Chapter 5: The Chase

619 130 65
                                    

CLAIRE

Happy Vacation to all! I know sa lahat ng nag-oouting at nagbabakasyon ay masayang-masaya! Lalo't magkakasama kayong magbabarkada.

Masaya kami sapagkat kahit huling araw na ng klase ay magkakasama parin kami. Nagkukwentuhan, nag-aasaran. Ang saya talaga super!

Nagyaya naman ang barkada na pumunta sa Mall at tinukso si Trixie na mag libre tutal ay Valedictorian naman siya. 

"Osige na nga, matitiis ko ba kayo? " nakangising sagot ni Trixie

"Yes naman,  makakatipid pa ako ng pera! "natatawang sabi ni Sherleen, pati kami natawa rin. 

Dumiretso muna kami sa isang fastfood chain para kumain, pagkatapos ay lilibutin namin ang buong mall. 

Pagkapasok namin fastfood chain, ay naghanap agad kami ng mauupuan.

"Besh mukhang puno lahat ah" sabi ni Sharleen sakin habang pinagmamasdan ang   paligid. 

"Hindi meron pa, ayun oh!" sabay turo ko sa bandang likuran ng kainan. 

Nakaupo nakami at kinukuha na ni Trixie kung anong mga order namin.  Sa kalagitnaan ng pagkuha ni Trixie ng order ay may biglang sumigaw.

"KYAAAAAAAHHHHHHH" Sigaw ng nasa tabi naming table. Si Katana.

"Anong nangyayari kay Katana? " kuryosong tanong ni Lucas samin at nakatingin narin pala sa table ni Katana.

Nangiginig si Katana sa takot.  Ano naman kinakakatakutan nito?

Ang ibang costumer ng fastfood ay nakatingin narin sa pwesto nila Katana nagtataka at nagbubulung-bulungan.

"Katana what's happening to you?! " nagpapanic na sigaw ni Arvia sa kan'yang kaibigan.

"Si-ssi C-claaire" sabay turo niya sa akin na puno ng takot at pangangamba.

"Bakit anong meron kay Claire?" tanong naman ni Ash. Natatakot narin ako ha!

Agad namang inalalayan ni Arvia si Katana papatayo.

Ang nakakapagtaka? Bakit ako ang itinuturo niya? Ano bang meron saakin.

XANDER

Biglang nagsibalikan ang iba sa kani-kanilang gawain, ano kaya nangyayari kay Katana. Feeling ko nagooveracting na naman siya.

"Katana! Wag ka ngang OA diyan!"-sigaw ko naman sakanya.

"Huy, wag mong pagsalitaan ng ganyan si Katana, alam mo namang magagalit na naman yan!" galit na untag ni Chaos.

Di na umimik si Katana sa sinabi ko, mukhang seryoso talaga siya sa mga nangyayari?

"Umuwi na muna tayo at magpahinga baka di na naman matuloy ang vacation natin bukas, tara na" sambit naman ni Lukas.

Tss, epal talaga tong Katana nato eh, baka siya pa ang magiging dahilan para madelay ang vacation. Tsk ang OA niya kasi.

_________
3:45 PM

Dialing Trixie...

"Hello babe!"

"Hi babe! Bakit ka napatawag?"

"Wala namiss lang kasi kita, sabay na tayo bukas ha?"

"Ikaw naman, hahaha sige sige sabay na tayo"

"Sige na bye na, mag-iimpake pa ako, I love you"-Xander

"I love you too Xander"

Hope that me and Trixie will last longer. I love her very much.

CHAOS

Ano kaya ang nangyari kay Katana kanina sa mall? Siya pa nga yung excited na excited na pumunta tapos siya pa yung sumira ng pag ma-mall namin.

Feeling ko, naghihistyrical siya, di ko pa siya lubusang kilala pero parang tuluyan kong nalalaman ang kinikilos niya.

Ang alam ko lang naman ay besfriend sila ni Arvia, pero kailangan ko pa siyang makilala ng lubos.

Hindi lang si Katana, kundi silang lahat.

Pumunta ako ng desk ni Claire para kunin yung loptop niya, tutal hindi niya naman ginagamit at nasa baba siya, may ginagawa.

Agad kong pinaandar ang hawak kong macbook tsaka nagresearch about sa paaralan, maging sa mga estudyante dito.

Lumabas ang ibat-ibang paaralan sa Pilipinas, ang umagaw pansin saakin ay ang paaralan kung saan kami nag-aaral ni Claire.

Ang Seville Academy.

Dali-dali ko itong pinidot at nagscroll sa description ng school.

Laking gulat ko nalang na hindi pwede mareach ang paaralang ito.

Bakit?

"Error 404"

Yan ang nakalagay kapag paulit-ulit kong pindutin ang 'Seville Academy'
Habang pinipindot ko ito, napapansin kong biglang dumadami ang mga letra sa description malibas sa Error 404 na nakita ko.

Y O U C A N T S E A R C H M E U P

Yan ang nakasulat sa description ng school na niresearch ko.

Ano to? Ano ang ibig sabihin nito?

Laking gulat ko ng tuluyan kong mabasa ang mga nakasulat dito.

"You can't search me up"

Bigla akong nakilabutan. Bigla din akong nakadama ng panlalamig.

Unti-unting umihip ang malalakas ng hangin, nagfi-flick ang ilaw.
At ang nakakaagaw pansin pa dito ay ang babaeng nakatayo sa harap ng bintana.

Ano!

Babaeng nakaharap sa bintana?

Kitang-kita ko ang babaeng nakatayo sa bintana, lalong-lalo na nasa harapan ko lang ang bintanang kinatatayuan.

Babae siya, mahaba ang buhok. Sigurado akong kasing-edad ko lang ito.

Di kaya? Isa lang sila nung nakita kong nagmamasid sa amin sa room?

Teka? Bakit alam niya ang tinutuluyan namin ni Claire?

Hindi pa panahon para mag-isip ako. Kailangan ko na siyang kilalanin.

Hahakbang na sana ako papalabas ng bigla siyang lumundag at nawala sa kinatatayuan niya.

Napansin niya siguro na napansin ko siya.

Dali-dali akong umalis sa kwarto at tinungo ang bakuran kung saan ko siya nakita kanina.

Sa kasawiang palad, di ko na siya naabutan. Nakatakas na siya.

Pero parang may naiwan siyang isang ebidensiya na nakita ko sa bakuran namin kung saan siya tumalon.

Necklace. Isang necklace na may nakaukit na letter 'K'.

Isang napakalaking ebidensiya. Makikilala ko na siya.

Hell Destination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon