Friday, May 23rd, 1 day before the special class.
Zarah's POV
Nandito ako sa hallway nang mapansin kong may pinagkakaguluhan ang lahat.
Lumabas na nga pala ang results ng ranking.
"Shocks! I hate the rankings",rinig kong bulong nang isang estudyante.
"Puro naman mga anak ng PTA Officials!",reklamo ng kasama niya,
1st Rank - Mean Angeles
2nd Rank - Rave Boulder
3rd Rank - Edward Cadwell
4th Rank - Venice Cohen
5th Rank - Zarah Ortez
6th Rank - Althea East
7th Rank - Klode Hilton
8th Rank - Eljon Jarvis
9th Rank - Jenny Noble
10 Rank - Jameson Stryker
Sa totoo lang tama naman sila. Halos lahat ng nasa ranking ay mga anak ng PTA Officials. Ang unfair naman saming nag-aaral ng mabuti. Maliban nalang sa aming dalawa syempre ni Venice na hindi naman anak ng walong PTA. Kahit papaano ay worth it naman lahat ng paghihirap namin ni Venice. Sayang nga lang wala na siya.............
Nanlulumo akong nakatingin sa kawalan habang di pa din umaalis sa pagkakatayo ko dahil naalala ko naman siya.
Pero nagulat nalang ako nang sinakal ako ni Modrick. Na out-of-balance,ako dahilan ng pagkakabagsak ko.
Modrick's POV
Nakita ko si Zarah na nakatayo sa hallway, at nang magtama ang paningin naming dalawa.
Nakita ko siya sa likod niya.
Di ko agad naalis ang tingin ko sa kanya.Masama ang pagkakatingin niya sa akin.
Nanlilisik. Nakakatakot. Nakakapangilabot.
Nakikita ko sa kanya ang pagkatao niya.....
At parang pakiramdam ko may bumulong sa tenga ko na kahit anong laban ko ay di ko na magawa pang pigilan. At nang hindi ko na kontrol pa ang sarili ko, sinugod ko kaagad siya.
Sinakal ko si Zarah dahilan ng pagkabagsak niya.
"Ahhhhhh-----", ramdam kong nasasaktan siya sa ginagawa ko.
"Itigil mo yan wirdo!",rinig kong awat ng ilan.
"Tumigil ka naaaaa!",naramdaman kong may humatak sakin papalayo kay Zarah.
"Uwaaaaah! Waaaaaaaah!"Di ko mapigilan ang sarili ko sa pagsigaw dahil pilit kong nilalabanan ang bumubulong sa tenga ko.
"Tulong! Tulungan mo ko Modrick. Nagmamakaawa ako sayo."
"Tulungan moko, at sabay nating ipaglaban ang karapatan natin"
"Tulooooong!"
Yan ang patuloy na naririnig ko sa tenga ko. Naalala ko na naman sya. Sa sobrang takot at konsensya ko, gusto ko nang magpakamatay.
Pero parang gusto ko ding pumatay......
Miss Choi POV
"Ang galing naman ng klase mo Sir Aquino! 30% ng klase mo ay matataas ang grades lalo na sa subject mong English", narinig kong puri ni Sir Llanit kay Sir Aquino.
"Syempre naman! Masisipag ang mga estudyante ko at di ko dinadaan sa pagiging masungit para lang matuto sila",sabay tingin ni Oshy sakin na animo'y pinaparinggan ako.
Hindi ko nalang siya pinansin bagkus tinapuanan ko siya ng masamang tingin.
"Sir Aquinooo!!",rinig kong sigaw ng isang estudyante na hingal na hingal.
"Oh bakit? Anong nangyayare?",takang tanong ni Oshy.
"Si Modrick po, may kakaiba po sa kanya. Parang di na sya normal!",pagbabalita naman ng isa.
Agad kaming tumakbo papunta sa kinaroroonan ng kaguluhan.
After 10 minutes dumating na ang ambulansya.
*Weeeyouuuu! Weeeyouuu!*(A/N: Tunog ng ambulansya yan, wag kayo -,-)
"Magbabayad ang mga may sala! Magbabayad kayo!",pagwawala niya.
"TANDAAN NYO! WALANG LIHIM NA HINDI MABUBUNYAG! KAYA MAGHANDA NA KAYO SA NALALABING NIYONG ORAS.", at pagtapos niyang iwan ang mga katagang iyon ay humalakhak siya na parang demonyo.
Officer Jam's POV
Alas-otso na nang gabi nang magpatrol ako sa buong campus nang may marinig akong kaluskos.
"Hik*Hik* Wag please.", rinig kong may bumubulong.
"Sino yan? Lumabas ka kung nasaan ka man!", buong lakas kong isinigaw yun, sapagkat nagbabakasakali akong lumabas ang nag-mamay-ari ng boses na iyon.
Pagdaan ko sa lumang building,parang nakaramdam ako na andun ang may-ari ng boses na iyon. Kaya agad akong nagtungo sa gilid ng bakanteng lote na iyon, at tintukan ng flashlight.
At nakita ko ang di ko dapat makita doon.
Si Modrick.
"Anong ginagawa mo diyan?", pagtatanong ko sa kanya dala na rin ng pagtataka dahil sa bakas ng dugo sa katawan niya.
"A-a-a-ahhhh!", nagulat ako sa bigla nyang pagsigaw.
Nanginginig siya at animo'y may tinitignan.
"Oh,anong tinitignan mo?", tanong ko ulit.
"Uwaaaaaaaaaaaaaaaah!", isang nakakakilabot na sigaw ang natanggap ko sa kanya.
Agad siyang umalis, at nagtatatakbo papalayo na parang hinahabol ng sampung kabayo.
YOU ARE READING
Death Bell
Mystery / ThrillerThey are dying by their grades and I'm the next. First day of midterm exam..... Second day of midterm exam...... Last day of midterm exam..... *Kraaaaaaaaaaang!* "You will take the midterm now. One will die for every incorrect answer". Ten Nine Eig...