Chapter 1-Normal day

1K 18 14
                                    


Zarah's POV

"Sheen? Sheeeeeen? Sheeeeeeeeeeen?"

At biglang may humatak sa paa ko na may malamig na kamay. Bigla akong nangilabot.

"Bitawan moko! Bitawan moooo-----", naputol ang sasabihin ko dahil....

"Uwahhhhhh!!! *BOOOGSH* Araaaay!"napabalikwas ako ng bangon dahil sa panaginip kong kasing-sama ng mukha mo djk. Nauntog tuloy itong ulo ko sa kisame ng double-deck.

"Uy! Binangungot ko na naman no? Hays", agad na nahulaan ni Venice kung anong nangyare sa akin.

"Oo, as usual", sagot ko naman.

Nang akmang babangon na ako, e nakaramdam ako ng basa sa kama. Dugooooo!

Aish! Meron na naman pala ako. Hassle naman oh!

Makaligo na nga para makagayak na. Buti nalang talaga nakapagreview ako sa midterms namin mamaya.

"Oy! Ako na ang mauuna maligo ah! Wag ka nang umangal baka ikaw ay aking masakal.", agad kong sabi kay Venice.

"Aba! Makata si ateng! Edi ikaw na. Ilublob kita diyan sa inidoro eh", tugon nya naman sakin.

*************

"Tara na! At baka malate pa tayo. Ay teka, nakapagreview ka na ba para mamaya?"paalala ko sa kanya.

"A-anong m-meron?", utal-utal niyang tanong sa akin.

"Teka parang di ka nag review no? mwahahaha :'>", asar ko sa kanya.

"Anong hindi? Nag review kaya ako. Tsaka maasahan ko naman tong stock knowledge ko no", pagyayabang niya saken.

"Well, goodluck!", dugtong ko pa.

After 258798752658 years. Nakarating na din kami sa Pak Ganern University PGU for short. Astig no?

Mr. Oshy Aquino POV

"Oh, bakit parang ang aga-aga stress na stress na yang mukha mo?", tanong ko kay Sir Llanit na co-teacher ko.

"Paano ba naman kasi andaming pasaway na estudyante! Yung isa napakaikli ng skirt. Tas yung isa naman habang naglalakad hala sige pindot ng pindot sa cellphone kaya nabangga ako. At alam mo ba, yung isa pa e-----", di ko na sya pinatapos pa sa pagsasalita. Naiirita lang din ako e.

Bago ang lahat, ako nga pala si Oshy Aquino, head-teacher dito sa PGU. Inuunahan ko na kayo.Pagdating sa usaping pamamalakad dito sa eskwelahang ito, ay nais kong tumkabo ang lahat sa makatarungang pamamaraan. Ngunit kahit na ganun, mabait naman ako. Hindi katulad ng iba na masungit at once in the blue moon ngumiti.

"O siya sige na, pabayaan mo na. Mga bata eh, ganun talaga", pagtatanggol ko sa mga bata.

"Ay naku Sir! I Sige, mauna na ako at pupunta na ko sa first class ko.", paalam nya sakin.

Midterms na nga pala. Sana maging maayos ang lahat.

Zarah's POV

~Class Motto: No Repeat Exams~ yan ang nakapaskil sa pinto namin dahil nga midterms na.

Pagkapasok ko agad nang kinolekta ni Jeff ang mga cellphones. Isa sa mga anak ng mga PTA sa campus.

Habang nag rereview ako.....

"Opo mom. Ako ang bahala.... Opo.... Trust me mom",animo'y kausap niya ang mama nya.

"Pwede bang sa labas mo ituloy yang pakikiag usap mo. Di lang ikaw ang tao dito. At isa pa, di mo ba nakikita na nagrereview ako?", inis kong sabi sa kanya. Akala mo lang siya lang tao. Hmp!

Death BellWhere stories live. Discover now