"Den?! Anong nangyari sa'yo?" nagulat si Ella ng biglang yakapin siya ng kaibigan at umiyak ng umiyak. Gabing-gabi na at akala niya umuwi ito sa kanila.
"Besh.. My life sucks!" panay pa rin ang iyak nito. "I fucking hate my life!!" sigaw nito.
"Sshhh.." dali-daling sinara ni Ella ang pinto ng room nila ni Amy. Tulog na kasi si Kiwi, ang roommate niya at baka magising pa ni Den iyon at mag-beast mode. Mahirap na.. "Do'n tayo sa baba.. Mag-usap tayo.." at niyaya ito ni Ella sa kitchen.
Nagkuwento si Den ng nangyari sa kanya sa restaurant. Kung paano niya naibuhos ang galit na nararamdaman sa family niya. Nagsisi siya ngayon dahil hindi niya nakontrol ang sarili. Halo-halong emosyon na kasi ang nararamdaman niya kanina. Pero nanaig ang panghihinayang niya sa nasirang relasyon nila ni Alyssa. Paano pa niya maayos ito ngayon. Lalo na mukhang may Laura ng umaaligid dito.
"Besh.. Inumin mo muna 'to.." inabutan ni Ella si Den ng hot chocolate na may marshmallows. "Ano bang problema? Si LA? Si Aly? O 'yung outbursts mo sa family mo kanina?" pagka-klaro ni Ella.
"Lahat!!" humihikbi pa ring sabi ni Den. "Hindi ko na alam kung anong kasalanan ko sa mundo at nangyayari 'tong kamalasan na 'to sa akin.. Masama ba akong tao, Besh?" inis na inis na sa mga nangyayari sa buhay niya si Den.
"Hay naku! Besh.. Naiintindihan kita. Pero dapat nga matuwa ka pa kasi umaayon na ulit sa'yo ang tadhana. Tumigil ka na sa kakaisip mo sa nakaraan. Tapos na 'yon.. Ang dapat mong isipin paano mo aayusin ang bukas. Kailan ka pa naging pessimistic? Ayos buhay, Besh.." inakbayan ni Ella ang kaibigan. "Start fixing your relationship with your family. Tapusin mo ng maayos 'yong kay LA. And then mag-rosaryo ka na kay Alyssa.."
"Besh!" nag-react si Den sa huling sinabi nito.
"Hahahaaa! 😛 Pinapatawa lang kita, Besh.. Sorry.." bawi ni Ella sa joke niya. "But seriously speaking, Besh, sa lahat ng iniisip mo 'yong kay Aly na lang talaga ang medyo kumplikado. But don't lose hope, kahit na may magandang Laura na nakatabi kay Aly.."
"Besh, ano ba?! Akala ko ba, serious na? Kaibigan ba talaga kita?" parang batang nagmamaktol si Den ng sabihing maganda si Laura.
"Patapusin mo kasi ako.. Pwede?" nakapameywang na sabi ni Ella. Ang kulit talaga ngayon ni Dennise.
"Ok.." nag-peace sign pa si Den.
"Iibahin ko na lang.. O gan'to.." parang nag-love guru si Ella sa kaibigan. "Kung mahal mo si Alyssa at gusto mo siyang mapabalik sa'yo.. This time, Besh, ikaw naman ang mag-effort kay Aly. After all, ikaw ang nang-iwan at sobra-sobra mo siyang nasaktan.." honest advise ni Ella.
"What? Effort?" parang hindi nag-function ang utak ni Den.
"Yes! Mag-effort ka, Besh.. Ligawan mo si Aly.. Suyuin mo.. Hanggang mapatawad ka niya.." seryosong sabi ni Ells.
Nag-isip si Den. "Parang ang hirap naman no'n, Besh.." napainom ng hot choco si Den. Liligawan ko si Alyssa?
"Hoy Lazaro! Let me remind you lang po, wala ka na sa posisyon para magpa-importante pa para kay Aly noh! Iniwan mo siya, ipinagpalit at hindi ipinaglaban.. Anong gusto mong mangyari? Mag-sorry ka lang, tapos ok na? Hindi biro ang ginawa mo kay Aly ha? Na-hospital pa ang Babe mo matapos ma-broken-hearted dahil sa'yo.." paalala ni Ella sa mga nangyari.
"Aray naman, Besh! Oo na! Tama na! Sobra ka naman mangonsensya.. Tagos oh.." napahiya si Den sa mga sinabi ni Ella pero masakit naman talaga ang ginawa niya.
"Tama si Ells, Den.." sabay napalingon si Ella at Den sa nagsalita.
"Fille? Andiyan ka pala.." sabi ni Ella.
Nakitabi si Fille sa dalawang kaibigan. "Den, hindi biro ang pinagdaanan ni Aly mula umpisa ninyo. At ng iwan mo siya, kahit wala ako doon alam ko na gumuho ang mundo ni Aly ng mawala ka. Dagdagan pa ng malaman niyang ikakasal ka na sa iba. Kahit pa sabihin mong may sapat kang dahilan kung bakit mo nagawa 'yon, walang alam doon si Aly. Para sa kanya, iniwan mo siya at ipinagpalit. Itinapon na lang.. Alam mo naman na kung gaano siya nasaktan. Kailangan mong maibalik ang tiwala niya. At 'yon ang mahirap na ibalik. Kaya tiyagain mo. Wag kang susuko agad. Isa pa, andito kaming mga teammates mo para suportahan ka.." nakangiting sabi ni Fille. "Your lucky to have this chance to get her back, wag mo ng sayangin, Den.." dugtong pa ni Fille.
"May hugot pang kasama aah.. But I agree with you, Fille.. Tama siya, Besh.. Game ako diyan. Team AlyDen yata 'to!" itinaas pa ni Ella ang kamay.
Natatawang nakisakay naman si Fille at Den.
"AlyDen!" sigaw ng tatlo at nagtawanan sila.