Chapter 15: Nightmare

344 92 19
                                    

KENT

"May pumutol ng kable nang kuryente natin!" bungad naman ni Arvia sa aming lahat. Paano na 'yan! Paano na kami?

"Oh my god! Sana kasi hindi nalang natin nilaro itong game eh! Pahamak!" sabi naman ni Sharleen at tuluyang umalis sa kinauupuan niya.

"Saan ka Sharleen?" pagtataka naman ni Trixie. Tumango lamang si Sharleen at tuluyan nang umakyat sa 2nd floor.

"Mabuti pa, dito nalang tayo matulog lahat sa salas, huwag na muna tayong matulog sa room, dahil bukas na bukas hihingi tayo nang tulong sa tour guide natin, okay?" pagpapaliwanag naman ni Arvia saamin.

"Eh paano si Sharleen? Pababayaan lang ba natin siya sa taas?" pag-aalala naman ni Trisha habang nakakunot ang nuo nito. Agad ko namang nilapitan si Trisa at inakbayan.

"Don't worry Trisha, everything's gonna be alright" bungad ko naman sa kaniya habang hinahagod ang likod niya. Tumango lamang siya at niyakap ako.

"Salamat Kent dahil nandito ka palagi si tabi ko" tugon niya naman sa akin na nakangiti.

'Yan ang gusto ko kay Trisha eh, ang nakangiti palagi. Pinapahiwatig ng mga ngiting 'yan na lahat ng mga problema ay malalagpasan.

"Boys, duon nalang kayo sa couch tutal malaki naman 'yan" bungad naman ni Arvia haang itinuturo ang couch na tutulugan namin.

What the!? For real? Anong akala niya sa amin, mga babies na ipagkakasiya sa isang stroller?

"Kakasya ba kami diyan Arvia?" pagrereklamo ko naman sa kaniya. Tinitigan ako ng masama ni Arvia na parang alam ko na ang ibig niyang sabihin kaya napaiwas ako ng tingin at nagsalita.

"Okay na! Fine! Matutulog na kami" bungad ko naman sa kaniya sabay higa sa couch at nagtalukbong ng kumot.

"Good, aarte-arte pa" dinig ko namang sabi niya. Hindi ko naman ding pwedeng pangunahan si Arvia dahil siya ang namumuno sa vacation na ito. Pwedeng-pwede niya kaming paalisin anytime. Kumbaga, she is our boss for 5 days.

Note! Limang araw lang siyang magiging boss dahil pag-uwi na pag-uwi namin sa kabihasnan, siya na naman ang magiging sunud-sunuran.

Tahimik na ang lahat at tanging mga hilik at mga tunog nalang ng mga kuliglig ang maririnig. Sa sobrang lakas ng hilik ni Xander, maririnig mo talaga hanggang dito sa kinahihigaan namin.

Si Chaos naman ay nakahiga bandang kanan ko habang si Lukas nakahiga naman bandang kaliwa. Samantalang si Xander at Kennedy naman ay nasa kabilang couch. Hindi mo sila maaninag dahil nga sa sobrang dilim ng paligid.

Paano kaya nilang nagawang matulog ng maingay. Maingay dahil sa paghihilik ni Xander. Hindi mo rin masyadong maaninag kung saan nakahiga ang mga girls dahil madilim ang buong paligid at tanging buwan na lang ang nagbibigay liwanag sa aming lahat.

Hindi rin ako dinalaw ng antok dahil maraming mga tanong ang pumapasok sa isipan ko, hindi lang basta-bastang mga tanong. Halo-halo na kaya hindi ako makatulog ng maigi.

Iniisip ko kung anong magandang gawin bukas, kung saan patutunguhan ang relasyon namin ni Trisha, kung paano magiging matibay ang pagsasamahan namin at kung ano-ano pa.

Bigla akong naghikab at tamang-tama dadalawin na din ako ng antok. Unti-unti na akong pumikit ngunit may isang bagay ang nagpabagabag sa akin.

Bago ko pa man ipikit ang mga mata ko, nakarinig ako nang mga kalabog bandang  kusin kaya agad akong napatayo sa pagkakahiga ko.

Siguro naman hindi niya ako makikita dahil napapalibutan ako ng dilim dito. Pero siya makikita ko ang katawan niya.

Nakatayo siya sa bandang kusina na parang may hinahanap na kung ano. Naaninag kong nakatayo siya dahil sa tulong ng liwanag ng buwan. Naliliwanagan ang kaniyang  katawan kaya nagbigay ito ng silhouette sa akin.

Hell Destination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon