Chapter 3

2.1K 35 1
                                    

Matapos ang training, nagkayayaan na mag-grocery ang team ALE. Nagpunta sila ng UPTC.
"Oh guys, bilisan nyo lang ha? Kita na lang tayo dito sa may counter after 45 minutes, ok na ba yon?" Sabi ni Fille. Balak pa kasi nila maglibot sa mall pagkatapos.
"Ok.." At naghiwa-hiwalay na ang magkakaibigan..
Humabol si Aly kay Den.. "Den.. Sama na ko sa'yo.. Ok lang?" Sabi ni Alyssa.
"Oo naman.. Saan ba muna tayo? Teka, ano bang kailangan mo?" Naglakad lakad na silang dalawa..
"Food? And.." Sandaling nag-isip si Aly.. "I don't know yet.." Nakangiti nyang sabi..
"O sige, unahin na lang muna natin dito sa toiletries.." since yon ang una sa list nya.. Napangiti na lang si Den ng kumapit sa braso nya si Alyssa. Malambing talaga ito..

Kumuha na ng mga kailangan nya si Den. Habang si Ly, iniwan nya sa section ng shampoos and conditioners, para kumuha naman sya ng toothpaste sa kabilang alley.

"What are you looking for, Ly?" Tanong ni Den, ng mapansing ilang ulit ng binalikan ni Ly ang area ng mga shampoos.
"I can't find my shampoo and conditioner, Den.." nakatitig pa rin ito sa shelf.. Naghahanap.. "Actually, I forgot the brand name. But I remember the packaging and I've been searching for it." sabi ni Ly.. "Siguro, they run out of stock.."
Alam ni Den ang gamit na shampoo ni Ly. Nakita nya ito sa CR nila.. Nagtataka lang sya kung bakit parang hindi alam ni Alyssa kung saan lang ito mabibili. Hindi nya talaga ito makikita dito..
"Ly.. Sino bang bumibili ng mga gamit mo?" Tanong ni Den.
Napatingin si Alyssa kay Dennise.. "Ha? Ano kasi.." Hindi nya alam ang isasagot. Ayaw naman nya magsinungaling kay Dennise.
"Hindi ikaw noh?" Sabi ni Den na medyo nang-aasar..
Medyo tumawa din si Ly. "Hayaan mo na lang, Den.. Meron pa naman ako don.. Tara.." Umiwas na lang ito sa pagsagot at tinulak na ang cart.
Hindi na rin nag-usisa si Den.. Sumunod na lang sya kay Alyssa na nauna na.. Hindi din sya nagtanong ulit ng makitang walang nakuha si Ly na kahit na ano. Tulad kanina, hindi kasi makita ni Alyssa ang mga gamit nya. Mula sa shampoo, conditioner, body wash, lotion, toner at iba pa.. Bakas na sa mukha nito ang pagtataka at disappointments. Maya-maya tumahimik na ito.. Nawala 'yong excitement sa mukha ni Alyssa tulad kanina.

"Ly.. Tara na sa food section.." Pinasigla pa nya ang boses. Humawak sya sa kamay ni Alyssa. Napangiti nya na rin ito kahit papano.
Dinala muna ni Den si Alyssa sa imported goods.. Nakita nyang nag-beam ang face nito, at least dito, familiar na si Ly, bulong ni Den sa sarili. Nakita nya na kumuha na ng mga sari-saring items si Aly, may cookies, chips, drinks, chocolates and cereals.
Tinulungan din nyang mamili ng fruits si Aly, kasi napansin nyang basta lamang ito kumukuha, at nakalimutan yata magpa-weigh..
Matapos 'yon pumunta naman sila sa section ng pastries and breads.
"Masarap 'to Ly.." Kumuha si Den ng isang box ng local brand of cheesecakes.
"Really? Ok, I'll take one as well.." At kumuha nga ito.
Kung ano-ano pa ang tinuro ni Den. Nakakatuwa lang na willing ito na i-try ang mga type nyang food. Kuha lang ito ng kuha at kahit awatin nya, sasagot lang ito na mukhang masarap kaya gusto na din  daw nya kaya hinayaan na lang ni Dennise lalo na bumalik ang saya sa mukha ni Alyssa. Halos napuno nila ang cart sa dami ng pinamili.

"I didn't know, buying these stuffs are fun too.." Biglang sabi ni Alyssa nong nasa counter na sila. Malapad ang ngiti nito. Mukhang nag-enjoy talaga.
Nagulat naman si Den sa sinabi ni Alyssa.  Malamang nadulas lang ito. "Is this your first time, Ly?" Tanong ni Den.. Nakita nyang nabigla si Alyssa at hindi sya sinagot. Hindi sya nangulit na, mukhang nahiya ito at ayaw din nyang masira ang mood nito.
Sa counter, nilagay na ni Dennise ang mga pinamili ni Alyssa para unang ma-register sana. Tumulong si Aly pero hindi na nito pinipili at nilalagay lahat pati na rin yong kay Dennise.
"Ly, mamaya na yong sa akin.. 'Yong sa'yo lang muna.." natatawang sabi ni Den. Naghalo-halo na kasi, nalito at nagkamali na ang cashier. Uulitin na lang sana ng nasa cashier ng awatin ni Alyssa.
"It's okay, Miss.. Isang receipt na lang.." Mabait na sabi ni Alyssa, nginitian pa ang cashier.. Parang kinilig naman ang babae.. Sino ba namang hindi kikiligin kapag ngiting Valdez..
"But Ly.." Awat ni Den..
"I'll pay na okay.. We don't have time, they're waiting for us.." She pointed her finger to their friends, patiently waiting. At sila na lang ang hinihintay.
"O sige, I'll pay you back later.." sabi ni Den. Ayaw na rin nyang paghintayin pa ang mga kasama.
Matapos magbayad ni Alyssa, hinatid muna nila sa car ang mga pinamili bago sila nag-ikot ikot, magkahawak-kamay.. Hindi nila pansin ang mga makahulugang ngiti ng mga kaibigan nila na nasa likod lang.
"Let's go there, Den.." tinuro nito ang home furniture shop.
"Okay.." at nagsabi sya kay Fille na doon muna sila.
Hinatak na sya ni Ly.. Excited na parang bata ito na tumingin tingin. Natutuwa talaga si Den pag ganito si Ly.. Kahit na pinagtitinginan ito ng iba, parang wala lang sa kanya at masaya pa rin ito na yumayakap ng unan at dinadama ang lambot ng mga mattresses at beddings..

Heart StrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon