Chapter Eight
"Tignan mo nga naman tong si Ianna, sinong mag-aakalang after ikasal ni Leian siya naman ang susunod!" Iling ng isa sa triplets.
"I can't believe this." Iling pa ng isa.
Siya naman ay napainom na lang ng juice. Nandito sila sa Belladona ngayon at katatapos lang nilang kausapin si Blake.
Lahat sila ay present, except for Ianna. Balak daw kasi ni Blake ang surprise wedding sa Paris, and he needs their help that's why they are all gathered here in Palmyra.
"Akala ko ba, Ianna called the engagement off?" Nagtataka namang tanong ni Lj.
Sierra shrugged. "I thought so too."
"At isa pa, arranged marriage yon diba?" Erin asked.
Tumango si Sierra.
"Iba rin yung lalaking yon no?" Si Leian naman.
"And you Therine, will play the big part here." Paalala niya.
Therine smiled warily. "Ngayon pa lang, kinakabahan na ako."
"Kaya mo yan. We're all doing this for Ianna's sake." Sierra smiled. "Kahit pa hindi natin feel ang lalaking yon."
"Naunahan ka pa ni Ianna, Key." Iling ng isa sa triplets.
"Mas nauna mo pang nakilala yung doctor mo kesa sa nakilala niya ang Blake na yon." Dagdag pa ng isa.
She pouted. "Ang sama niyo sakin. Malapit na 'yon. Papansinin din ako ni Chord." Optimistic niyang saad.
"Okay sabi mo." They shrugged.
"Go lang ng go." Ngiti ni Erin. "Pero heto talagang si Ianna, inunahan na naman akong magpakasal. Ako tong may long time boyfriend." Litanya nito.
"Bakit nga ba hindi pa kayo kinakasal ni Keenan?" Leian asked.
"We're getting there." Ngiti lang nito.
"Edi kayo na ang inlove!" Irap niya. "Si Erin may Keenan, si Leian may Nate at bonus pang baby Nathan tapos ngayon si Ianna naman ikakasal na. Samantalang ako, stucked na ata sa paghahabol kay Chord. Why you do this guys?" She jokingly wipe a fake tear.
Everyone chuckled at her antic.
"Saka ka lang daw mapapansin ng doctor na yon kapag may lovelife na kaming lahat." Biro ni Lj.
"My gosh! Baka tatanda na akong dalaga hindi ka pa nagkaka-lovelife Lj. Kelan ka ba huling nakipag-date? Ang busy mo kaya masyado." Litanya niya.
Lj chuckled. "I'm not sure, last year?"
"See! Yan ang sinasabi ko eh." Iling niya.
"Nahiya kami sa asul mong buhok, ha?"
Napatingin siya sa triplets. "Wig lang naman eh."
"Naka-cosplay ka na naman. Saan ba ang lakad mo?" Tanong pa ng isa.
"Sa hospital." She grinned.
"Heto na naman po siya."
"Sipag bumisita ah."
"Dadalawin ko yung mga bata! Nakakamiss sila." Depensa niya.
"Sus. Tell that to my hand."
"As if naman."
"Oo na, ulterior motive na yung makita si Chord!" Pag-amin niya.
"Teka nga, may progress ka na ba diyan sa ginagawa mo?" Sierra asked.
She pouted. "Wala."
Nagtawanan ang mga supportive niyang kaibigan.
"Salamat sa suporta guys. Damang-dama ko." Plastic siyang ngumiti sa lahat.

BINABASA MO ANG
Why Can't It Be? (Bachelorette Series 5)
RomanceBook Five of Bachelorette Series ✔️ Completed I am living in the present he's living in the past. He's not yet over her. For him, she is his one great love... she's 'it' for him. The one that got away. Ano pa bang laban ko doon diba? How can I fight...