Chapter 7: Lies

525 116 48
                                    

CLAIRE

Isang nakakatakot na panaginip ang bumulaga saakin. "I'll get a water for you, okay?" sambit naman ni Chaos.

Tumango na lang ako sa kanya bilang tugon.

Pero bakit ganun? Parati nalang siya sumasagi sa panaginip ko. Ano ba ang kailangan niya saakin?

Bakit niya ako ginigimbala?

Dumating na si Chaos na may dala-dalang isang baso ng tubig na agad niya namang binigay sa'kin.

"Tell me Claire, ano ba talaga ang napanaginipan mo?" tanong naman ni Chaos habang naka krus ang kanyang mga braso.

Huminga muna ako ng malalim at nagsalita ng marahan patungkol sa panaginip ko.

"Chaos, it isn't a dream. It is a nightmare!" sabi ko sakanya habang nakayuko at nakaupo parin sa higaan ko.

"Ano? Ikuwento mo na!" tanong na naman niya ulit.

Luminga-linga ako para makasigurado na tulog na lahat ang mga kaboardmates namin tsaka nagsalita.

"Binabalaan ako ni Tanya"-sagot ko ulit sakanya.

Agad siyang tumayo at naglakad-lakad na pabalik balik. Parang may iniisip siya. Hinihintay ko lang ang susunod niyang maging reaksiyon.

"Pangalawa nato diba?"tanong niya ulit na puno ng pangamba.

"Yes." sagot ko

Naglakad ulit siya tsaka lumapit at tumabi saakin kung saan ako nakaupo.

"I think kailangan na nating pumunta ng doctor" sabi niya na puno ng pag-aalala

May point siya do'n, baka kailangan ko ng magpatingin sa doktor para mabigyan ako ng therapy or any medicines na makapagpapatigil ng nakakatakot kong bangungot.

Baka connected din ito sa pagkagulat ni Katana kanina sa mall. Di niya pa kinukwento ang tunay na dahilan kung bakit siya sumigaw.

I think kailangan ko na siyang tawagan. Related kaya ito sa mga napapanaginipan ko?

Kinuha ko ang bag ko sa cabinet tsaka hinagilap ang phone ko.

"What are you doing Claire?" tanong ni Chaos.

Umiling nalang ako sakanya tsaka di-nial ang phone number  ni Katana

"Sh*t! Pick up your phone!"

Bakit hindi ko siya matawagan?! Badtrip naman oh! Kung kailan gusto kong malaman ang totoo tsaka pa inilalayo ng tadhana ko.

"Claire baka natutulog yun? Bukas nalang kayo mag-usap" pagpapa-kalma sa'kin ni Chaos.

Tama siya, may bukas pa naman eh. Baka kailangan ko na munang magpahinga ngayon.

Sana di na ulit ako bangungutin ni Tanya.

Sana makapagpahinga na 'ko ng payapa.


KATANA

Bigla akong nagising ng may kumalabog sa terrace ko. Ano kaya yun? Baka yung pot lang.

Ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng bigla ulit may kumaluskos na nakapagpagising saakin.

Dahil na din sa kuryosidad ko, pinuntahan ko ito at chineck.

"Patay na ibon?" isang itim na ibon ang nakita ko. Duguan at may sugat sa mga pakpak maging sa leeg into.

Ano naman ang ginagawa ng ibon dito? Gabing-gabi na nga eh, nakakakita kaya ito?

Bigla din akong napaisip na bakit parang kakaiba ang ingay na narinig ko kanina.

Hell Destination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon