Chapter 14: The Game

367 92 26
                                    

CLAIRE

Kumakain kami ngayon kung saan, hindi nagkikibuan ang lahat. Para silang nagkakahiyaan sa isa't isa. Dahil din siguro ito sa pambibintang kanina kay Ash.

"Wala nabang aamin?" pambabasag ng katahimikan ni Chaos. Nagulat naman ako sa itinanong niya saamin.

Tahimik pa rin ang lahat at tanging tunog lang nang mga plato at kutsara ang maririnig.

"Wala ba kayong mga bibig?" pagpapatuloy ni Chaos. Nag-iba na din ang tono niya na parang gusto niyang paaminin ang nakita niya sa window nang boarding house namin.

"Chaos tama na!" banggit ko naman sa kaniya. Hanngang ngayon hindi pa rin bumabalik si Ash. Si Ash lang kasi 'yung tipong kapag maliit ang problema pinapalaki niya.

"Stop it guys! Huwag na tayo magsisihan!" pagrereklamo ni Arvia.

"We're to become happy!? Ano ba 'yan!" pagpapatuloy ni Arvia. Biglang umalis si Arvia sa harap nang pinag-kainan at lumabas sa resthouse.

"Look what you did Chaos!?" iritang sambit ni Katana. Napailing nalang si Chaos at pumunta na rin sa labas, nawala na din ng ganang kumain.

Sumunod naman ang iba maliban kay Trisha, nakaupo siya at parang ang lalim nang iniisip.

"Hey Trisha, what's up? Hindi kaba lalabas nang resthouse para magpahangin?" tanong ko naman sa kaniya.

Bumuntong hininga siya at tumayo.

"Ililigpit ko lang 'tong hapag-kainan, susunod nalang ako" bungad niya habang nakangiti.

Tuluyan ko nang nilisan ang salas at pumunta sa balkonahe ng resthouse nina Arvia kung saan nakikita ko silang nakatambay.

"Ano kayang magandang gawin ngayon?" pag-oopen ng topic ni Lukas. Lumingon si Arvia sa kaniya at sinenyasan siya na lumapit.

"Share share din pag may time!"pagrereklamo naman ni Kent. Bigla namang nagsisitawa si Lukas na parang baliw, para ata siyang kinikiliti nang masamang elemento.

"HAHAHA what's wrong Lukas?" tanong ko naman sa kaniya. Bigla na naman niya akong nilapitan at bumulong.

"Magto-tour daw si Arvia sa atin!"bulong niya naman sa akin at patuloy na nagtatatawa.

"Anong nakakatawa duon? It's nice nga eh!" tugon ko naman sa kaniya. Nagsimula nang magsalita si Arvia na parang walang nangyari. Parang ang dali niyang makamove-on.

"Para mahimasmasan kayo, ito-tour ko kayo dito sa island, maraming hideouts at scenarios dito!" bungad ni Arvia sabay kindat niya saamin.

"Pwede bang sumama?" paghahabol ni Trisha sa usapan namin. Tumango naman si Arvia.

Sinenyasan niya kami na sumunod sa kaniya kaya sinundan na namin siya pababa nang resthouse.

Habang naglalakad ako, napansin kong hindi sumunod si Chaos sa amin. Nandoon pa rin siya sa balkonahe at nakatingin sa kawalan.

Siguro hindi pa rin siya satisfied sa nakuha niyang clue kung sino ang nagmamasid sa amin sa boarding house. Alam kong 'yun ang gusto niyang malaman. Ayaw na niya kasi maulit ang lahat.

Hell Destination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon