Chapter 6- Rave?

219 8 2
                                    

Zarah's POV

Tumunog na naman ang bell. Hudyat na naman siguro na isa sa amin may mamamatay. Natameme ang lahat ng may nagsalita sa mike na halos umalingawngaw sa lakas ng speaker. Sino kaya ang nagsasalita?

"Answer the question. Then you'll know why you're taking this test."

"I'll remind you, again. DO NOT TRY TO LEAVE THE SCHOOL."

"For the second question......", sa pagkakasabi niyang yun ay nakaramdam kami ng sobrang takot. Ano na kaya ang mangyayari sa amin. Tuluyan na ba talaga kaming makukulong sa eskwelahang ito at tuluyang mawalan ng buhay isa-isa?

"A listening comprehension question. You will only hear it at once so listen carefully and answer", ngayon babae na ang nagsalita. So ang ibig sabihin ay..... hindi mag-isa ang killer sa pagsasagawa niya ng kalokohang ito. Dalawa sila! DALAWA! Biglang pumasok sa isipan ko si Rave dahil hanggang ngayon wala pa din siya. Hindi kaya----.

"Uwaaaaaah---", napatigil ako sa pag- iisip ng bigla may sumigaw mula sa tunog ng speaker. Tinignan ko si Jareid sa tabi ko. Nginangatngat niya naman ang mga kuko niya na ayon sa pagkakaalam ko ay ginagawa niya ito 'pag kinakabahan siya ng todo.

"Ahhhhhhhhh......Ahhhhh... Ahhhhhhhhh..",puro pagpalahaw niya ang naririnig naming lahat. Kahit ako ay ramdam ko ang sakit na nararanasan ng taong yun dahil na nga sa nagiging reaksyon niya.

"Hey! Introduce yourself.", tanong ng babaeng nagsalita mula sa speaker.

"A-a-ako si R-Rave B-b-boulder... G-g-grade 12 student at P-pak G-ganern U-u-university Ahhhhhhhhhh----------",sagot naman nito nauutal utal na may kasama pang sigaw sa huli.

Kaya naman pala biglang nawala si Rave kanina at hanggang ngayon ay hindi namin siya nakita. Siya na pala ang isusunod ng killer. Sana lang makaligtas siya kahit naiinis ako sa kanya dahil sa kayabangan niya.

"Sa tingin mo, bakit ka andito ngayon?",tanong ulit ng killer at narinig namin na ma hinampas siya at paniguradong si Rave iyon.

" Uwaaaah! Waaaaaaah! Ahhhhhhhhh!—", halos ganyan lang ang naririnig namin.

"M-may gi-ginawa akong m-mali. Ahhh---'',at nasagot niya din ang tanong na halatang hirap na hirap pa din. Patuloy lang siya sa pag sigaw niya na nahihirapan na talaga siya.

"Bakit, ano bang ginawa mong mali? Where did youre sin come from?'', tanong ng killer na may tonong pagkasarkastiko. Anon a bang nagyayare talaga? Naguguluhan ako.

"My mooooom! She was too greedy. I'm sorry! Please don't kill me!",pagmamakaawa nitong tugon. Hindi kaya may kinalaman ang Vice-President ng PTA na siyang mama ni Rave? Naalala ko tuloy ang pagtatalo naming nung nakaraan lang dahil sa kausap niya ang mama niya bago kami mag test at nasabihan ko siyang Mama's Boy.

FLASHBACK

Habang nag rereview ako.....

"Opo mom. Ako ang bahala.... Opo.... Trust me mom",animo'y kausap niya ang mama nya.

"Pwede bang sa labas mo ituloy yang pakikiag usap mo. Di lang ikaw ang tao dito. At isa pa, di mo ba nakikita na nagrereview ako?", inis kong sabi sa kanya. Akala mo lang siya lang tao. Hmp!

"Yes mom. I can handle this. Bye.", sagot niya sa kausap niya na akala mo di ako nagsalita. Bastos!

Agad din namang niyang nilagay ang cellhphone nya sa cellphone safe bag.

"Oh, tapos ka na? Mind your bussiness bees-wax",sagot niya sa akin.

"Mom.. Mom... Tsss. Mama's boy",pangagaya ko sa kanya.

"Palibhasa kasi wala kang nanay", agad na tugon ni Rave na agad na nagpa-init ng ulo ko.

"Anong sabi mo?", tumaas na ang boses ko at tumayo ako mula sa pagkakaupo na akala mo naghahanap ng away.

End of Flasback

"Go to the auditorium and find the Chinese words related to the sin and greed he mentioned",pagkasabing pagkasabi niyang yun ay agad kaming tumakbo papuntang auditorium. Tutulong pa din ako sa pagsalba ng buhay ng mayabang na yun dahil ikakababaliw ng konsensya ko yun kung sakaling hindi ako tumulong.


Death BellWhere stories live. Discover now