Chapter Six
"Konnichiwa!" Nakangiting bungad niya ng makapasok siya sa pediatric ward.
"Ate Keeeeey!" The kids chorused in delight, halatang nasurpresa sa pagbabalik niya.
"O-genki desu ka?" She smiled.
"Oo na! Alam na naming lampas isang linggo ka sa Japan. Pwede ka ng magtagalog." Salubong ni Nika.
She chuckled lightly. "Gomennasai. That means, how are you?"
"May japanese parin!" Saway ni Ivy.
She did her peace sign. "That last one means, sorry." Bumaling siya sa mga bata. "Anyway, andito na yung mga pasalubong niyo!" She grinned widely and raised the huge paperbag.
The kids clapped excitedly.
"Akala namin, hindi ka na po babalik." Nakalabing sabi ni Macey habang ibinibigay niya dito ang pasalubong nito.
"Pwede ba yon? Diba promise ni Ate Key babalik siya?"
Nakayukong tumango ito. "Ang tagal mo po kasing bumalik eh."
"Aaw, don't worry. Ate Key is here na." She gave the kid a hug. Namiss niya ang mga ngiti at ka-cutan ng mga batang ito.
"Ate Key?"
"Yes, Gio?" Nginitian niya ang bata habang umuupo sa hospital bed nito.
"Masaya po ako na nakabalik ka na." He smiled at her dearly. "Bukod kasi kay Mama, ikaw na lang ang dumadalaw sa akin."
Napatulala siya sa sinabi ng bata. Hindi niya maiwasang mapangiti habang yinayakap ito. This kids are becoming family to her.
"Masaya din akong makakadalaw na ulit ako sa inyo." She kissed his head."Ate Key, bakit walang kakaibang kulay ang buhok mo ngayon?" Salubong sa kanya ni Mark ng makalapit siya sa hospital bed nito.
She chuckled at that.
"Oo nga no! Hindi ka naka-cosplay ngayon. Naka-jeans at shirt ka lang, nakakapanibago." Sang-ayon ni Ivy.
"Pagkadating na pagkadating ko kasi, iniwan ko lang yung bagahe ko sa condo tapos dumiretso na ako dito." She explained.
"Ang ganda ganda mo pala talaga kapag hindi ka naka-cosplay." Manghang saad ni Nika.
"Hala, ano ba kayo. Oo na, namiss ko din kayo." Ngisi niya.
"Totoo kaya, tapos ang puti puti mo pa. Nahiya ang gatas sa'yo girl." Biro ni Ivy.
She chuckled at that as she settled beside the two. "Namiss niyo talaga ako."
"Sus, parang hindi naman tayo laging magkausap kapag ina-update ka namin kay doc pogi." Ingos ni Nika.
"Sabi ko nga." She pouted.
Natatawa niyang tinitignan si Ivy habang kinukuhanan siya ng picture.
"Minsan ka lang naming makita ng hindi naka-cosplay. Remembrance!" Ngisi nito.
"Okay fine, tatayo ako. Gusto mo magpose pa ako." Pakikisakay niya sa trip nito.
"Pwede rin."
"Speaking of doc pogi, magra-rounds yun maya-maya." Balita ni Nika.
"Ay uuwi na pala ako." She fixed her things to leave.
"Nagtatampo ka parin?"
"Slight lang. Nahihiya lang akong makita siya."
"Asuus. Meron ka pala non?" Biro ni Nika.
Natawa siya doon. "Sa kanya lang."
"Good afternoon doc." Rinig niyang saad ni Ivy.

BINABASA MO ANG
Why Can't It Be? (Bachelorette Series 5)
RomanceBook Five of Bachelorette Series ✔️ Completed I am living in the present he's living in the past. He's not yet over her. For him, she is his one great love... she's 'it' for him. The one that got away. Ano pa bang laban ko doon diba? How can I fight...