Balisang balisa si Sir Aquino, siguro nag-iisip siya kung paano kami makakawala sa sitwasyong meron kami ngayon. Nakakabaliw! Halatang problemado ang lahat sa mga nangyayari ngayon. Katabi ko si Jareid ngayon habang nakaakbay sa kanya upang pagaanin na din kahit papaano ang pakiramdam niya. Naniniwala akong wala siyang kinalaman sa mga nagaganap ngayon.
" Sa tingin niyo, ano ang gagawin natin?'', Sir Aquino.
"I'll go out. There's a phone in a store across the street",suhestiyon ni Sir Llanit.
"But he said not to go out. Don't go. It's too dangerous.",nag-aalala si Miss Choi para kay sir Llanit. Kung ako sa kanya, hahayaan ko sa labas. Dejoke lang.
"Pero hindi naming pwedeng puro tunganga nalang tayo. Dapat may gawin pa din naman tayo",pagmamatigas naman ni Sir Llanit. Kahit kelan talaga, napakatigas ng ulo.
"I'll be right back",umalis na din siya agad. Talagang desedido siyang umalis para tumawag ng mga pulis.
"SH*T. I'm going to.",bulong ni Tob na narinig ko naman. Ano naman kayang pumasok sa kukote nito at susunod din sa yapak ni Sir Llanit.
"I'm getting out Sir! DEAD OR ALIVE, I'M GOING OUT SIR!",pagmamatigas na paalam nito. Grabe, ewan ko nalang kung anong mangyare sa kanya kapag tinuloy niya ang gagawin niyang paglabas din. Masyadong padalos-dalos.
"Maupo ka! Wala kong panahon makipaglokohan sayo.", Alam kong naiinis na din siya halata sa binubuga ng mata niya ngunit pilit niya itong pinapakalma. Pero walang nagawa si Sir dahil umalis pa din si Tob. Sa ginawa niya, nagsisunuran din ang mga kaklase ko.
Humarang si Miss Choi sa pinto para pigilan sila. Si Sir Aquino naman ay pilit silang pinipigilan. Tuluyan nan gang nagkagulo sa room namin.
"Wag nyo kaming pigilan!"
"Your elites. Listen to your teacher!", Sir Aquino
"GUSTO PA NAMING MABUHAAAAAAAAAY!",at walang nagawa si Sir dahil sa sobrang pagkakagulo ay naalis siya sa pinto at nagtakbuhan na papalabas ang mga kaklase ko.
Takbo dito. Takbo doon. Tulak dito. Tulak doon. Kumakaripas ang lahat sa pagtakbo para tuluyang makatakas, hanggang sa nakita naming nasa hagdan si Officer Jam para pigilan kami, ngunit kahit siya ay walang magawa. Ngunit bigla kaming napahinto sa pagtakbo dahil.... papalabas na sana kami ng pinto ay nakita namin si Sir Llanit na duguang bumalik. Ito na nga siguro ang sinasabi sa babala na bawal lumabas. Halos mangatog na buong katawan ko sa nakita ko.
May nakatarak na pako sa mata niya at halos lumuwa na ang isang parte nito. Nakakasuka kung tutusin pero may parte pa ding naawa ako. Ang dibdib niya na parang winakwak nang kung ano pero sa huli nun e nakapaglakad pa din sya pabalik sa entrance door. Sa huli, namatay pa din siya siguro sa dala na din iyon nang sugat na natamo niya.
"Ahhhhh----d-di k-ko na k-k-aya, patawarin niyo ko sa mga nagawa ko.", yun ang huli niyang sinabi sa amin at tuluyan na siyang nawalan ng buhay.
Pero bago siya mawalan ng buhay, may itinuturo siya mula sa aming likuran, di namin mainitindihan ang nais niyang iparating na sa tingin ko ay may ibig sabihin.
Pagkatapos nun ay hinubad ni Sir Aquino ang suot niyang jacket at itinakip ito bangkay ni Sir Llanit. At untusan ni Miss Choi si Officer Jam na maghanap ng paraan para makakontak ng mga pulis.
At may napagtanto ako sa mga nangyayari ngayon. Wala na talaga kaming pag-asa na makawala sa gulong ito.
YOU ARE READING
Death Bell
Mystery / ThrillerThey are dying by their grades and I'm the next. First day of midterm exam..... Second day of midterm exam...... Last day of midterm exam..... *Kraaaaaaaaaaang!* "You will take the midterm now. One will die for every incorrect answer". Ten Nine Eig...