"Valdez!"
Napalingon si Aly sa likuran niya kung saan nanggaling ang malakas na tinig. Pagharap niya, may isang lalaking naka-all black outfit ang nakalapit na pala. Naisin man niyang maaninag ang mukha nito ay di niya magawa dahil bahagya itong nakayuko at natatakpan pa ng shadow ng suot nitong black cap ang mukha ng lalaki. May kung anong di magandang pakiramdam si Aly sa taong kaharap pero hindi siya umiwas dahil na rin sa kakilala siya nito.
"Anong meron sa'yo, Valdez? At nakukuha mo ang lahat?" may bigat sa bawat salitang binitawan ang lalaki.
Napakunot noo naman ang nabiglang si Aly. Stay away from her, Alyssa! Narinig niya ang tinig ni Salva sa isip niya. Kinabahan na si Aly, ngunit bago pa man siya makaatras, nagawa ng hawakan ang magkabilang balikat niya ng lalaki. Lalo pa itong lumapit sa kaniya, dahilan para di makakilos si Aly at nakaramdam na ng matinding takot.
"You don't deserve her, Valdez.. Dennise should be mine.." madiin at puno ng panibugho na sabi ng di kilalang lalaki at mabilis na isinagawa ang matagal na niyang gustong gawin.
Nanlaki ang mga mata ni Alyssa sa narinig. Nangilabot siya sa sinabi nito at tila tumigil ang tibok ng puso niya. He knew Dennise and why is he claiming my girlfriend? Who is he? He cannot do this to us! No! Nakaramdam ng galit sa dibdib si Alyssa. Hindi siya makakapayag na idamay nito ang taong pinakamamahal niya, ngunit bago pa siya makapag-react dito o makapag-salita, mabilis na nakatakbo na ang lalaki palayo sa kaniya at unti-unti, may kung anong puwersa ang humigop ng lakas niya.
Sa kabilang banda..
Mahigpit na niyakap ni Bea si Dean na nanginginig pa rin sa takot matapos ang ikuwento nito kung paano pinrotektahan ni Gretch silang dalawa ni Mich sa mga taong nam-bato kanina. Hindi maintindihan ni Bea kung bakit may mga nanggugulo. Ang alam niya, mga fans ng team nila ang naroon so bakit nagka-ganito.😔
Si Mich naman ay mukhang maayos na at kalmado. Pinapainom ito ng tubig ngayon ni Amy. Inaasikasong mabuti ni Kiwi ang tila na-shocked kaninang si Morente. Nasa paligid pa rin nila ang ilang bodyguards, ang iba ay nagbabantay sa kanilang apat at ang karamihan ay abalang nagsasakay ng mga nasaktang kasamahan.
"Hush now, Dean.. It's not your fault, okay? We know Ate Gretch is a strong person so I'm sure she will be fine." hinagod niya ang likod ng nakababatang kaibigan habang tinatanaw si Alyssa na may kausap na lalaki. "Tahan na, hmmm?" inakbayan niya ito. Di magawang alisin ni Bea ang mga mata sa kaibigang nakatayo sa may di kalayuan. Nais sana niyang tawagin na ito palapit sa kanila.
Tumango tango si Deanna kay Bea. Nahimasmasan na siya ng bahagya. "Ate Bei, nasaan na nga pala si Ate Aly?" tanong ni Dean ng mapansing silang apat lamang ang naroon.
"She's talking to someone there.." sabay turo ni Bea kay Aly na nagpalingon naman sa tatlo.
"Who is she talking with?" kunot noong tanong ni Amy na napatayo at tumabi kay Bea. Hindi kasi niya makita at makilala kung sino ang kausap ni Alyssa na sobrang lapit na ngayon sa kanilang kaibigan.
Tumabi na din si Mich sa tatlo.
Curious ang apat na nakatanaw ngayon kay Aly. Iisa ang tanong sa isip nila, sino ang lalaking kausap ni Alyssa?
Umiling si Bea bilang tugon sa tanong ni Amy. "I don't like what I'm feeling, guys.. I think it would be best if we go to her now.." nakaramdam na kasi siya ng kaba sa di maipaliwanag ang dahilan.
"Alright.. Let's go, guys.." sang-ayon ni Amy at inakbayan niya si Mich para di ito kabahan.
Napakunot noo naman si Bea ng makitang lumapit pa lalo ang lalaki kay Aly bago ito mabilis na tumakbo palayo kung saan. Naiwan ang kaibigan nilang sandaling natigilan bago napaurong ito ng ilang hakbang na nagpa-bangon sa kakaibang takot sa dibdib ni Beatriz na ngayon lang niya naramdaman. "Ate Aly!!" malakas na tawag ni Bea dito at automatic na bumilis ang paglalakad niya patungo sa parang kapatid na si Alyssa.