Chapter 2: Paranoid Chaos

1.2K 156 187
                                    


CHAOS

It's nice that I met my new friends. Siguro panahon na din para magbagong buhay.

"Before are topic will start, I just like to introduce the students who are here in the 5th Class." saad ni Teacher Arra. Isa-isa niyang ipinakilala ang mga students from row 1 hanggang row 3.

Row 1 Students:

•Xander Yuhamoto
•Kent Shiro
•Trisha Mendez
•Ash Borromeo
•Lukas Matsumoto

Row 2 Students:

•Cathy Tonatos
•Kennedy Gonzaga
•Trixie Apolinario
•Mark Mijares
•Franco Bataga

Row 3 Students:

•Selena Tatsuki
•Sharleen Salvador
•Arvia Bernardo
•Katana Shirovia
•Faith Argona

"Siguro namumukhaan niyo na sila Claire and Chaos?" pangungumbinsi sa amin ni Teacher Arra. Tumango lamang kami ni Claire.

"Welcome to 5th Class." Banggit ng katabi kong si Faith.

"Thank you Faith." Pagpapasalamat ko sa kanya.

Madali kaming naging magkaibigan ni Faith dahil na rin sa pagiging talkative niya sa klase.

Masayang kausap, at madali kaming magkaintindihan.

"Okay Class, we have to inform you na magkakaroon tayo ng pre-assesment na kung saan magrarank tayo ng 13 students." Sabi ni Miss Arra

"What!? Wala ka pa ngang natuturo saamin eh!" Sigaw ng kaklase naming nasa row 1. If i'm not mistaken, She's Ash Borromeo.

"Bastos! Wag mo'kong pagsasalitaan ng ganyan Ash ha! I'm warning you!" Sumbat ni Teacher Arra.

Ganyan pala magalit si Teacher Arra saamin. Nakakatakot, at nakakapanindig balahibo ang mga bawat salita niya.

Pinagmasdan ko rin ang naging reaksiyon ng mga kaklase ko. Si Claire naman ay parang nagulat din sa naging reaksyon ng guro namin. Habang si Ash, nakangisi lang at parang wala lang sakanya.

Haharap na sana ako sa adviser namin ng bigla na naman akong kinilabutan sa nakita ko.

Mga matang nanlilisik at puno ng puot ang nakamasid saamin sa 5th Class. Lalong lalo na nakamasid ito sa guro namin.

Mapapansin mo talaga na may nakasilip dito dahil ang row ko ay tabi lang nga binata kung saan may mga matang nakakubli.

Napansin ata ng mga Mata na nakatingin ako sakanya kaya nawala nalang ito bigla.

"Faith may nakita ako" nanginginig kong sabi sakanya.

"Ano Chaos?"

Di ako nakapagsalita agad. Di ko nalang itinuloy ang pakikipagusap kay Faith. Nararamdaman ko kasing may mangyayari na namang masama.

Ang pinagtataka ko pa dito, pareho ng mga mata ang nakita ko, ito rin ang nakita ko sa dati naming paaralan ni Claire, yung araw na kukunin namin ang card namin kay Ms.Rina.

Tama! Siya nga! Kailangan ko muna siyang pag-aralan. Malalaman ko din kung ano ang sikreto sa mga matang iyon.

"Bago natin simulan ang pre-assesement, why don't you take a break muna? Mag recess muna kayo ha? Tsaka babalik din ako may pupuntahan lang akong importante." Sabi ni Miss Arra sa aming lahat.

"Importante? Wala namang announcement na may gagawin kayo ngayon Teacher Arra?" Pagtataka ni Arvia.

"Basta, class dismissed." Pagpuputo­l ni Teacher Arra.

Hell Destination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon