(A/N: Pakinggan nyo yung video na inilagay ko, ganyan yung music nang bell nila. Sonds creepy talaga huhubels. HAHAHAHA! ~Itapon tapon tapon niyo, basura niyo itapon nyo~)
Zarah's POV
Nang matapos ang pagtunog ng bell na yun ay agad na din kaming lumabas. Labag man sa kalooban ko na iwan siya ay wala kong magagawa. Ngunit bago ang lahat, hinalikan ko muna siya sa kanyang labi ng puno ng pagmamahal. Kailangan ko na nga talaga siyang iwan, dahil hindi naman maibabalik ang buhay niya kung iiyak lang ako ng iiyak ngayon.
Pabalik na sana kami sa loob ngunit may nag lock ng pinto sa amin.
"Buksan nyo tooo! Isa! Dalawa! Urgh!!!!!!! Buksan nyo to mga **********", galit na galit na sigaw ni Sir Aquino. Kung titignan mo siya ay parang hindi siya nag gurong nakilala ko na mahinahon sa lahat ng bagay.
Pilit na pinapaklma ni Miss Choi ang nagwawala naming kasama. Sandali naman akong natigilan nang makitang may animo'y combination ng numbers at kailangan naming sagutan upang mabuksan siguro ang pinto.
"STOOOOOOOOOP IIIIIIT!",nauubusan na ako ng pasensya kaya sumigaw na ako.Agad namang napahinto si Sir sa pagwawala niya at sinundan niya ng tingin ang mga mata ko.
"Sino naman ang may pakana nito?", Sir.
"Multiply the outer digits and inner digits to get the next digits",usal ni Miss Choi. "Take the outer digits. So, 5 times 5 equal 25. Place the answer in the ends. 6 times 8 equals 48, put the numbers in the middle. Then the next number must be 1320",at yun ang number na tinype ni Miss kaya awtomatikong nagbukas ng pintuan. Ang talino ni Miss!
"Grade 1, Class 3. , Student number 20. It's Sheen!",yan ang mga salitang lumabas sa bibig ko at tila may naalala ako.
Venice POV
Nagising ako sa ingay ng alarm clock at hindi ko inaasahang magiging ganto ang posisyon ko. Nakatali ang isa kong paa kaya ang dating ay nakapatiwarik ako. Halos mahilo ako sa posisyon ngunit mas nananaig ang kaba at takot sa kabuuan ko.
"Venice? Venice!",biglang lumapit sa akin si Zarah. Tama siya, tinupad niya ang pangako niyang babalikan niya ako. Kasunod niyang dumating sila Sir Aquino at Miss Choi, ngunit nakapagtataka dahil wala si Jareid. Hindi ko na rin naitanong sa kanya dahil nabaling ang atensyon ko sa pagliligtas nila sa akin ngayon.
"Okay kalang ba? Sino bang gumawa nito sayo?",tanong niya habang nakayakap sa akin upang sumuporta kung sakali mang malaglag ako sa pagkakatali ko, dahil si Sir ay pilit inaabot ang tali upang makatakas ako ngunit halatang wala siyang magawa.
"Oo, nakita ko. Lalaking naka black mask, at ang humila sa akin ay babaeng nakaputing bestida", paliwanag ko. "Zarah, nasasaktan na ako. Ayoko pang mamatay", inda ko.
"Shhh. di ka mamamatay ano ka ba?Kapit lang, andito lang ako",pilit niyang pagpapakalma sa akin ngunit di yun effective. Nagulat ako nang hatakin ako pataas. Kinakabahan na talaga ako.
Zarah's POV
"Veniceeeeee!",sigaw ko sa pangalan niya. Hindi ko inaasahan na may hahatak sa kanya dahil kanina lang ay yakap ko siya mula sa pagkakabaliktad niya.
"Zaraaaaah!", sigaw niya sa akin pabalik. Tumaas kasi ang pagkakahatak sa kanya.
"Ano bang kailangan niyo? bat nyo ba to ginagawa? Tigilan niyo na to, nagmamakaawa ako",humahaguhol na si Miss Choi at ganun din ako. ANg sakit sakit na kasi mawalan ng minamahal mo. Una si mama. Pangalawa, si Sheen. Pangatlo, si Jareid. Pang apat, si Venice?
Ngunit halang ang kaluluwa niya, binagsak niya bigla si Venice mula sa pagkakabaliktad nito. Kaya naman wala kaming nagawa kundi ang sumigaw! Naunang bumagsak ang ulo ni Venice. Hindi ko kinaya ang pagkabasag ng ulo niya dahilan ng paglabas ng masaganang dugo niya at pati na din ang utak. Halos masuka ako sa nakita ko,pero lamang pa din ang pagsusumamo ko. Nawalan na naman ako ng isang parte sa buahy ko. Halos madurog na din ang puso ko sa mga nangyayari ngayon.
Iyak lang kami ng iyak ni Miss Choi dahil sa naganap na ito. Mga walang kaluluwa talaga!
"Sorry Venice, hindi man lang kita nailigtas. Tandaan mo mahal na mahal din kita, at palagi kang nasa puso ko. Kayo* ni Sheen, mama at Jareid",halos gusto ko na ding mamatay dahil ni isa ay wala nang natira sa akin.
6:12 AM, Venice Cohen, dead
.
YOU ARE READING
Death Bell
Mystery / ThrillerThey are dying by their grades and I'm the next. First day of midterm exam..... Second day of midterm exam...... Last day of midterm exam..... *Kraaaaaaaaaaang!* "You will take the midterm now. One will die for every incorrect answer". Ten Nine Eig...