Chapter 24

1K 24 11
                                    

Masuyong hinaplos ni Dennise ang pisngi ng minamahal na nahihimbing pa ng mga oras na 'yon. Nagdadalawang isip siya kung iiwan niya ba ito o hindi. Lamang man ang pagnanais na makasama ito lagi, may isang parte naman sa utak niya ang nagsasabing kailangan niyang pasayahin ang unang pasko nila. Gusto din niyang maging memorable ito para sa kanilang dalawa at mabigyan ng konting sorpresa si Alyssa.

Dream of me, Babe.. Erase all your worries and fears for I will never ever leave you nor let anyone else hurt you again.

Dinampian niya ng maliit na halik sa noo ang kasintahan. Napangiti siya ng tila may sumilay na ngiti sa mukha ni Alyssa habang natutulog pa rin ito. Maamo ang mukha nito at tila batang natutulog.

Are you my angel?

Napangiti si Den sa naisip. Naalala niya ang

You know what.. You are the only one who have the power to melt my heart and at the same time brought an infinite bliss by just simply smiling at me. I don't know how you can lift my spirit every time I am with you, without even uttering any word. You really are my bundle of joy, my strength and my love that makes my world more meaningful and complete. And, I thank Heaven everyday for sending you in my life. I promise to Him, that I will be here for you too and I will forever protect you and cherish you for as long as I live. I love you beyond the stars, Babe..

Hindi na napigilan ni Den na hagkan ng banayad ang malalambot na labi ni Alyssa. "Mahal na mahal kita, Babe.." nakangiting bulong niya dito bago narinig ang marahang pagbukas ng pinto.

"It's time, Besh.." bulong ni Ella sa bahagyang nakabukas na pintuan.

Dahan-dahang tumayo si Dennise at inayos ang puwesto ni Alyssa. Nilagyan niya ng unan ang magkabilang gilid nito at kinumutang mabuti ang mahal niya. "I'll be back, Babe.. Enjoy your day and remember that I love you, always.." muling bulong niya dito at maingat at masuyong hinagkan ang noo ni Ly.

Tinanaw muna ni Den ang natutulog pang si Alyssa mula sa pintuan bago tuluyang ipininid na ang pinto na may ngiti sa labi.

"Tagal mag-paalam.. Pinagod mo na naman si Aly, ano?" mapang-asar na salubong ng nakangising si Donya Ells.

"Hoy, Besh! Ikaw ha, tumigil ka! Ang aga aga, ang dumi na agad ng tumatakbo sa isip mo." sabay pitik sa noo ng pilya niyang kaibigan.

"Aray, Besh.. Ang sakit aah!" himas himas ni Ella ang noong nasaktan. "Tss! Sadista.." napa-pout ito.

"Natandaan mo ba mga bilin ko sa'yo?" masungit na tanong ni Dennise na nakapameywang pa ngayon.

"Oo naman.. Kahit na sadista ka sa akin at sandamakmak ang mga habilin mo, basta para sa inyo ni Aly, gagawin ko.. Tsaka, nangako na ko sa'yo di ba?" sincere na sabi ni Ella sa kaibigan.

Pinipigilan ni Dennise na ngumiti sa hitsura ng bestfriend niya na nanghahaba na ang nguso. "Mabuti naman kung gano'n.. 'Lika na.." mataray pa rin niyang sabi dito at nauna ng maglakad patungo sa tagpuan nila ni Bea.

Kunot noo at tahimik lang si Ella na sumunod kay Dennise.

Naramdaman naman ni Den ang bahagyang pagtatampo ng kaibigan kaya hinawakan niya ang kamay nito. Mukhang napalakas ang pitik niya sa noo ng kaibigang namumula pa rin. "Thank you, Besh ha.. Alam mo naman na kung puwede lang, di ko iiwan si Ly ngayon. Kaya lang kasi kailangan kong makabawi sa kaniya ngayong Christmas. At siyempre, kanino ko pa ba puwedeng ibilin ang girlfriend ko di ba? Eh ikaw lang naman ang taong sobra kong pinagkakatiwalaan at nag-iisa kong bestfriend sa mundo.."

"Phew! Nag-drama ka pa!" pigil na ang ngiti ni Ella kasi na-touch siya sa mga sinabi ni Denden.

"Alam ko naman na di mo ko matitiis eh.." masayang niyakap ni Dennise ang nakangiti na niyang kaibigan. "Hayaan mo, Besh.. May pasalubong ka sa akin mamaya.."

Heart StrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon