Chapter 19: Trapped

344 82 14
                                    

ASH

Bakit ganoon! Unti-unti na kaming nauubos, unti-unti na kaming namamatay. Namamatay dahil sa mga kamay ng killer. Sa ngayon, hawak-hawak niya ang aming mumunting mga buhay kaya kahit ano mang oras ay pwede niya kaming patayin.

Sabi nga nila, life is to short. Kailangan lubos-lubusin mo na 'to habang nabubuhay ka pa, because anytime, pwede kang mamatay.

It looks kinda creepy huh? But I'm telling the truth. Kahit ano mang oras, pwede kang mamatay.

A£A£A£A£A£A

Kanina pa ako ikot ng ikot dito sa resthouse nina Arvia ngunit wala akong makitang Kennedy. Kahit anino man niya ay hindi nagpaparamdam.

Nasaan na ba kasi nagsususuot ang mokong 'yun. Alam niyang delikado maglakad kung saan, pero hindi pa rin siya nakakaintindi ng salitang bawal.

"Kennedy! Kennedy!" tawag naming lahat sa kaniya ngunit wala kaming makuhang tugon.

Habang patuloy kami sa paghahanap, nakakita ko ng mga dugo. Parang hinatak ata. Bigla ko namang ulit naalala si Kennedy at kinutuban ako. Baka he's already been by the killer.

"Stop!" panunuway ko naman sa kanila kaya sila napatigil sila sa paghahanap. Bigla naman silang napalingon sa akin at hinihintay ang susunod kung sasabihin.

"What's your problem Ash?" pagdududa naman ni Katana. Bigla naman aong napalunok dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito.

"G-guys,hi-hindi kaya patay na si Kennedy?" pautal-utal ko namang tugon sa kanila kaya lubos nila itong ikinagulat.

"Wha-what are you talking about? Kennedy isn't dead! I know he's strong! Kaya niyang labanan ang killer!" pangdedepensa naman ni Arvia habang naluluha siya.

Hindi na ako tumugon pa at itinuro ang dugong nakita ko. Tinignan naman nila ito kaya napatakip na din sila ng bibig.

"Ahhh!" This isn't true!"paghahagulgol ni Trisha habang yakap-yakap si Kent. I know masakit na mamatayan ng isang kaibigan. Pero bakit ganun? Hindi ko maramdaman ang nararamdaman nila? Ganiyan na ba talaga ako kadesperada?

"Malalaman nalang natin 'to kapag nahanap na natin siya! Kaya mabuti pa 'wag na muna tayo maghiwahiwalay" pagpaplano naman ni Arvia kaya sumunod nalang kami kung ano ang nais niya. Tutal siya lang naman ang may alam sa buong resthouse na 'to.

Sumunod na kami kay Arvia. Wala pa ring umiimik, lahat ay kinakabahan. Nag-iisip kung ano na naman ang pwedeng-mangyari.

Hanggang sa dumating na kami sa salas. Bumungad sa amin ang isang nakakarinding, bangkay.

Bangkay ni Kennedy. Isang patunay na pinatay talaga siya at tama ang hinala ko.

"Ahhhh!!!!!" biglang napaupo si Katana sa pagkakagulat habang tinatakpan ang kaniyang bibig.

Nawalan na naman kami ng isa. Walo na lang kaming natitira. Sino na ang susunod? Natatakot na kaming lahat. Kailangan na naming umalis dito.

Paano na 'yan? Ano na? Ano na ang gagawin namin? Paano namin ipapaalam sa buong school ang nangyari sa bakasyong ito?

Paano na kapag malaman lahat ng 'to ni Ms. Rina? Paano na kami? Tiyak magkakaissue ang buong paaralan.

Madaming pumpasok na tanong sa isipan ko kung ano ba talaga ang dapat naming gawin ngayon. Ang manahimik, o ang sabihin ang katotohanan.

"What is the plan now?" iritang tanong ni Trisha habang ginugulo ang buhok niya. Akala ko ba break na sila ni Kent? Pero bakit napayakap siya dito kanina?  Nagkabalilan ba sila?

Hell Destination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon