Ring ring ring
Biglang tumunog ang phone ni Den. F**k! Istorbo 'to ah! Hinalikan nya agad si Aly sa pisngi ng magmulat ito ng mata. Napahiya sya sa sarili at ini-ignore na lang nya ang reaksyon ni Aly. Ngiting ngiti kasi ito na mukhang nakahalata sa balak nya kanina. Tumayo na sya at inabot ang phone na nakapatong sa bed side table.
"Yes Ella!" Wrong timing ka, Besh! Kainis! Gustong gusto nyang sabihin dito pero syempre andyan lang si Alyssa kay kunwari wala lang.
"Anuna Besh? Ok na kayo? Bati na ba kayo ni Aly ha?" tanong ni Ella.
Napangiti si Den, makulit man itong si Ella, alam din naman nyang sobrang love sya nito. "Yes, Besh! Ok na.." at tumingin si Den kay Aly na titig na titig sa kanya.
"Yey!" narinig ni Den ang malakas na sigawan ng teammates nya. "Ssshhh!" pinigilan ni Ella ang ingay ng mga kaibigan. "Baba na kayo, Den. Kumain na tayo! Kayo na lang hinihintay dito.." natatawang sabi ni Ella sa kabila ng malakas na hiyawan pa rin ng mga kaibigan nila.
"Ok! Sunod na kami.. Sige na.. Bye!" Natatawang sabi ni Den at pinindot na ang phone to end their conversation.
"Ang ganda ng ngiti mo!" bigla syang hinapit ni Aly sa beywang at niyakap. "Masaya ako pag happy ka.." iginiya sya nito na parang nagsasayaw sila.
Para naman nag-jumping rope ang puso ni Den lalo na sa ganda ng ngiti sa kanya ni Ly. Kung pwede nga lang hindi na sila bumaba para di maputol ang moment na ganito. "Ly.. They're waiting for us downstairs.." nakangiting sabi nya na medyo kinikilig pa. Para namang nanunukso ito at humalik halik si Aly sa noo nya, sa mata, sa ilong at sa pisngi.
"Do you really want us to go down?" tila nang-aakit na tanong ni Aly habang hinahalikan si Den paulit ulit sa mukha.
"But.. Ly.." napapikit si Den. Ang sarap kasi ng maliliit na kisses ni Aly. Nagpipigil syang matangay sa sweetness nito. "They're waiting.." nagawa nyang sabihin pero naipulupot nya ang kamay sa leeg ni Alyssa.
"Hmmm?" tanong ni Aly habang hinahalikan si Den sa buong mukha nito. Nakaka-adik halikan ang mukha ni Den, ang lambot lambot kasi at pinipigilan lang nya ang sarili na halikan ang mga labi nito na parang mina-magnet sya papunta doon.
"Llyyy.." umungol na si Den. Hindi dahil sa gusto nyang tumigil si Alyssa kundi dahil sa nag-iinit na ang mga pisngi nya, at natutukso sya sa mga halik nito lalo ng dumako ito sa bandang tenga nya.
"Oh.. Den.." umungol na rin si Aly ng marinig ang ungol ni Den. Para syang iniimbitahan nito na lalong ipagpatuloy ang ginagawa. Nahihirapan na syang tumigil sa paghalik dito. Stop now, Ly! sigaw ng utak nya. And she pulled all her strength in, and she stopped herself. She sealed her love with a long kiss in Den's forehead and hugged her tightly.
Bitin na bitin si Den. Hindi nya gustong matapos ang nararamdaman na pagmamahal ni Aly sa kanya. Ngunit ng halikan sya nito sa noo ng matagal, mas napatunayan nya ang respeto at pagmamahal ni Alyssa. Yinakap din nya ng mahigpit si Ly. Mahal na mahal sya nito, nasisigurado nya ngayon. Sabihin man ni Ly o hindi, ramdam na ramdam nya na mahal sya nito. At mahal na mahal nya rin si Alyssa.
"I want to be with you always, Den.." bulong ni Aly. Pwede bang akin ka na lang?
"Ako din, Ly.. Ayokong mawala ka.." buong pagmamahal na sabi ni Dennise.
"I will never leave you.." bulong ni Aly habang yakap pa rin ng mahigpit si Den. I love you so much, Den. I'll always do..Masayang nagkakainan ng pizza, chicken at pasta ang team ALE sa dining, courtesy of Bea. Sweet na sweet na nagsusubuan si Fille at Gretch, ganon din si Jho at Bea. Hawak kamay naman sa ilalim ng mesa si Aly at Den, hindi mabura ang mga ngiti sa labi ng mga ito.
"Den, are you free tomorrow?" bulong ni Alyssa.
"Yeah.. Why?" nakangiting sagot ni Den na tumitig pa kay Aly.
Ngumiti lang si Alyssa na parang may naisip na naman na kalokohan. Imbes na sagutin si Den, kinausap nito ang buong team.
"Guys!" awat ni Aly sa nagkakasiyahang teammates. "One quick question?"
"Ly?" nagtaka si Den. Ano na naman kaya ang iniisip nito.
"Ok shoot, Aly.." sigaw ni Amy na nasa kabilang dulo ng table.
Tumahimik na ang lahat.
"Who wants to come with me for a night swimming?" masayang sabi ni Alyssa.
"I am!" sabay sabay na sigaw ng mga teammates nya na nagtaasan pa ng kamay sa tuwa. Mga lahing isda yata ang mga ito at mahilig mag-swimming.
"Saan ba 'to, Ate Aly?" tanong ni Maddie.
"Basta! Dito lang sa Manila. Para di tayo mapagod magbyahe.." nakangiting sabi niya.
"Yes!" Nag-fist pump pa ang mga teammates nya sa tuwa. Excited ang lahat.
"Ok, guys! Mag-prepare na tayo! Dalian nyo na dyan!" nakangiting sabi ni Fille sa mga ka-teammates.
Nagmamadaling inubos na nila ang food sa kani-kanilang plate para makapag-ayos na.
"Thanks Aly! Kailangan din talaga ng team natin ngayon ang mag-relax.." nakangiting sabi ni Gretch.
"Wala 'yon.. Gusto ko lang mag-enjoy tayo." tugon ni Aly. May plano din kasi sya tonight.
"O sige. Akyat na ako.." sabi ni Gretch at iniwan na sila ni Den.
"Saan ba tayo pupunta, Ly?" tanong ni Den habang nililigpit ang mga kalat nila sa kitchen.
"Mamaya na. Para suprise na lang.." ngiting ngiti si Alyssa, tumulong ito sa pagliligpit.
Pumadyak si Den na parang bata. "Ly naman eh! Tell me na!" nag-pout pa ito.
Lalo naman natuwa si Alyssa. Ang cute kasi ni Den. "If you keep on pouting, baka di na ko makapagpigil, hahalikan na kita sa lips.." banta ni Aly habang dahan dahan lumalapit kay Den.
Nanlaki ang mata ni Den. Bigla nyang tinikom at kinagat ang labi kasi kinikilig sya kay Alyssa.
"So you don't want me to kiss you on your lips?" bulong ni Aly habang titig na titig sa mga mata ni Den.
Umiling si Den pero nakangiti at nakatikom pa rin ang labi.
"Really?" pilyang ngumiti si Alyssa dito. "But I really thought you're planning to kiss me awhile ago.." nang-aasar na pina-alala ni Ly ang tangka kanina ni Den sa room nila bago tumawag si Ella.
Nanlaki ang mata ni Den. Naramdaman nyang nag-blush sya. "Hindi kaya!" and she pouted accidentally at agad kinagat ulit ang labi.
Nakita 'yon ni Aly at biglang yumakap sa beywang ni Den. "You pouted again! I saw it!" ngiting ngiti si Alyssa.
Tinakpan ni Den ang bibig, pero ngiting ngiti ito. "No, Ly! I did not!"
"Yes! You did! And you know what I will do next!" nanggigigil na sabi ni Alyssa at inaalis ang kamay ni Den sa bibig.
"Ly!!" tutol ni Den, titig na titig sa mga mata ni Alyssa.
Unti unting bumaba ang ulo ni Ly sa mukha ni Den. Akmang hahalikan na nito si Den ng biglang tumigil ito sa mismong tapat ng labi nya, ga-hibla na lang ang pagitan ng mga labi nila sa isa't isa.
"I will kiss you on your lips only, when you ask me for it.." bulong ni Ly na naghatid ng kilabot sa buong katawan ni Denden.
Nanigas sya sa anticipation ng kiss ni Alyssa. Ngumiti ito sa kanya at tumalikod na. Naiwan syang nakatulala at di agad. nakakilos. Napahawak sya sa labi nya kahit na hindi pa iyon nahahalikan ni Ly, ramdam na ramdam pa rin nya kasi ang hininga nito sa mga labi nya. 'Yon pa lang, ay naghatid na sa kanya ng kakaibang sensation. Oh, Ly.. What are you doing to me?