Chapter 1: New Classmates

1.6K 180 180
                                    

CLAIRE

"Okay class, let's welcome your new classmates." pagwewelcome sa amin ng bago naming guro.

"Hi guys, I'm Claire Hashigawa and this is Chaos Chavez. We are your new classmates." saad ko sa kanila habang nakangiti.

"Hi I'm Trisha Mendez. The class president."

Inabutan niya kami ng kamay kaya nakipag-shake hands kami sa kaniya.

"Kennedy"

Nakarinig ako ng boses mula sa likuran ko kaya nilingon ko siya. Inaabot niya ang kamay niya sa akin.

Magsheshake-hands na sana kami ng bigla akong hilahin ni Chaos paatras.

"Bro, 'wag 'yung girlfriend ko." saad ni Chaos sa kaniya. Tinapik ko naman si Chaos sa likuran.

"Ano ka ba Chaos, nakikipag-kaibigan lang 'yun eh." bulong ngunit diin kong saad sa kaniya.

"Kahit na, nagtitiyansing lang 'yung lalaking 'yun sayo eh." tugon naman niya sa akin.

Nagsimula ng mag-ingay 'yung mga estudyante matapos naming magpakilala. May nagseselfon, may nagchichismisan at may nagbubulungan. 'Yung iba nga parang kami ang pinag-uusapan eh.

"Attention! Attention!" sigaw ng guro namin habang pinapalo ng malakas ang table niya. Napaatras kami bigla ni Chaos ng marinig ang matinis at madiin niyang boses.


Ang kaninang maingay na mga estudyante, naging parang pipi na ngayon.

"I-aasign ko kayong dalawa kung saang row kayo uupo." saad ng guro namin habang nakatingin sa amin ng seryoso.

"Chaos Chavez"

Dali-daling lumapit si Chaos papunta sa harapan ng guro namin matapos marinig ang pangalan niya.

"You will sit on the 3rd row." saad ng guro namin. Agad ding tinungo ni Chaos ang 3rd row at naupo sa bandang likod.

Nilingon niya ako at nginitian. Nginitian ko rin siya.

"Claire Hashigawa"

Agad din akong lumapit matapos marinig ang pangalan ko. Hinihintay ang susunod na sasabihin ng guro namin.

"You will sit on the 1st row." mahinahon ngunit nakakapanindig ng balahibong saad ng guro namin.

Tinungo ko ang 1st row at umupo sa may gilid kasama ang isang babaeng kanina ko pa nakikitang nagsusuklay ng buhok.

"For the new students, I'm Ms Arra Gonzaga. You can call me 'Teacher Arra for short." mahinahon niyang saad sa aming lahat.

"Hi I'm Ash!" pag-aabot naman niya ng kamay.

"I'm-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong inunahan.

"No! I knew it." saad niya sa akin at binaling ulit ang tuon sa pagsusuklay. Hindi na lang ako umimik dahil baka mapahiya na naman ako. Lalo nang wala pa ako masyadong kakilala dito.

Sana nga lang tama itong eskuwelahang pinasok namin ni Chaos. Sana nga lang walang may mangyaring masama.

Hell Destination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon