Oshy's POV
At nang makarating na kami dito sa room na pinagmulan ng ilaw, nakita namin ang isang computer na may nakalagay na password at instructions.
'Make a sentence with the numbers and letters, then put the answer as password in the computer'
Sa may bulletin board, dun nakalagay ang mga clues at sa board sinosolve nang mga studyante ang maaring sagot.
Zero. NIne. 8:30.. 8:00... 3? Ano ito?
"Hindi kaya mga formula ito?",sabi ng isa kong studyante.
"Isa itong equation panigurado!"
"Let's try to answer it! Hurry!",sigaw ni Jennina sa mga klasmates niya.
Ako naman, patuloy na nag iisip kung ano ang pwedeng maisagot. May mga oras kasi sa clues at sa bawat numbers may kaakibat na larawan nang uri ng pagpatay.
Jareid's POV
Habang naglalakad kami ni Zarah at nang iba pa naming kasama, napansin namin ang isang room na patay sindi ang ilaw kaya naman umusbong sa akin ang takot para sa mga naroroon sa lugar na iyon. Agad akong sumigaw para makita nila ang nakita at nang mapuntahan namin.
"Hey wait! Room (*dorm*) namin yan ni Venice! Siguro nanjan si Venice! Tara! ",sabi samin ni Zarah.
"Zarah, waiiit!.... Miss Choi, let's go!",yaya ko kay Miss Choi para sundan si Zarah papunta doon. Malakas din kasi ang kutob na pwedeng nandun sila.
Ngunit nang makaakyat kami, nakita naming nakalock ang gate ng dorm nila. Pilit na binubuksan namin iyon pero kahit anong gawin namin ayaw na ayaw bumukas dahil nga sa kandado at wala sa amin ang susi.
Kalampag dito. Kalampag doon. Idagdag mo pa ang pagpatay sindi ng mga ilaw na talaga namang nakakdagdag sa tensyon namin.Kinuha ko ang fire extinguisher bilang panira sa kandado. At nang tuluyan nang masira iyon ay sabay sabay kaming nagtatatakbo papasok.
"Veniceeeeeee! Veniceeeee! Asan ka?!",sigaw ni Zarah. Talagang mahal na mahal niya ang bestfriend niya.
"Hey! It's me Miss Choi! Whereeeee are youuuuu?",sigaw din naman ni Miss Choi para magpakita na ang mga ibang estudyante na nagtatago.
Nakita ko ang iba na hinihila sa isang pinto kaya nakikipaghilahan din kami para lang di sila makuha nang kung sinuman iyon. Ngunit masyado silang malalakas, kaya wala kaming magawa.
"Ahhhhhh.........Ahhhhhh.....",halos magsigawan na ang lahat dahil sa mga nangyayari ngayon. Ngunit napahinto kami ng bumukas bigla ang ilaw.
Nakita ko si Adrian na bumulagta bigla sa butas ng pinto. Duguan yung mukha niya at may malaking black eye ang dalawa niyang mata. Para siyang sinuntok nang napakalaking tao sa kanya. Alam kong sobrang sakit nun kaya naman............
"Adrian... Adrian... Gising... Gising.......", ginigising ko siya dahil ramdam kong mawawalan na siya ng buhay.
Oshy's POV
Sa pag iisip ko..... May naalala akooo.
"Isusumbong kita sa Board Of Ed.", sabi niya sa akin na talaga namang ikinatakot ko.
"Yan ang wag na wag mong gagawin dahil........", naputol ang pag iisip ko dahil sa narinig kong bulong bulungan ng mga estudyanteng kasama ko sa paglutas ng clues.
"What if its something totally different?", sabay lagay ng daliri niya sa ulo niya na parang nag iisip.
"Maybe it's a cell phone cryptogram", aniya ng isa.
"But motorolas and Anycalls have different keypads",sabat pa ng isa. Parang napupunto ko na yung guso niyang sabihin.
'Phone Cyptogram.......... hmmmm'
"Sir Aquino! We think it's a cell cyptogram!", mabilis na takbo patungo sa akin ni Jed upang ibalita ang natuklasan niyang sagot.
"It was a trend 2 years ago. You've seen it before right?",dugtong pa nito. Sabay kuha nito ng chalk upang magpaliwanag.
'Warm, spring day. Remember..... the auditorium.....' yun ang password! Tara itype na natin!
P-p-pero....... hindi pwede........ naalala ko na naman ang isang matinding bangungot na matagal ko nang ibinaon sa hukay.
YOU ARE READING
Death Bell
Mystery / ThrillerThey are dying by their grades and I'm the next. First day of midterm exam..... Second day of midterm exam...... Last day of midterm exam..... *Kraaaaaaaaaaang!* "You will take the midterm now. One will die for every incorrect answer". Ten Nine Eig...