"Babe.. Tahimik ka?" sabi ni Aly habang nagda-drive. "What are you thinking?" kapuna-puna na tila di mapakali at tahimik si Denden.
"I'm just a little nervous, Babe.." napahawak si Den sa braso ni Alyssa. Malamig ang kamay nito sa kaba.
"If you want, we can still turn around.. We don't have to do this right now." malambing na sabi ni Ly, nauunawaan niya ang nararamdaman ni Den. Hindi madaling ipakilala na siya ang girlfriend nito. Isang babae.
"No, Babe.. Tuloy na natin 'to. Ok lang, kaya ko.. Kinakabahan lang ako." nagtataka si Den kung bakit parang siya lang ang kinakabahan at si Ly naman ay parang ayos na ayos lang.
"Babe.. It's gonna be okay." nakangiting sabi ni Alyssa at hinalikan niya ang kamay ni Dennise. "Kahit anong mangyari, hindi ako mawawala sa'yo.. I love you.."
Napangiti si Den sa assurance ni Aly sa kanya. "I love you too, Babe.." ikinalma na niya ang sarili. Sana maging ok ang lahat.
Pagdating nila sa bahay ng mga Lazaro, kumapit ang nanlalamig na kamay ni Den sa kamay ni Alyssa. Marahan pinisil ni Ly ang kamay ng kabadong girlfriend.
"Hi anak!" masayang salubong ng mag-asawang Mike at Arlene sa dalawa
"Hi Ma, Pa.. Si Alyssa po, ang girlfriend ko." kabadong sabi ni Den habang mahigpit ang hawak sa kamay ni Ly.
"Good evening po!" magalang na sabi ni Alyssa sa mga magulang ni Den. "Para nga po pala sa inyo.." nakangiting iniabot niya ang box ng red velvet cake na binili nila dahil paborito ito ni Arlene.
"Naku, thank you.." nakangiting inabot ni Mike ang box ng cake.
"You're welcome po, Sir.." sagot ni Ly.
"Masyado kang formal.. Tawagin mo na lang kaming Tito Mike at Tita Arlene tutal naman hindi ka na iba sa amin. Welcome to our home, Alyssa!" niyakap ni Arlene si Aly at tila nakahinga ng maluwag si Den. Kinuha nito ang cake sa asawa at dinala na sa kusina.
"Halika, dito muna tayo." kinindatan ni Mike si Den bago isinama si Alyssa sa kanilang lanay.
Sinamahan naman ni Den ang ina sa kusina para tumulong ihanda ang dinner table nila.
"Masaya ako na makita kang ganyan ulit ang mga ngiti, anak.." puna ni Arlene habang inilalapag ang mga food sa mesa.
"Yes, Ma.. I'm really happy with Ly. Mabuti na nga lang at nagawa pa rin niya akong tanggapin sa kabila ng lahat ng nagawa ko.." napangiti si Den ng makitang ipinakilala ng ama kay Aly ang mga kapatid niyang si Jus at Mosh na kararating lang galing sa school.
"Mahal na mahal ka niya siguro kaya hindi ka niya basta makalimutan.." na-realized ni Arlene na ito pala ang taong hiniwalayan ni Den noon para sana sa kasunduan nila sa mga Revilla.
Tumango si Den. "Mahal niya ko, Ma.. At sobra-sobra ko din siyang mahal." hindi nagdalawang isip si Den na sabihin iyon. Hindi na niya kailanman ikakahiya ang nararamdaman kay Alyssa.
Hindi naman ikinagulat ni Arlene ang sinabing iyon ni Den, kilala niya ang anak at nakikita niya kung paano tingnan ni Den ng puno ng pagmamahal si Alyssa na kailanman ay hindi niya nakitang mangyari noon kay LA.
"Halika, anak.. Tawagin na natin sila.." sabi ni Arlene ng maiayos na ang lahat sa mesa.
Nakangiting pinuntahan ni Den si Alyssa. Masaya silang nagsalo-salo sa isang hapunan. Malambing na inasikaso ni Den ang girlfriend. Magkahawak kamay at nakangiti naman si Mike at Arlene habang minamasdan ang buo nilang pamilya na masaya na muli. Hindi nila alintana ang isang anino sa may di kalayuan na nagmamasid lang sa mga kaganapan sa loob ng bahay ng mga Lazaro. Galit na galit ito sa mga nakita at natuklasan ng gabing iyon.Saturday
Pagbaba ni Alyssa at Den, nagulat sila ng makita kung sino ang nasa kitchen ng Eliazo.
"Yaya?!" hindi makapaniwalang sabi ni Aly. "What are you doing here?" gulat niya tanong ng makitang tila nagluto ito ng isang breakfast feast sa dami ng food sa mesa kung saan nilalantakan na ng mga ka-teammates niya.
"Ganyan na ba ang bagong bati mo sa akin?" inilapag ni Fe ang mga nilutong bacon at sausages sa mesa bago nameywang.
"Babe! Don't be rude.." saway ni Den kay Aly. May himig pagbibiro naman ito.
Natauhan naman si Alyssa sa inasal. Dali-dali niyang nilapitan ang matanda. "I'm sorry, Yaya.." niyakap niya ng mahigpit ang ina-inahan. "Good morning, Yaya.. Na-miss kita. Sobra.." malambing na sabi niya. Bumabawi..
Napangiti naman si Yaya Fe. "Namiss din kita.. Oh, halina kayo ni Dennise at kumain na muna." pinaupo na niya ang dalawa.
"Thank you po, Yaya Fe." nakangiting sabi ni Den matapos salinan siya ng coffee.
Magandang ngiti naman ang tugon ni Fe habang inaasikaso na si Alyssa.
"Yaya Fe, the best talaga ang luto mo. Sana andito ka na lang lagi.." 😬 sabi ni Ella na puno na ulit ang plate ng food. Nakailang servings na kaya siya, breakfast pa lang 'yan ha?
"Hay naku, Yaya Fe! 'Yang si Ate Ella aabusuhin ka niyan kung nandito ka. Walang kabusugan kaya 'yan!" sabay tawa si Mich.
Natawa na rin ang ibang ka-teammates nila, lalo na ng mabulunan si Ella. Ang takaw talaga!
"Wag niyo na asarin si Ella, kain na kayo habang mainit pa ang pagkain." nakangiting sabi ng matanda.
"Yaya, sabay ka na sa amin.." sabi ni Aly dito. Sanay siya na sumasabay ito sa kanya ng almusal.
"Wag na.. Kumain naman ako kanina. Sige na.." at naupo na lang si Yaya Fe sa tabi ni Aly, inaasikaso na muli ito. Minamasdan din niya ang alaga habang kumakain at nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan. Mukhang masaya naman ito at nagpapasalamat siya na ok na ulit ang dalawa ni Dennise.
"Yaya, bakit ka nga pala biglang napadalaw? May problema ba sa bahay?" usisa muli ni Alyssa. Nagtataka siya sa sorpresang bisita nito sa kanya, samantalang alam niyang napaka-busy nito sa bahay nila.
"Walang problema, anak.. Manunuod ako ng game niyo, finals na di ba? Kaya di ko na 'to palalagpasin. Susuportahan ko kayo.. Susunod nga din daw si Alex mamaya. Manunuod kami!" nakangiting sabi ni Fe.
"Wow! Talaga, Yaya? Oh! Thank you.." natuwa si Ly sa narinig, at niyakap ang matanda. First time ng Yaya niya at ni Alex na manunuod ng game niya ng live. Malaking bagay iyon sa kanya.
"Oh 'yan Aly! Kailangan mamaya manalo tayo para kay Yaya Fe." nakangiting sabi ni Fille.
"I'll do my best!" masayang sabi ni Alyssa kay Yaya at kay Fille.
"Naku! Excited na ko! Galingan niyong lahat ha?" bilin pa ni Fe at inakbayan si Alyssa.
"Siyempre naman! Di ba guys?!" malakas na sabi ni Den.
"Yes! One Big Fight!" sigaw ng team ALE at nagtaas pa ng kamay silang lahat na parang nanalo na.