Chapter 10: Heartbreak

419 99 27
                                    

TRISHA

I can't take it anymore. Pumunta kami dito para magbakasyon pero bakit nag-away away sila? It's just a simple thing tapos pag-aawayan pa nila? How pathetic!

Hindi na ako pwedeng mambintang kasi ako na naman ang pagdidiskitahan nila. Napiitan lang naman talaga akong sumama sa vacation na 'to.

Kung hindi lang sumama ang boyfriend kong si Kent, edi sana hindi nalang ako sumama sa shitty vacation na 'to.

"May napansin kaba Trisha?" tanong naman saakin ni Trixie na puno ng duda.

"Like what?"tugon ko naman sakanya. Actually, hindi magandang place itong pinuntahan namin. Sana nga sa pool nalang namin sa city ang pinuntahan, pabida kasi 'tong si Arvia.

"Nawala na 'yung nagto-tour saatin, bakit si Arvia nalang?"tanong niya ulit habang nagmamasid-masid sa paligid.

"I don't know Trixie, baka umuwi na sa cheap house" tugon ko naman na may halong nakakalokang ngisi.

"Oh? Look at your boyfriend Trisha, mukhang nilalandi ni Katana, uhh! So gross" iritang sambit niya saakin.

Nakita ko si Katana na nakahawak sa mga braso ni Kent at hinihimas-himas ito. Agad ko naman siyang pinuntahan at sinumbatan.

"Oh my God Katana! Wala kana bang malalandi at pinupuntirya mo ang boyfriend ko!" sigaw ko sakanya. Nagsimula itong mag-echo kaya rinig na rinig ng mga kasama mo sa unahan.

Biglang natahimik ang lahat at tanging hampas na lang ng mga alon sa dagat ang maririnig.

"Ano ngayon Trisha? Masisisi ko ba ang boyfriend mo kung gusto niya din?" tugon niya naman saakin sabay irap.

"Walang hiya ka!" isang malakas na sampal ang ibinigay ko sakanya kaya lahat naman ng mga kasamahan ko ay nagsitakbuhan papalapit saamin at todo awat.

"Stop it guys!" dinig ko pang sambit ni Kent. Nilapitan ko rin si Kent at binitawan ko din ng sampal.

"How could you do this to me!?" sambit ko naman sakanya. Sobrang sakit na, lahat ng mga sakit ikinimkim ko pero ito, sumobra na. Hindi ko na kaya.

"Calm down Trisha, let me explain" tugon niya naman saakin habang pinapatahan niya ako sa pag-iyak.

"Calm down!? How could I? Lahat ng sakit itinago ko Kent! Minahal kita! Pero bakit nagpapalandi ka sa haliparot na 'yan!" sumbat ko ulit sakanya, but this time tuloy-tuloy na ang pagpatak ng mga luha ko.

"Magsama kayo!" huling sigaw ko sa kanila tsaka nagpupumiglas umalis sa mga kamay nila na todo hawak saakin.

Tuluyan na akong umalis at tinahak ang sinasabing resthouse na tutuluyan namin. Gusto kong magpalamig, gusto kong makalimot sa lahat. Sobra na ang mga pasakit na ibinibigay nila saakin.

I can't take it anymore.

Patuloy pa din ako sa paglalakad hanggang makahanap ako ng isang sementong upuan sa gilid ng isang malaking puno kaya agad naman akong pumunta duon para magpahinga.

Tuloy-tuloy pa rin ako sa pag-iyak. Hindi ba sabi nila, if you have too many problems, just cry and cry. 'Yan ang huling sinabi ng ate ko bago siya pumanaw.

Hell Destination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon