Chapter 4

13K 351 39
                                        

Chapter Four

Malapad ang kanyang ngiti habang papalabas ng pediatric ward. Masayang-masaya ang mga bata sa pasalubong niyang unan na ang design ay ang mga paborito ng mga itong cartoon characters.

Nagpaalam muna siya kina Ivy at Nika para hanapin si Chord. Balak niya kasing ibigay iyong sushi na ginawa niya para dito. Sana lang ay makita niya ito. She crossed her fingers to that.
Dumiretso siya sa office ni Chord, nagbabakasaling nandoon ang binata.

"Sana nandito siya." She sighed as she knock softly.

She heard a faint come in.

Ngumiti siya ng malapad at binuksan ang pinto. "Oyasumi nisai!" She bowed her head.

Kumunot ang noo nito habang tinitignan siya.

Medyo simple lang ang cosplay niya ngayon. It's the character of Kagome in the anime Inuyasha. She's just in a green and white highschool uniform with white knee socks.

"I just want to give you this." Itinaas niya ang sushi na nasa transparent na tupperware. "Baka hindi ka pa nagla-lunch."

He just look at her with his stone cold eyes.
"Don't you have something to do with your life?" Walang ka-emo-emosyon ang boses nito.

Pero hindi niya alam kung bakit parang na-a-adik parin siya sa boses nito. "Gusto lang naman kitang bigyan ng pagkain." She pouted.

"Stop pestering me miss."

"It's Key! Di ba nagpakilala na ako sa'yo? I'm your new neighboor, remember?" Saad niya, dinideadma ang katarayan nito.

"Miss, just do something productive instead of pestering me. You can leave now." Iminuwestra nito ang pinto pagkatapos ay bumalik na sa pagtipa sa keyboard ng computer nito.

She pouted. Ang sungit talaga!

Dahan-dahan siyang naglakad palapit sa mesa nito. She's careful not to make any sound.

Ayan na Key, malapit na ilang hakbang na lang.

"What are you doing?"

Natigilan siya. You're dead. She chuckled nervously. "Uh... ahm. Gusto ko lang talagang iwan to." Inilapag niya ang tupperware sa mesa nito. Sa ibabaw nito ay may nakadikit na post it na may simpleng note,

Have a nice day! :)

-Key

She grinned then did her signature peace sign. Baka umubra ang pagpapacute niya.

"Sayounara! Enjoy the food." She bowed her head and ran away from his office as fast as she can. Bago pa nito maisipang ibalik yung pagkain sa kanya.

Hinihingal siyang bumalik sa pediatric ward.

"Kamusta? Naibigay mo ba?" Excited na salubong ni Nika.

Masaya siyang tumango habang tumatabi sa dalawa. Busy ang mga bata sa panonood sa tv.

"Success!" She grinned happily.

"Weh?" Di makapaniwalang tanong ni Ivy.

Again, she nodded. "Oo nga! Actually, inilapag ko na lang sa mesa niya tas kumaripas na ako ng takbo dito." She smiled sheepishly.

"Sabi na eh!"

"Hindi kusang loob na tinanggap."

"Tinarayan nga ako eh." Sumbong niya.

"Wala ng bago doon." Kumento ng dalawa.

She sighed. "Sabi niya pa 'stop pestering me' daw." Panggagaya niya sa walang buhay nitong boses. "Eh magbibigay lang naman ako ng pagkain! Psh."

Why Can't It Be? (Bachelorette Series 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon