Chapter 9

13.9K 350 25
                                        

Chapter Nine

"I'm so excited!" She grinned as she carry the balloons on her two hands.

Nakasunod naman sa kanya si Nika at Ivy na dala-dala ang iba pang props para sa party.

"At excited din ang mga bata. Especially Macey." Saad naman ni Ivy.

"Balloons!" Tuwang tuwang saad ng mga bata nang makapasok sila sa pediatric ward.

"Excited na ba kayo sa party?" Energetic niyang tanong sa mga bata.

"Opoo!" They all chorused happily.

"Pwede po kaming humingi ng balloons mamaya?" Mark asked with his doe eyes.

She nodded. "Siyempre naman." She smiled.

Ang theme ng party ay little princes and princesses kaya naman inabot niya ang mga balloons kay Nika para isuot sa mga bata ang kanya-kanyang crown.

"Hello Gio, here's your crown. Ayan, ikaw na si Prince Gio." She smiled as she put on his crown.

"Thank you po Ate Key."

"You're welcome baby." She said dearly as she went on to other kids.

"Salamat Ate Key, ang saya-saya ko po!" Malapad ang ngiting saad ni Macey habang tumatabi sa kanya sa couch. Hindi na ito nakahospital gown, talagang madidischarge na ito ngayong araw. She can't help but be happy for the little girl.

"Anything for you baby girl." She gave her a warm hug. "Ayan o, ang ganda ganda mo na, bumalik na sa dati yung kulay mo. You don't look sick anymore."

"Muka na po ba akong princess?" The kid look at her with expectant eyes.

"Super pretty princess baby girl, at heto na ang crown ng aming little princess." Ipinatong niya sa ulo nito ang kulay pink na tiara.

"Ang ganda rin ng crown mo Ate Key pati ng dress mo. Princess ka din po." Saad ng bata habang tinitignan siya.

"Aw, thank you." She smiled widely.

Bumalik siya kay Nika at Ivy na nagseset up na ng buong lugar para tumulong.

"Dadating ang mommy ni Macey maya-maya para sunduin siya." Ivy informed her.

"That's good to here, finally I get to meet her mom." Idinikit niya ang isang balloon sa pader. "Nga pala, dadating yung friends ko mamaya."

"Yung triplets?" Nika asked.

"Yup." She nodded. "Para may iba din tayong kasama na mag-a-asikaso sa kids."

She scanned the whole place. Naconvert na nila ang pedia ward into a party place. "Finally tapos na tayo. Foods at yung magician na lang ang kulang."

Maya-maya pa ay dumating na din ang mga pagkain ng bata, she even asked for Ivy and Nika's help in choosing the food for the kids dahil nga ipinangako niya kay Chord na walang makakasamang kahit ano sa mga bata. So they served vegies and fruits na catchy sa mga bata.

"Ate Key!"

Mula sa pag-aayos ng mga carrot cupcake ay napatingin siya kay Macey. A young looking woman is beside the little girl. She looks like she's in her early 30's.

"Siya po ang mommy ko." Nakangiting saad ni Macey.

"Hello po." She bowed her head slightly. "I'm Key Fierro." Inilahad niya ang kanyang kamay.

"Juliana." Nakangiting tugon nito habang tinatanggap ang kamay niya. "Masaya akong nakilala na kita sa personal, bukambibig ka lagi nitong anak ko."

Why Can't It Be? (Bachelorette Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon