Chapter 21: It's just me!

369 72 8
                                    

ASH

I'm not sure kung safe ba talaga ang pinagtaguan namin ni Arvia. Sana nga lang talaga makaalis na kami dito sa resthouse. Sana makaalis kami ng buhay.

Sa totoo nga lang, sobrang disgusted na ako sa sarili namin. 5 na lang kaming natitira tapos mababawasan na naman.

"L-lord! Help us! Help us please!" paulit-ulit kong binabanggit habang tinitignan ang susunod na kilos ng killer.

Pero bakit hindi ko maalala kung kaninong boses 'yun. Bigla akong natameme ng nagsalita ang killer na nasa harapan ko ngayon. Hindi niya ako nakikita at sana hindi niya ako makita.

"Ano ba! Hindi ko naman kayo sasaktan eh!" bigla naman naging maamo ang kaniyang boses.

Habang umiiyak ako dito sa loob ng corridor, narinig ko ang sigaw nina Chaos.

"Ash! Arvia! Nasaan na kayo?" sigaw naman ni Chaos sa amin. Sumunod naman si Katana at Claire.

"Arvia! Ash! Mag-iingat kayo! Papunta na kami!" sigaw nina Claire at Katana. Bigla namang napatigil ang killer sa pagsasalita at binagsak ang kaniyang hawak na axe.

Meron siyang dinukot sa bulsa niya at alam na alam ko kung ano 'to. Isang baril na pwede kaming patayin kahit saan man kami tumakbo.

"Bwiset! Humanda kayo sa akin!" sigaw niya naman na galit na galit sabay ng pagpapaputok ng kanyang baril.

Napaiyak naman ako ng husto kaya tinakpan ko nalang ang bibig ko para hindi ako makagawa ng kung anong ingay.

Hindi ko na makita ang killer sa harapan ko kaya lumabas na ako agad at pinuntahan si Arvia.

"A-arvia! I can't help it! Ayoko na! Natatakot na ako" paghahagulgol ko sa kanya habang hinahawakan ang dalawang kamay niya.

"Wa-wag kang matakot, kakalabanin natin ang k-killer!" pagpapatahan niya sa akin kaya napakalma ako.

Napatigil ang aking paghahagulgol ng biglang napalingon si Arvia sa axe na iniwan ng killer kanina.

"Dadalhin ko 'to. Ako ang gagamit nito!" bungad niya naman sa akin. Tumango nalang ako sa kanya at umalis na kami sa kinatatayuan namin.

Habang naglalakad kami, sabay naman ang pagbuhos ng malakas na ulat at ang pagkidlat at pagkulog neto.

Wala na kaming makita sa paligid dahil sa dilim. Wala na din ang flashlight ni Kent. Hindi na namin alam kung saan napunta.

Tanging liwanag na lang ng bawat kidlat ang nagbibigay sa amin ng gabay sa paglalakad.

"Na-nasaan na sila? Baka kung ano na nangyari sa kanya! Natatakot na ako!" saad ko naman ulit kay Arvia.

"Shhhh! 'Wag kang maingay, wala akong maramdaman na nandito ang killer sa tabi-tabi." pagpapaliwanag naman niya kaya napakalma ulit ako.

Sobrang nag-aaala lang naman talaga ako kay Claire,Chaos, at Katana. Paano kung may mangyaring masama sa kanila? Paano namin malalagpasan ang kaguluhang 'to?

"Ash, maupo ka muna" bungad sa akin ni Arvia.  Naluluha siya habang hawak-hawak ang axe niya.

"Anong nangyayari sayo Arvia?" pag-aaala ko naman sa kanya. Napaupo na din siya sa sofa at nabitawan ang axe na dala niya.

"Kailangan ko ng gawin 'to Ash, kailangan ko ng pagbayaran ang kasalanan ko" saad naman niya sa akin at patuloy ng bumuhos ang kaniyang mga luha na kanina pa niya kinikimkim.

"What do you mean Arvia? A-anong ga-gagawin mo?" pautal-utal ko namang tanong sa kaniya.

Naguguluhan na ako sa mga sinasabi niya, ano bang gusto niyang ipahiwatig sa akin. Ano ang mga tinutukoy niyang nga kasalanan? Hindi ko maintindihan.

Hell Destination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon