Prologue

2.4K 196 167
                                    

Kasalukuyan akong naglalaptap sa may classroom at nagreresearch about sa thesis namin.

Tinignan ko ang wristwatch ko at nakita ko'ng lumalalim na pala ang gabi.

It's already 7:09 PM

Nasa kalagitnaan na ako ng pagreresearch ng bigla akong nakarinig ng kalabog mula sa pinto ng room.

Si Tanya Pineda na naman. Ang president ng student council na akala mo naman kung sinong umasta. Nag fefeeling reyna sa buong campus.

"Anong kailangan mo sa akin Tanya." Saad ko sa kaniya. Bakas sa kaniyang mukha na galit nag alit siya. Kulang na lang, umapoy ang mga mata niya dahil sa panlilisik eh.

Dali-dali siyang lumapit sa akin at binigyan ako ng isang malakas na sampal.

"Gaga ka! Bakit mo'ko sinumbong sa guidance counselor ha?! Alam mo ba na mawawalan ako ng scholarship dahil sa ginawa mo?!"sumbat niya sa akin.

Tumayo ako at tinulak din siya papalayo sa harap ko.

"Tama lang 'yon Tanya! Ang desperada mo din na kumuha ng kodigo mula sa guidance office? Ano 'yon ha? It's illegal!" pangdedepensa ko naman.

At nagsama pa siya ng 2 mga feelingeras ha. Kung gusto niya ng away, hindi ko uurungan ang 3 bubuwit na ito.

"Hayop ka! Halika dito! Gaga ka! Pagsisisihan mo 'to!"

Hindi siya nag-atubiling kaladkarin ako palabas ng classroom. Hila-hila niya ang buhok ko habang ang dalawa naman niyang kasama ay hinahawakan ang magkabilang kamay ko.

"Agh! Bitiwan niyo 'ko! Mga hayop kayo! Bitiwan niyo ako!"

Para silang mga bingi na kahit sigaw ng sigaw na ko, hindi pa rin nila ako pinakikinggan. Mga desperada talaga.

Agad nila akong itinulak sa sahig. Sa sobrang lakas ng pagkakatulak nila, namaga ang isang tuhod ko.

Pinagmasdan ko ang paligid at napansin kong nasa rooftop na pala kami ng gusali.

"Bakit niyo'ko dinala dito?"

Dali-dali akong tumayo at pinagpagan ang school uniform ko.

Hindi siya umimik at nakatingin siyang nakangisi sa akin.

"Hayop ka talaga Tanya! Bakit mo'ko dinala dito?! Tama naman 'yong ginawa kong pagsusumbong eh!" sumbat ko ulit sa kaniya.

"Dinala ka naming ditto para bigyan kita ng leksyon!" sigaw niya sa akin.

Inilapag niya ang bag niya at inakmaan ako ng sabunot.

"Halika dito! Halika!"

Hila-hila niya ang buhok ko habang hiyaw ng hiyaw at todo cheer naman ang dalawa niyang kasama.

Nabuhayan ako ng loob kaya nilabanan ko din siya ng sabunot.

"Desperada ka! Sumusobra ka na Tanya!"

Nagsabunutan kami ni Tanya hanggang makaabot kami sa may railings ng rooftop.

"Walang hiya ka!" sigaw ni Tanya ulit sa akin.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nadulas si Tanya sa rooftop at tuluyang nahulog sa building ng school.

Nagulantang ako ng makita ko siyang duguan at nakadilat pa ang mata niya habang nakahandusay sa sahig.

"Tanya!" sigaw ng dalawang kaibigan niya. Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa mga oras na ito. Hindi ko naman ginustong mahulog si Tanya eh.

Ipinagtanggol ko lang naman ang sarili ko.

"T-tanya, h-hindi ko si-sinasa-sadya." Pautal-utal kong saad habang nakatingin sa may railings ng rooftop.

Sa takot na baka ako'y mahuli, dali-dali akong bumaba ng building at bumalik sa room ko.

"Agh! Ayaw kong makulong! Ayaw ko!" paulit-ulit kong saad habang inililigpit ang dala kong mga gamit.

Pagkatapos kong mailigpit ito, dali-dali akong lumabas at iniwan ang school. Mula noo, naging sikreto na ito na tanging mga kaibigan na lang ni Tanya ang nakakaalam sa tunay na pangyayari.

Maging ang mga kaibigan din ni Tanya ay hindi na din nakapagsalita sa crime scene.

Hindi na ako nagdalawang-isip na bumalik ulit sa paaralan na iyon.

At dahil sa sikreto kong iyon, duon na magsisimula ang madilim at madugo kong destinasyon.

Hell Destination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon