"Dennise!"
May tumawag sa kanya kaya tumigil sila ni Ella.
"Pinabibigay po.." nakangiting sabi ng isang lalaki.
"Thank you.. Sinong nagbigay?" tanong ni Den.
"May note po daw sya sa loob.." at tumakbo na ito palayo..
"Wow, Besh.. May secret admirer ka.." nang-aasar na sabi ni Ella.
"Heh!" at binuksan na nya ang paper bag. Nakita nya ang isang blue tulip. Ngumiti na si Den. Alam na nya kung kanino ito galing.. May note nga sa loob at binasa nya ito..
Den,
Sorry, I'm being held by my project group mates. Enjoy your lunch with Ella..
Miss you,
Ly
Napangiti si Den.. Sweet and thoughtful talaga si Alyssa..Araw-araw syang binibigyan ng food nito. Pinapataba yata sya.. Hinahatid pa lagi ito ni Ly pag may time at syempre meron din parati para kay Ella, na classmate nya before lunch break.
"Kanino galing?" tanong ni Ella.
"Kay Ly.. Kaya halika na, kumain na tayo.." masayang sabi ni Den.
"Favorite person ko talaga 'yang si Aly.." nakangiting sabi ni Ella..
"Oo na.." at nagtawanan ang magkaibigan..Pagkatapos ng huling klase ni Aly, nagmamadali syang makauwi. Dadaan pa sya sa bakeshop ng isang kaibigan para kunin ang mga inorder na merienda nila ni Den. Hindi sila nagkita kanina. Naging abala sya sa acads nya today kaya ngayon excited na syang makita si Den. Nakangiting nagmaneho si Alyssa.
"Ate Aly!" Palapit si Bea, kabababa lang nito sa sasakyan. Magkasunod lang sila nakauwi ng dorm.
"Hi Bei! Good you're here.. Tulong naman oh.." sabi ni Alyssa habang may hawak na ng dalawang boxes..
"Bakit ang dami mo na naman binili? Ikaw talaga, Ate Aly.. Sobra sobra na naman 'to.." kinuha ni Bea ang mga hawak na boxes ni Aly.
"Ok lang.. Marami naman tayo kakain.." May kinuha pa si Aly sa loob ng kotse na isa pang box at isang paper bag. "Thanks Bei ha.." nakangiting sabi ni Aly at nauna ng pumasok.
"Hello guys!" bati ni Aly at Bea pagpasok ng dorm.
"Ate Aly brought food again!" malakas na anunsyo ni Bea at itinaas pa ang dalawang boxes ng pastries, at dumiretso na sa mesa.
"Wow! Thank you!" sigaw ng lahat at nag-hug and kiss pa kay Alyssa bago pumunta na ang mga ito sa mesa para kumain.
Hinanap naman ni Aly si Den.. "Si Den?" tanong nya.
"Nasa room nyo.. Hinihintay ka.." sabi ni Ella na may hawak ng danish cinnamon roll at blueberry muffin sa plate nya.
Nilapag nya ang hawak na kahon at isang paper bag.. "Puntahan ko muna si Den.." paalam nya sa team at dali daling inakyat ang room nila.
Pagbukas nya ng pinto, inabutan nyang nakahiga si Den sa bed at nakasuot ng headset, nakapikit ito pero halatang gising pa. Dahan dahan lumapit si Aly. Lalong lumapad ang ngiti nya ng mapagmasdan ang magandang mukha ni Den.. Mabilis nyang hinalikan sa noo si Dennise at yumakap sya..
"Ly.. Ikaw talaga.. Ginugulat mo ko lagi.." nakangiting sabi ni Den at inalis ang headset.
"I miss you.." hindi pa rin bumibitiw sa yakap si Aly.. Sumiksik pa ito sa leeg ni Den.
Nakiliti naman si Dennise pero hinayaan lang nya si Ly.. "Miss daw? Eh hindi ka man lang nag-text o tumawag.." himig tampo naman sya.
"Baka kasi maka-istorbo ako sa class mo.. Kaya nagtiis na lang ako.." malambing na sabi ni Aly. "Namiss talaga kita.." at itinaas ni Aly ang mukha sa baba at tenga ni Den. "I miss you, Den.." bulong ni Ly.
"I miss you too, Ly.." hinalikan nya ang noo ni Alyssa. Kumportable silang dalawa sa isat-isa.
Magkayakap lang sila ng ilang minuto ng makaramdam ng gutom si Alyssa.
"Let's eat, Den.. May dala akong food.." sabi ni Ly.
"Ok.. Sana may natira pa.. Mga gutom pa naman ang mga 'yon kanina." biro ni Den.
Hawak kamay si Aly at Den na nagtungo sa dining room. Inabutan nilang kumakain pa ang team.
"Ate Den.. Ang tagal nyo naman.." may ibang kahulugan ang mga ngiti ni Mich. Ngumiti lang sila ni Aly.
"Den.. Halika na, bago ka pa maubusan ni Ella." pang-aalaska ni Gretch na nagpatawa sa lahat.
"Mga kaibigan ko ba talaga kayo?" tumayo tuloy si Ella.
Inakbayan naman ito ni Alyssa para hindi makaalis.. "Ells ok lang 'yan.. Kumain ka pa kasi may dala naman ako para kay Den.."
"Oh kita nyo na.. Buti pa talaga itong si Aly, tunay na friend ko.." yumakap pa si Ella sa beywang ni Ly.
"Ehem!" papansin ni Den.
"Aay! Sorry, Besh!" Agad tinanggal ni Ella ang yakap kay Alg at nag-peace sign kay Den.
Napangiti naman si Alyssa.. Pinaupo na nya si Den at binuksan ang malaking dalang box kanina. Nakatingin naman ang buong team sa dalawa.
"Wow!" sabi ng lahat ng tumambad sa kanila ang iba't ibang flavors ng mini cakes.. Ang ganda tingnan kasi iba-ibang design at lahat mukhang masarap.
"Hindi ko kasi sigurado kung ano ang gusto mo kaya kinuha ko na lang lahat.." pagtatapat ni Aly.
Napangiti naman lalo si Den..
"Ikaw na, Ate Den!" kantyaw ni Maddie.
"Super touch ako.." sabi naman ni Jia na yumakap pa kay Mich.
"Hindi naman yan para sa'yo.." sabi ni Jho.
"Kahit na! Ang sweet kasi ni Ate Aly.." kinikilig na sabi ni Jia.
Natawa na lang si Aly at Den sa mga kaibigan.
"Tara na, tikman na natin!" sigaw ni Den sa team.
"Yes!" sigaw ni Ella at nauna ulit kumuha ng cake..
Hinayaan naman ni Den ang mga kaibigan.. Hindi din naman nila 'yon mauubos ni Aly. Sinusubuan sya ni Aly. Isa-isang tinikman nila ang mga cakes at pastries na dala Ly. Ang dami nilang nakain.. Busog na busog ang team.
"Thank you.." masayang sabi nya at humalik sya sa pisngi ni Ly.
Ngumiti naman si Aly.. "May nakalimutan pala akong ibigay.." kinuha ni Ly ang isang paper bag na nasa kabilang upuan.
"Ano 'to?" tanong ni Den.
"Open it.." nakangiting sabi ni Ly at uminom ng tubig.
Binuksan ni Den ang bag.. Nakita nya ang isang cream-colored sweater. Simple lang ang design nito pero ang ganda ng tela.. Malambot at mukhang mamahalin.
"Para hindi ka lamigin agad.. Madalas ng umulan eh.." malambing na sabi ni Alyssa.
"Thank you, Ly.." niyakap ito ni Den. "Spoiled na ko sa'yo.. Sobra.." nakangiti nyang sabi..
"Ang ganda naman nyan, Ate Den.. Patingin.." sabi ni Bea.. at pinakita naman ni Den sa mga kaibigan ang bigay ni Ly.
"Ang sarap.. Ang lambot.." sabi ni Deanna ng mahawakan ito.
"Ang ganda.. Bagay 'to sa'yo, Den." sabi ni Fille.
"Ang mahal siguro nito.. Ang ganda ng tela kaya.." sabi ni Mich at tinapat pa sa sarili.
Tiningnan ni Gretch ang sweater.. Nagulat ito sa nakitang brand.. "Maganda nga.." tanging nasabi nito.
"Nakita mo na ba sa magazine 'to?" tanong ni Jho kay Gretch. Alam ng lahat na mahilig si Gretch tumingin tingin ng mga damit sa magazines.
"Hindi ko sure.. Parang.." sabi ni Gretch at tumingin kay Ly. "Ok ang taste mo, Alyssa.."
Ngumiti lang si Aly at uminom ulit ng tubig. Binalik na rin kay Den ang sweater. At nagpatuloy sila kumain at magkwentuhan.