "Magaling 'yong si Valdez nyo aah.. Rookie palang pero malaki ang potential ng bata. Saan mo na-scout 'yan?" tanong nito na halatang napabilib kay Aly.
"Believe it or not, she came to us through open try-outs only.. Gano'n lang!" masayang sabi ni Sherwin.
"I see.." napatingin si Coach Ramil kay Valdez.
"Thank you ulit, Coach Ramil.. Balik na ko sa mga bata.." paalam ni Coach Meneses.
"Sure.. Sige.. Thank you din." kinamayan nila ulit ang isa't isa.
Tumingin ulit si Coach Ramil kay Alyssa habang nakikipagkamay na ito sa mga players nya. Mahusay at natural ang talento ng batang ito. Hindi lang basta malalakas ang mga spikes nya, smart din ang placement ng ball nito. Magaling talaga! Hindi lang basta naglalaro, nagbabasa sya ng bola, mabilis pa ang mata nito at pag pumalo na, may karga bawat spikes nya. Pag na-train pa ito lalo, mahihirapan kahit sinong blocker at receiver.. A rare real talent in volleyball. The precious gem of ALE. Napaisip si Coach Ramil, tama nga ang mga sinabi ng coaching staff nya na kasama ng team nya sa huling game ng mga 'to sa Katipunan. Ayaw nya sanang paniwalaan, kaya sya naman ngayon ang nag-invite sa mga ito para makita ng personal ang laro ni Valdez. Paghahandaan namin ang team na ito..

Heart StrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon