Chapter 4-Troubleeee!

319 8 0
                                    

(A/N:  Yung nasa picture ay si Mean Angeles. Nasa aquarium sya malamang! Ang yabang kase hays. Bahala ka na mamatay ka naaaaaaa! Djk. Ang sama kooo! Mwehehehez.)

Biglang bumukas ang pinto at niluwa nun ay si Officer Jam.

"Sir, the phone's cut off in the entire school. Kaya di po makakatawag ng pulis sa labas.",pagbabalita nito.

"What? Check ours", tugon ni Sir Aquino.

"Yung cellphone ko naman, wala ding signal", hirit ni SIr Llanit.

"Wala din naman akong phone, kasi konelekte ni Rave", sabi ko din sa kanila.

"Rave? Sino yun? Yung nasa 1st rank?", tanong naman ni Jareid.

"Oo siya nga.Pero pinagtataka ko kung nasan siya.";tugon ko.

Napahinto kami sa ginagawa namin nang mapansin namin na nagkakaroon na ng tubig ang loob ng aquarium na kinalalagyan ni Mean. Lalo kaming nataranta nang di naman alam kung anong gagawin.

"Tulungan nyo kooooo!", nagmamakaawang hiling nito dahil hirap na siya sa loob ng aquarium.

"Tulong! Tulong!",sigaw ni Mean. Halata sa mukha niya na wala siyang magawa dahil kahit anong gawin nyang pagwawala, ay di pa din sya makaalis sa kinalalagyan niya.

"Sir Llanit, pumunta ka sa PA room ngayon din!'', utos ni Sir Aquino. Agad din naming sumunod si Sir.

"Kaya mo bang kontakin ang police station?'',tanong naman ni Sir kay Officer Jam na aligagang-aligaga dahil kahit siya di na din alam ang gagawin.

Halos lahat ay nagpapanic na. At isa na nga ako dun. Natatakot akong baka di na kami makauwi ng buhay.

"Hala! Tumataas na nag tubig ang sa loob ng aquarium Sir!", sigaw ko kay Sir Aquino. Kinakabahan na talaga ako sa kung anong pwedeng mangyare. Kaya di ko pa din maiwasan ang mapaisip kung bat kailangang mangayre ito.

"Tara! Pumunta tayo sa classroom nyo Zarah! Sumama ka Jareid! Dalian nyo".

Habang naglalakad kami patungo sa room naming, di ko maiwasan kabahan. Sana walang mangyareng hindi maganda. Unti-unti kong naririnig ang pagmamakaaawa ng boses ni MeanKahit na lagi niya kong inaaway, may puso pa din naman ako para makaramdam ng awa lalo na sa kalagayan niya ngayon.

"Zarah!",bigla akong niyakap ni Venice nang sobrang higpit kaya nag uunahang tumulo ang mga luha ko at ganun din siya.

"Venice, huwag kang mag alala, magiging maayos din ang lahat. Andito naman ako e. Hindi kita iiwan. Hindi ko hahayaang mawala na naman ang isa sa mga bestfriend ko. Ikaw nalang ang meron ako.",agad din naman syang kumalma sa mga binitawan kong salita.

"Miss Choi! Ayos lang ba ang lahat?'', tanong ni Sir kay Miss Choi.

"Si Rave nawawala. Sa pagkakaalam ko, hinatid niya ang mga cellphones sa CSR. Hanggang ngayon wala pa din pala siya",tugon ng aking guro na may bakas ng pag -alala.

"Pero nagsimula ka pa din ng klase, kahit wala siya?'',sabi naman ulit ni Sir na parang napipikon na.

"So, parang ako pa ang may mali?'',inis na balik naman ni Miss Choi.

Natigil ang pagtatalo nila nang biglang pumasok si Sir Llanit. NAgulat kami ng bigla nyang sugurin si Jareid at pinagsusuntok ito.

"Sir! Ano po bang problema niyo? Bat nyo ko sinuntok?", tanong nito kay Sir Llanit na muntik niya na ding sapakin sa inis.

"Itigil mo na tong kalokohan mo na to bata!",nagtitimping pakiusap ni Sir Llanit. Agad ding pumagitna si Sir Aquino sa nagtatalo na dalawa.

"Alam kong ikaw ang may kagagawan nito e! Diba pinakialaman mo Sound System kahapon? At ikaw lang ang may lakas na loob na gawin ang mga pagputol ng connection sa cellphones? Alam kong ikaw ang may pakana ng lahat ng ito! Kaya sinasabi ko sayo, itigil mo na ang kalokohang ito!",buong lakas na sigaw ni Sir kay Jareid. Mababakas mo naman kay Jareid ang mukhang anong-ibig-sabihin-mo-aura. Kaya kahit ako nagtataka sa pinagsasabi ni Sir Llanit.

"Ano bang problema niyo? At saka wag nyo kong pinagbibintangan dahil unang-una wala kayong ebidensya!",inis ding ganti ni Jareid sa kanya na halos manununtok na talaga. Di ko din naman siya masisi kasi kahit ako kung ganyan din gagawin sakin, suntok talaga aabutin sakin. Strong ata ako no! Kaya pumagitna na din ako sa kanila para umawat.

"Sir Llanit, tama na po. Hindi po magagawa ni Jareid ang binibintang niyo sa kanya. Opo, pasaway siya, pero di naman aabot sa ganito. Imbes na magsisihan tayo, dapat mas isipin natin kung paano makakatakas si Mean diyan!".

"Ikaw Zarah at Jareid ang may ginawa nito no?",bintang sa amin ni Edward. Ang sarap bigwasan naman nito!

"You wanna die shithead?'', akmang sasapakin nan i Jareid si Edward. Ituloy mo lang! DI kita pipigilan.

"Hey Jareid! Watch your language.",sinaway naman siya ni Sir Aquino.

Naguguluhan na ako. Hindi ko alam kung anong ikikilos ko. Baka ako ang mapagbintangan, lalo na at lagi kaming nagkakasagutan ni Mean. Bigla namang sumugod ulit si Sir Llanit para sampalin si Jareid. Take note! Sampal talaga!

"The hell you didn't. Turn that off now!",kasabay ng pagbintang nito ay siya ding sampal ulit.

"Calm down Mr. Llanit!",nauubusan nan g pasensya si Sir Aquino. Alam kong kahit siya ay hindi na din alam ang gagawin.

"HOW CAN I?", sa totoo lang di talaga nakakatulong ito si Sir Llanit. Puro init ng ulo ang pinapagana. Nakakainis! Natigilan naman ang lahat ng sumigaw si Xairah.

"Meeeeeeaaaaaaaaaaan!",nagulat kami lahat dahil kitang kita namin sa screen na nawalan na siya nang buhay sa loob ng aquarium dahilan na din sa kawalan ng oxygen at pagkakulong niya na puno ng tubig.

Wala kaming nagawa kundi ang matulala sa screen. Hindi naming alam kung ano ang dapat ikilos.

10:44 AM Mean Angeles, dead

"Sit down! And back to your seats! NOW!",utos sa amin ni Sir Aquino pero ni isa sa amin ay walang gumalaw.

Death BellWhere stories live. Discover now