Chapter 13: Invitation

381 96 22
                                    

KENNEDY

Kasalukuyan kaming nasa loob ng room nina Kent, Lukas at Xander. Umalis saglit si Chaos dahil may naririnig daw siyang nagtatalo sa kabilang room.

"Narinig mo ba 'yung sinabi kanina ni Chaos?" tanong ko naman sa kanila. Nakahiga si Lukas habang nagbabasa ng magasin. Si Kent naman ay kalalabas lang ng banyo.

"Hindi eh, ano ba sabi niya?" tugon naman ni Kent sabay tanong sa akin. Napakamot ako ng ulo at nagsalita.

"Hindi kasi kayo nakikinig, nagtatalo daw 'yung mga girls sa kabilang kwarto" bungad ko naman sa kanila.

"Puntahan nalang kaya natin?" pag-aanyaya ni Kent. Agad namang nagbihis si Kent nang kanyang damit at isinuot ang kaniyang tsinelas.

Sabi naman ni Lukas, magpapaiwan na lang daw siya kasama ni Xander, kaya hindi na lang namin sila pinilit na sumama.

"Tara na!" pagmamadali namang lumabas ni Kent. Overprotective talaga itong si Kent. Swerte talaga ni Trisha sa kanya.

Habang naglalakad kami, napansin naming nagtutumpukan ang mga babae, kasama na rin si Chaos. Napagtanto naman namin na may pinag-uusapan nga sila.

"Tell me the truth, Katana!" dinig kong sabi ni Chaos kaya naman agad kaming tumakbo para malaman kung ano ang pinagmulan ng pagtatalo.

"Hey? What's up? Gabing-gabi na ah?" iritang tanong ni Kent sa kanila. Tinapik ko naman si Kent senyales na tumahimik siya.

"Inaamin ko nga! That's mine! Pero hindi ako ang babaeng nakita mo sa window mo!" pagkukumbinsi naman ni Katana kay Chaos.

"Teka! Ano ba ang nangyayari dito?" tanong ko naman sa kanila. Sa sobrang curious ko, nakisali na ako sa usapan nila. May karapatan naman din ako kasi kasali si Sharleen sa pinag-uusapan nila.

"Paano naman ako maniniwala? Nakita ng dalawang mata ko Katana, mahaba at diretso ang buhok! Sino naman ang may diretsong buhok dito?" tanong ulit ni Chaos sa kanila. This time, gustong-gustong paaminin ni Chaos si Katana na siya ang nagmamasid at nagtatangka sa buhay nila.

"Si Katana, Sharleen, at Ash" bungad naman ni Trixie ng mahina. Parang naiilang itong sabihin ni Trixie. Ayaw niya kasing naiilang ang kaniyang mga kaibigan. Pero may namumuo sa kaniyang damdamin na tama ang ginawa niya.

Nabigla naman ako sa sinabi ni Trixie. Ngayon ko lang din napansin. Bakit kasali si Sharleen sa kanilang pinagbibintangan?

"Oh? Anong nangyayari? Bakit pinagbibintangan niyo si Sharleen?" pangdedepensa ko naman sa kanya. Ayaw ko kasing parating ginaganyan nila si Sharleen. Alam ko kung ano ang mararamdaman niya, kaya ayaw kong maramdaman niya ito ulit.

"It's okay Kennedy, I'm okay. Tama naman si Chaos eh, 3 lang naman sa amin ang pwedeng paghinalaan niya ng masama" bungad naman niya sabay ngiti sa akin. Alam kong pilit ang mga ngiting nakapaskil sa mga labi ni Sharleen ngayon. Alam kong nadi-disappoint siya sa sarili niya. Alam kong nasasaktan na siya sa mga oras na ito.

"Stop it na nga! Mabuti pa matulog na lang muna tayo! Let's take some rest" sabi naman ni Trisha habang nakacross-arms.

"Yeah, tama si Trisha. We need to rest now, malalim na ang gabi! May gagawin pa tayo tomorrow" bungad naman ni Arvia na siyang ikinagulat ko.

"Ano namang gagawin natin bukas Arvia?" tanong ko naman sa kanya.

"Ano pa ba? Edi magja-jamming!" sabi naman ni Arvia sabay kindat sa amin. Akala ko naman kung ano na. Maglalakwatsa lang pala. Masiglahin kasi si Arvia. Parati silang naglalakwatsa ni Katana. Best of friends kasi. Minsam na din silang napunta sa Guidance Office dahil sa pagka-cutting class.

Hell Destination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon