(A/N: Yung nasa picture ay si Sir Aquinooooo! Amfugiiiii mwehehehehe)
Saturday, May 24th, Start of a Special Class
Zarah's POV
"Classmates,take your cellphone out, I'm collecting them",utos samin ni Rave. Siya yung nakaaway ko nung nakaraan. At take note, siya ang hinirang na first rank!
Ngayon, mas pagbubutihin ko nalang baka sakaling ako ang maipuwesto kahit pang 10th lang.
Sa pagmumuni muni ko naalala ko siya.
Ang bestfriend ko.
Dati rati kasama ko siya sa pagrereview, sa paggawa ng projects at assignments. Naalala ko pa nga kung paano siya umiyak ng sobra dahil mataas naman ang mga nakukuha niya, pero di pa din sya mailuklok sa ranking.
" Kailangan bang ibigay talaga ang cellphone? Special Class naman ah?'",tanong ng isa kong classmate.
"Devil's breath told me to, kaya wag ka nang umangal or else you want a punishment",tugon naman ni Rave sa kanya. Kahit kailan napakayabang.
Kasabay ng pagpasok ni Sir Aquino ay siyang paglabas ni Rave para dalhin na ang cellphones sa Cellphone's Safe Room.
"Good morning class",bati niya.
"Good morning Sir Aquino",kami.
"Sick of studying, right?",tanong niya sa amin.
"No, Sir!", sabay-sabay naming sagot.
"Good! Remember class, you should always be proud because only elites are here in school", Sir Aquino.
"Yes Sir!", sagot ulit namin.
"Ay teka, sinong nakaupo diyan?",tanong niya sa amin dun sa isang vacant na dapat inuupuan ni Mean.
"Si Mean po Sir! Kanina pa po siya wala eh.", sagot naman ng seatmate niya.
"Oo nga po, kanina ko pa siya di nakikita e",sabat naman ng isa.
"Aahh. Sige, maya maya darating naman na siguro yun. Basta students, let's show 'em what we got! sabi ni Sir na pampasigla sa amin.
Pagtapos sabihin ni Sir yun, ay lumabas na din siya agad.
After 10 minutes dumating na din si Miss Choi, pero nakapagtataka dahil wala pa din si Rave.
"Goodmorning class!", bati niya sa amin.
"Goodmorning Miss Choi", lahat kami.
"Class, wala pa din ba si Rave, magsisimula na tayo para sa ating special class",tanong ni Miss Choi.
"Wala pa din po e. Tsaka si Mean, ganun din po.", sagot ng isa kong classmate.
"Ay ganun ba? Magsimula na lang muna tayo.",pasimula nya.
"Bago ang lahat, bubuksan ko ang t.v para panoorin niyo ang History ng Great Wall of China, and atleast take down notes for you to answer page 234 in Ancients History Book. Clear?",dugtong niya pang utos.
"Clear Miss!", kami.
Rave's POV
Paglabas ko ng klase, dumiretso na ako agad sa Cellphone's Safe Room.
Habang pababa ako ng hagdan, pakiwari ko ay may sumusunod saken. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba ng marinig kong may tumatawag sa pangalan ko.
"Rave! Rave!"
Nagtaasan ang balahibo ko kaya dali dali na kong pumunta sa CSR para mailagay na ang cellphones at makabalik na din sa room. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko dahil parang may kakaiba. At nang makarating na ko CSR, bigla nalang sumarado ang pinto na nakadagdag sa kabang nararamdaman ko. At nang akmang ilalagay ko na ang cellhphone sa section's locker namin ay napansin ko ang malaking butas sa kisame ng restroom. Pero nabigla ako nang may mabigat na bagay na bumagsak sa akin kasabay ng pagbagsak sa akin.
"Ahhhhhhh!------", sigaw ko dahil naramdaman ko ang dugo mula sa ulo ko.
Maya maya ay may humahatak sakin sa restroom ng CSF. Takot na takot ako. Pilit kong inaabot ang cellphone sa na nagsipag-laglagan dahil sa pagkakabagsak ko kanina. Ngunit kahit anong paglalaban ko ay wala akong magawa, hanggang sa magtagumpay sya sa paghatak sa akin.
Pagtapos nun ay hinila niya ako patiwarik,pataas patungo sa malaking butas ng kisame. Sa sobrang takot ko, nawalan ako ng malay.
Zarah's POV
Habang nanonood kami ng History, nakaramdam ako ng pagka-antok. Sa gantong subject, aminado hindi ako gaanong interesado.
Pero biglang nawala ang antok ko, nang biglang mag-iba ang pinalabas sa t.v. Hindi na ang Great Wall of China ang lumabas kundi.....
si Mean.
"S-s-si M-Mean yan ah!", nauutal na sambit ni Nicole.
"B-b-bakit sya nasa loob ng malaking aquarium na yan?", tanong ni Angeline.
Nasa loob si Mean ng napakalaking aquarium pero walang laman na tubig.
"Zarah, pumunta ka sa Faculty Room, at sabihin mo ito kay Sir Aquino. Bilis!", nagmamadaling utos sa akin ni Miss Choi.
Pagka utos ni Miss Choi, ay agad na akong lumabas para ibalita ito. Ngunit napatigil ako ng pagmasdan ko ang maliliit na t.v sa labas ng bawat room dahil makikita mo dito ang video na kuha ng pagkakakulong ni Mean.
Hanggang sa maalala ko na may dapat pa pala akong gawin.
"Sir Aquino! May nangyayari pong hindi maganda!", bungad ko sa kanya.
Nakita ko doon sa loob si Jareid at si Sir Llanit na abalang abala sa panonood ng t.v. Nakapagtataka dahil di lumabas sa kanila ang video.
"Bakit hija? Ano bang nangyayare? Kumalma ka muna sandali", pagpapakalma ni Sir.
Agad kong hinanap ang remote para mai-flash na ang video.
"Quiet!",sambit ng nagsalita sa speaker.
"You will be taking another test. ", dugtong pa nito.
"If you don't answer, students will die one by one", yan ang babalang lalong nagpalakas ng kaba sa dibdib namin.
"Sino na namang may pakana ng prank na to?",inis na sabi ni Sir Llanit.
"Pwede bang manahimik ka? Wala kang naitutulong!",saway ni Sir Aquino sa kanya. Psh! Kahit kelan talaga!
"With the smarts students here, I'm sure you'll do well.",nagsalita siya ulit.
Lahat kami nanatiling pipi, upang pakinggan ang bawat babala na binibitawan niya.
"If you go outside the school..... You'll die".
Sa mga naririnig ko tuluyang nanlambot ang mga tuhod ko pero mas tumindi ito sa mga kasunod kong narinig.
"Remember, don't try to leave the school."
"You must solve all questions to get the full answer."
"The first question has been given.If you don't answer it, this girl will die.".
Shocks! Anong gagawin namin!
"Now... let's begin". yan ang huling katagang iniwan niya na talaga namang nakakapangilabot.
YOU ARE READING
Death Bell
Mystery / ThrillerThey are dying by their grades and I'm the next. First day of midterm exam..... Second day of midterm exam...... Last day of midterm exam..... *Kraaaaaaaaaaang!* "You will take the midterm now. One will die for every incorrect answer". Ten Nine Eig...