Chapter 3

14.1K 341 6
                                        

Chapter Three

"Ate Key!" Sabay sabay na sigaw ng mga bata nang makapasok siya sa pediatric ward.

"Hello kids!" She grinned happily while waving at them.

"Spongebob!"

"Ben10!"

"Sandy!"

"Patrick!"

Manghang-mangha ang mga bata habang nakatitig sa mga cartoon character na balloon na hawak niya.
"Eto na yung promise ni ate." Ngiti niya habang iwinawagayway ang mga balloons.

"Naku, talagang na-i-spoil na sa'yo ang mga bata." Lumapit sa kanya si Nika para tulungan siya sa mga dala.

"Oo nga Key, lagi ka na lang may dala para sa mga bata tuwing dumadalaw ka." Sang-ayon ni Ivy.

"Bayaan niyo na. I'm happy whenever I see the kids happy." She smiled genuinely.

"Hindi ba masyado mo ng pinagkakagastusan ang mga bata? Nakakahiya na."

"Don't mind me." Saway niya kay Nika. "I can afford all of this, you understand me right?"

Tumango ang dalawa. Sa isang linggo niyang pagpapabalik-balik naikwento niya ng mag-isa na lang siya sa buhay at patay na ang kanyang parents. Mayaman ang pamilya nila at sa kanya lahat naiwan iyon kaya hindi niya alintana ang paggastos sa mga bata.

"Alright, let's make this kids happy." Ngiti niya. "Andyan sa paperbag iyong request ng mga bata na Jollibee. Sayang lang hindi makakapunta iyong mascot kaya balloons na lang ang binili ko para meron parin."

"Sige, ihahanda na namin." Tango ng dalawa.

"Okay, ready na ba kayong matanggap ang mga gusto niyong cartoons?" Masigla niyang tanong sa mga bata.

"Opo!" They chorused excitedly.

"Ito na ang request mong si Patrick the star Gio." Inabot niya ang tali ng balloon sa bata.

"Salamat Ate Key!" Ngisi nito.

She leaned closer to kiss his forehead. "You're welcome baby boy."

Inisa-isa niyang abutan ang mga bata na nakatitig lang sa mga nakalutang na paborito nilang cartoon character.

She clapped her hands to get their attention. "Naalala niyo ba nung tinanong ko kayo kung anong request niyo kay ate pagbalik niya?"

Nagtaas ng kamay si Macey. "Jollibee!" She grinned.

"Chicken Joy?"

"Spaghetti?"

Sunod-sunod na tanong ng mga bata habang tumitingin sa likuran niya para hanapin ang pagkain.

Liningon niya si Nika at Ivy. Lumapit ang mga ito sa mga bata para iayos ang built in na mesa sa hospital bed ng mga bata. Siya naman ay itinali sa railing ng kanya-kanyang hospital bed ang lobo ng mga bata.

Malapad ang ngiti ng mga bata habang nilalapag nila ang chicken joy at spaghetti sa harapan ng mga bata.

"Kain na tayo." Macey clapped her hands and the kids happily dig in to their food.

"Dahan-dahan lang Macey."

Tumingin sa kanya ang bata. "Bakit iba na naman ang kulay na buhok mo ate?" Puno ng kuryosidad nitong tanong.

She chuckled lightly. "Para kumpleto ang look ng ginagayang anime ni ate." She winked.

"Sino nga ba ulit ang kino-cosplay mo Key?" Tanong ni Ivy.

Why Can't It Be? (Bachelorette Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon