Chapter 12: Denial

374 93 30
                                    

SHARLEEN

Masaya kaming nag-iinuman ng wine dito sa labas ng resthouse ni Arvia. Hindi ka naman makakasabi delikado ang lugar na ito kase peaceful ang buong paligid. Wala kang nararamdamang peligrong paparating.

"Wait, ano nangyari kay Katana? Kanina pa 'yun ah!" pag-aalala naman ni Arvia.

"Oo nga eh, wala din si Xander dito?" tanong naman ni Trisha. Napatigil ang lahat sa pag-iinuman.

"Trixie, where's your boyfriend? pagdududa naman ni Ash.

Malaki ang possibilities na magkasama si Katana at Xander. Kasi kani-kanina lang ay umalis si Katana dahil nasusuka daw siya. Hindi ko naman din napansin if Xander followed her.

Maya-maya pa ay dumating na si Katana na hingal na hingal at nagmamadali pumasok sa loob ng resthouse.

"Anong nangyari duon?" pagtataka naman ni Kennedy. Baka naghihistorical or something. I don't think so.

"What time is it?" tanong ko naman habang pinagmamasdan ang mga ulap sa kalangitan. Infairness, maliwanag ang buwan.

"OMG! Ang lalim na pala ng gabi! It's already 10:32 PM!" gulat na sabi ni Trisha.

Hindi mo mahahalata na malalim na ang gabi dito sa isla nila Arvia. Maliwanag ang buwan kaya pwede mo pang mapagkamalang maaga pa.

"Stop muna tayo guys! Mabuti pa iligpit na muna natin 'yung mga kalat" sabi naman ni Arvia.

Habang tinitignan ko sila, nakita ko ang mga boys except kay Kennedy na nakatulog na sa kani-kanilang upuan. Lasing na sila.

"Boys! Wake up! Umakyat na kayo sa taas!" pambubulabog naman ni Ash sa kanila.

"Kulang tayo ng isang boy, where na kasi siya!" pagrereklamo ko naman. Tinignan ako ng masama ni Trisha kaya napatigil ako sa pag-iinarte.

Nakakainis talaga 'yang Trisha na 'yan, pati pananalita ng tao pinapakealaman niya.

Biglang dumating si Xander na nakayuko habang hawak-hawak niya ang jacket niya.

"Saan ka nanggaling Xander!?" biglang hinarangan ni Trixie ang dinaraanan ni Xander kaya napatigil ito sa paglalakad.

"Nagpahangin lang ako diyan sa tabing-dagat" tugon naman neto habang sinusubukang umalis sa harapan ni Trixie.

"Alam ko ang baho mo Xander kaya alam ko kung nagsisinungaling ka!" this time medyo nag-iba na ang tono ng pananalita ni Trixie kay Xander.

"Don't tell me na nagpalandi kay Katana!" pagpapatuloy niya.

"Trixie enough, 'wag na tayong mag-away-away, ipagpaliban muna natin 'to. Please, I'm totally tired" pagpapaliwanag naman ni Xander kaya tuluyan na itong umalis sa harapan ni Trixie.

Biglang tumahimik si Trixie at napaupo sa monobloc.

"Let's get some rest, okay?" sambit naman ulit ni Arvia. Tuluyan na kaming pumasok sa resthouse nila Arvia.

Sa lahat ng mga pumasok ay ako ang pinakahuli, kaya naman ako ang napagbilinang isara ang pinto.

"Oops, the door....HAHAHA goodnight!" pananakot naman ni Arvia saakin.

"Ugh! Okay fine!" tugon ko naman. Medyo naiinis ako, kasi ako pa naman 'yung tipo ng taong natatakot kapag ako nalang ang natitira sa sala.

Yeah, ako nalang ngayon mag-isa dito sa sala upang isara ang pinto nito. It creeps me out, kasi nakaoff na ang mga ilaw dito at tanging sa 2nd floor nalang ang nagbibigay ng liwanag saakin.

Naririnig ko pa ang mga yapak ni Arvia sa hagdan kaya confident pa ako na isara ang pinto pero bago ko pa man hawakan ang door knob ay nawala na ang mga tunog ng yapak ni Arvia.

Hell Destination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon