Chapter 13- Confession

180 4 0
                                    

(A/N: Ang swerte ni Zarah kasama niya si bb Jareid huhuhu. Pero mas maswerte si Venice dahil sa bestfriend niya. Pavote na din -,-)

Zarah's POV

Tuluyan nang nawalan ng buhay si Adrian, dahil na din sa sugat na natamo niya sa di naming matukoy na killer. Agad kong hinanap si Venice dahil alam ko ang pwedeng mangyari sa kanya dahil maaring siya na ang isunod. Dahan dahan akong pumasok sa mismong room ng dorm namin, para matignan kung andun nga siya.

"Venice..... Venice.... Andito ka ba?", sa pagtatawag kong iyon ay namataan kong nasa gilid siya ng kama namin na nakayakap sa mga tuhod niya habang humahagulhol, kaya napayakap ako agad sa kanya.

"Shhhhh.. Nandito na ako, wag ka nang umiyak, Di kita pababayaan", naiiyak na din ako dahil ayokong pati siya ay mawala sa buhay ko. Sapat na saking nawalan ako ng isang kaibigan, pero di ko kakayanin kong pati siya ay mawala sakin.

"I-im s-s-sorry bes. Di na mauulit. S-s-sobrang natatakot lang kasi talaga ako na baka isa ako sa mga mapatay kaya naisipan kong sumama sa pagtago, p-p-pero hindi ko akalain mas magiging delikado ang pagtatagong ginawa n-n-namin *hik*", umiiyak at nauutal niyang pagpapaliwanag sa akin. Kahit ako hindi ko siya masisisi. Lahat kami gustong makaligtas sa gulong nagaganap ngayon pero di ko alam kung papaano namin sisimulan ang pagkawala mula dito.

"Shhhh..... Tahan na..... Shhhhhhh... Okay lang at naiintindihan kita. habang nasa tabi mo ako, di kita iiwan. Kaya tumahan ka na...",pilit ko siyang pinapakalma dahil hindi ko siya kayang umiiyak kasi nasasaktan ako bilang bestfriend niya.

"Ohh, ikaw din tumahan ka na, kasi kahit ako di rin kita iiwan Zarah, lalo na at.......",nagulat ako dahil biglang nagsalita si Jareid. Kanina pa siya siguro sa likod ko.

"Lalo na at?......",takang tanong ko kasi di niya namin tinuloy.

"Haaaay nako! Manhid ka talaga Zarah.",sabay yuko niya pagkatapos niyang sambitin ang mga salitang iyon.

"Huh?'', hindi pa rin nag fufunction ang cell ng utak ko. Lumipad na ata. 

"Zarah naman....... di mo talaga nararamdaman?'',para siyang nauubusan ng pasensya ngayon dahil sa ka-slowhan ko. Medyo alam ko naman na ang itinutumbok niya pero ayaw lang tanggapin ng sistema ng katawan at isip ko.

"Ehhhh".

"Zarah, una palang gusto kita..... ay di pala gusto, mahal na nga ata kita eh! Bakit? Papano? Simple lang.  Sa bawat oras na kasama kita at alam kong kahit anong oras ay pwede kang mawala sa akin dahil sa kalokohang nangyayare ngayon, natatakot ako. Takot na takot".

"Takot na takot akong baka mawala ka sa buhay ko. Ikaw ang pampalakas ko palagi. Kaya ako lumalaban at pinapakitang matapang ako dahil ayaw kong makita mo na mahina ako. Gusto kitang protektahan Zarah. Pero hindi ko alam kung papano, dahil....",biglang tumulo ang luha niya kaya parang may kung ano na kumurot sa puso ko.

"Dahil?'',ako.

"Dahil.... wala naman akong puwang diyan sa puso mo. Natatakot akong baka di mo masuklian ang pagmamahal ko sayo, pero eto ako. Sumugal ako kahit alam kong walang kasiguraduhan kung may patutunguhan ang pagmamahal ko sayo dahil halatang halata na, ang manhid mo pa din.",dugtong niya.

"Jareid........", gusto ko siyang yakapin pero ayaw gumalaw ng katawan ko.

"Para lang akong nagwawalis na nakabukas ang elektrekpan... Nasasayang lang lahat.... Akala ko pwede. Akala ko may chance, pero para lang akong hangin sayo. Nga pala, ako ang naglalagay  ng sulat sa bag mo palagi", at tuluyan nang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang tumulo. Tatalikod na siya at akmang lalayo na siya sa amin, pero pinigilan ko siya.

So, siya pala ang naglalagay nun. 

"Jareid.........wait.",pigil ko sa kanya.

"Jareid, mahal din kita. Sorry kasi akala ko kaibigan lang talaga ang turing mo sa akin. Di ako manhid Ja. Ayaw ko lang mag asumme dahil ayokong magmukhang tanga sa huli, kasi umaasa ako",amin ko sa kanya. Kaya hinatak niya ako papalapit sa kanya at niyakap ako. Nung una hindi ko pa natugunan ang yakap niya pero maya maya ay kusang gumalaw ang kamay ko para suklian ang yakap niyang puno nang pagmamahal.

"Ja, wag mokong iiwan ah. Mahal kita. Please?'',paninigurado ko sa kanya.

"Oo Za, andito lang ako and always remember this", sabay kawala mula sa pagkakayakap niya sa akin at hawak sa magkabila kong pisnge.

"I ain't the nicest, but I'll treat you right. I ain't the funniest, but I'll make you smile and I ain't the strongest one , but I'll protect you". yan ang katagang tumatak talaga sa isip at puso ko.


(A/N: Maikli lang talaga tong chapter na to, kasi lumalablayp silang dalawa. Edi sila psh. Mga ashtadi! Hmpppppp! Tsaka tinatamad din ako huehuez.)




Death BellWhere stories live. Discover now