Chapter 11: Why are you following me?

429 98 34
                                    

KATANA

Pikon na pikon talaga si Trisha saakin. Well, I can't blame Kent if he wants to. Magiging masaya ang araw na 'to para saakin. Yes it will, at ako na mismo ang magpapasimuno.

"Well ito na ba ang sinasabi mong resthouse Arvia? So ellegant huh" sambit naman ni
Kennedy sakanya. Agad namang ngumiti si Arvia kay Kennedy.

"Salamat Kennedy" tugon naman ni Arvia sakanya. Wala na akong masasabi Arvia. Pati ang pinakaguwapong student ata ng 'Seville' ay mapapasakanya na.

Perfect bitag, Arvia. Kung pakikipagplastikan lang sa kapwa ang hangarin ni Kennedy, mas magaling ako diyan.

Sana ako nalang ang sinabihan ni Kennedy niyan, how sweet. Alam ko naman ding hindi seryoso si Kennedy sa lahat ng bagay.

Naalala ko pa nung 1st year college pa kami, nagpropose si Kennedy kay Fiona. Nakakatawa ang kawawang Fiona, nagpauto naman.

Then, nabalitaan ko nalang na break na pala sila, hindi pa nga nakakaabot ng 3 days. Sobrang saya ko ng mga araw na 'yun. Once na din kasi akong nahulog sa patibong ni Kennedy.

Pero ako na mismo ang nakipagbreak sakanya. I know our relationship together, will not work kaya we broke up.

After that, nabalitaan ko na lang na patay na si Fiona. Yes, she's dead. Walang nakaalam kung bakit siya namatay.

Ang tanging sinabi ng mama niya bago siya ilibing ay puno ng sugat ang kanyang mga braso at may hiwa ang kanyang leeg kaya ito ang dahilan sa madalian niyang pagkamatay.

Cool diba? As in cool! Namatay siya kasi tanga siya. Kaya nung mga oras na iyon, pinagbibintangan si Kennedy na killer.

Wanted siya sa buong university, pero matagal na 'yun. Isang taon na ang nakalipas kaya nakalimutan na rin siguro ang lahat.

Diba bagong buhay na? Let's have some fun tonight!

A£A£A£

Pumasok na kami sa resthouse nila Arvia. Ang masasabi ko lang ay sobrang laki! Parang isang hotel ang tutulugan namin.

"Arvia? Is this for real!?" gulat na tanong ni Trixie. Halata namang tuwang-tuwa rin ang gaga.

"Yes, it's real" tawang-tawa naman si Arvia sa tanong ni Trixie kaya napaupo ito sa sofa.

I'll admit, this resthouse is so big for us. Malaki na 'to para saamin. 12 nga lang kami dito tapos ang laki pa.

"Baka naman sobrang laki itong resthouse para saatin Arvia, baka makabayad pa kami" pag-aalala naman ni Chaos.

Si Chaos 'yung tipong responsable sa paligid niya. Alam niya ang kinalalagyan niya kaya natutuwa ako. I'm happy with his personality.

"Don't worry guys, it's all free! Wala kayong babayaran" tugon naman ni Arvia habang nakangiti.

Biglang naghiyawan ang lahat at nagsiupuan sa napakalaking sofa sa sala ng resthouse.

Kasyang-kasya ang 20 na tao dito kaya wala kanang hahanap-hanapin pa.

"Hoy, 'wag nga kayong magulo! Nakakairita" pagrereklamo ko naman sakanila.

This time, hindi sila nagalit at nagsitawanan pa. Tumatawa at tinitignan ako.

"Oh? Anong nakakatawa?" tanong ko naman sa kanila.

"Pakipot kapa, gusto mo naman ding matulog dito sa resthouse eh" tugon naman ni Lukas na nakangiti

Hell Destination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon