Chapter 7- Greedy

224 8 0
                                    


Rave's  POV

"Hoy gising! Gumising ka!",bumalik ang aking malay sa sigaw at pagsipa sa akin. Nakatakip ang buo niyang mukha ng black mask ganun din ang babaeng kasama nito. Paggising ko ay nakagapos na ang kamay at paa ko. 

"B-b-bakit ako nandito? A-a-san ako? S-s-sino ka? Magpakilala ka? ", tanong ko sa kanya na may halong lakas ng loob pero sa totoo lang ay nangangatog ang buong pagkatao ko.

"Hmmmmm, gusto mo ba talagang malaman ha?'',sabay hiwa ng matalas ng kutsilyo sa pisngi ko. Kaya naman umagos ang dugo mula dito.

"Ahhhhhhh--,sabihin mo na kung sino ka ba talaga? Inosente ako, kaya pakawalan mo na ako. Pero pangako, pag hinayaan mo akong umalis, hinding hindi kita ibubuko kung sino ka man". Pagkasabi ko nun ay sabay silang nagtanggal ng black mask.

"I-ikaw? B-b-bakit? Wala nama akong ginagawang masama sayo ah.",sabi ko sa kanya. Ang nakapagtataka lang ay ang babaeng kasama nito, Sino kaya siya? Para siyang nasa late 30's na.

"WALA? WALA KANG GINAWANG MASAMA? SIGURO IKAW WALA! PERO SILA MERON!",sabay hiwa na naman ulit sa kabila kong pisnge. Galit na galit na talaga siya.

"Yun naman pala e sila lang! Pero bat ako nadamay?",inosente kong tanong.

"Dahil isa ka kung bakit naisagawa nila yun! Lalo na ang nanay mo!",sigaw niya sakin na kasabay ang pagtalsik ng laway niya sa mukha ko.

Si mama? 

Umalis din silang dalawa pagtapos nun. Hindi talaga ako makapaniwala na magagawa niya iyon sa akin. Lalo na ang mama ko, kaya pala.


Sa ginagawa nila mas gugustuhin ko nalang mamatay. Ngayon nakahiga ako sa isang matigas na bagay kasabay ng pagtulo ng mainit na kandila sa aking katawan. 

"Ahhhh... Ayoko na mainit! Ahhhh!". Gusto gusto ko na makawala mula sa pagkakagapos ko dito. Wala akong makita dahil sa may nakatakip na sa akin na kung ano. 

"Ano handa ka na bang mamatay?'',tanong niya  sa akin pero hindi ko na  sya ulit  nakita dahil nga sa naka-blinfold ako.

"Gusto mo bang mapaaga ang pagkamatay mo bata? Hahahahahaha!",mga demonyo! Sino kaya ang isang babaeng yun?

Halos mapuno na nang paso ang buong katawan ko dahil sa tindi ng tulo na nangmumula sa kandila. Pakiramdam ko, dumikit na ang wax sa akin kaya lalo akong nakakainda ng sakit.

"Kung ayaw niyo akong pakawalan, patayin nyo nalang. Nagmamakakaawa ako sa inyo". Bigla kong naalala ang lahat kung paano ako napunta dito.

Flashback

Paglabas ko ng klase, dumiretso na ako agad sa Cellphone's Safe Room.

Habang pababa ako ng hagdan, pakiwari ko ay may sumusunod saken. Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba ng marinig kong may tumatawag sa pangalan ko.

"Rave! Rave!"

Nagtaasan ang balahibo ko kaya dali dali na kong pumunta sa CSR para mailagay na ang cellphones at makabalik na din sa room. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko dahil parang may kakaiba. At nang makarating na ko CSR, bigla nalang sumarado ang pinto na nakadagdag sa kabang nararamdaman ko. At nang akmang ilalagay ko na ang cellhphone sa section's locker namin ay napansin ko ang malaking butas sa kisame ng restroom. Pero nabigla ako nang may mabigat na bagay na bumagsak sa akin kasabay ng pagbagsak sa akin.

"Ahhhhhhh!------", sigaw ko dahil naramdaman ko ang dugo mula sa ulo ko.

Maya maya ay may humahatak sakin sa restroom ng CSF. Takot na takot ako. Pilit kong inaabot ang cellphone sa na nagsipag-laglagan dahil sa pagkakabagsak ko kanina. Ngunit kahit anong paglalaban ko ay wala akong magawa, hanggang sa magtagumpay sya sa paghatak sa akin.

Pagtapos nun ay hinila niya ako patiwarik,pataas patungo sa malaking butas ng kisame. Sa sobrang takot ko, nawalan ako ng malay.

End of Flashback


Zarah's POV

Pagkapunta namin sa auditorium ay may mga nagkalat sa sahig na chinese letters at sa malaking bulletin board ay may ilang box na pupunan namin ng mga sagot. Masyado nang nagpapanic ang ilan sa baba, samantalagang magkatabi kami ngayon si Aquino nasa second floor ng auditorium para makita ang kabuuan.

"ANY IDEAS?",sigaw sa amin ni Miss Choi na ikinagulat ko.

"HOLD ON! I'M THINKING'',pabalik na sigaw din ni Sir. Kung makapagsigawan naman!

  "He said his mom was too greedy,what does that mean?'',tanong ko kay Sir dahil yun ang kanina pa gumugulo sa isip ko. Naisip ko nga din na baka may kinalaman ang mga PTA Parents sa mga nangyayari ngayon. Teka may naisip akong pwedeng isagot patungkol dito.

'If her mom is greedy... Hmm... I think it's 'too much is bad',suhestiyon ko. Pero hindi pala aakma yun.

'.....Love son too much?..... Love son too much!!'

"Sir, pwede ang  'love son too much!' pero aapat lang na words yun ", pagmamadali kong sinabi kay Sir ang naisip ko. Sana nga lang tama.

"Lao-tzu?" patanong na sambit ni Sir.

"Yes!".

"Mom being greedy means she was unsatisfied with Rave's grades. But we need eight words.",pagpapaliwanag ko naman kay Sir.

"Eight words? So it's....... 'be satisfied and stop......then no dangers await' ", usal ni Sir.

Bigla akong napahinto sa sinabi ni Sir.

"RIGHT! THAT'S EIGHT WORDS!",sabay kaming kumaripas ng takbo pababa upang ipaalam sa kanila ang natuklasan naming sagot. 

''Be satisfied and stop then no dangers await, yan ang sagot! Magmadali at hanapin natin ang letra",pagmamadaling sabi ni Sir upang mailigtas lang si Rave. 

Dahil si Sir lang ang nakakaintindi sa amin ng Chinese Letters, siya ang umakyat sa taas ng bulletin upang makita ang kabuuan at tulungan kami sa paghahanap. Si Jareid naman ang kasama ni Sir sa taas upang magsilbing taga dikit ng mga letra. At nang idikit na namin ang huling letra........ 

May bumagsak na tao mula sa taas. At yun ay si Rave. 

1:40 PM. Second Question. Rave Boulder,dead.

Nagtaasan ang balahibo ko sa nakita ko. Nababalutan ang mukha niya nang wax ng kandila. 

"ahhhhhhhhhhhh!", tumili ang isang babaeng estudyante siguro dala na din ng pagkabigla at takot. Ang iba naman ay hindi napigilang hindi masuka, dahil kahit ako ay halos umikot na ang sikmura ko.

Wala na siyang saplot sa bandang itaas na katawan niya. Ngunit may naiwang sulat sa katawan niya na parang ginamit ang dugo niya bilang pangmarka dito.

''URGHHH! Who's the son of a bitch doing this?!",galit na galit na sigaw ni Sir. Si Miss Choi naman ay walang sawa ang pagpapakalma sa amin.

"Sir, si Edward po nawawala!",pagbabalita naman ni Shane sa amin.

 May nawawala na naman! So ibig sabihin.... siya na ang susunod!

















Death BellWhere stories live. Discover now