Chapter 9: 'Till We Met Again

551 104 69
                                    


CHAOS

"Yehey! Aalis na tayo!" masayang sambit naman ni Trixie. Hays, kung makapagreact naman to parang bata. Bagay talaga sila ni Xander, isang mature at isang pabebe.

Naamoy ko ang masarap na simoy ng hangin sa dalampasigan. Nakakagaan ng pakiramdam. Alam ko magiging masaya vacation, pero hindi 'yun ang inaasahan ko.

Bakit pa kasi bawal magdala ng gadget? Pa'no naman kung emergency? Edi wala kaming magagawa.

"Bakit 'di mo kami pinadala ng gadget Trixie? Ano ba 'yan, di tuloy ako makaselfie."
pagrereklamo ni Ash.

"Hindi ko na kayo pinadala ng gadget, para maging masaya naman tayo, yung hindi puro nakatutok at nakahawak lang kayo ng gadget niyo"-pagpapaliwanag naman ni Trixie.

May point siya, kung nagdala kami ng gadgets baka 'di na mag-enjoy yung iba dahil puro gadget nalang ang inaatupag nila.

"Don't worry guys, 5 days lang naman tayo du'n eh."sambit naman ni Arvia.

"What! 5 days? Oh my god! 'Di ko kayang wala ang iPhone ko!" pagrereklamo naman ni Sharleen.

Aba-aba, itong Sharleen, akala mo kung sinong mayaman. May pa iPhone-iPhone pang nalalaman. Ang arte naman niya, pareho lang sila ng ugali ni Katana.

"Tama na nga ang pag-iinarte, magpakasaya tayo today!" sabi naman ni Kennedy.

Ang tinitingilaang lider-lideran ng grupo ayon sa mga kaibigan ko. Siya kasi ang tipong kapag may okasyon o kahit anong pagdiriwang, mapa-meeting man, siya ang nag-hehead.

Dinig na dinig mo ang agos ng tubig, mga ibong lumilipad sa himpapawid. Hope this day will be okay.

"Malayo pa ba tayo sa island Arvia?"-medyo mainip na tanong ni Katana. Napailing nalang ako nang narinig ko ang sinabi niya.

Bakit hindi ba makainitindi ang babaeng yan? Kita niya naman na walang nakikitang kahit isang pulo.

Bakit kasi sa sobrang ruleless ng mundong ito ay kahit common sense hindi naipikalat sa lahat ng tao.

"Mga 20 minutes nalang dadating na din tayo"-tugon naman ni Arvia na nakangiti. Pa'no ba nagagawang mapagtimpian ni Arvia si Katana?

Oo nga, life is a ruleless game ayon kay Claire. Lahat tayo players, at ang laro ni Arvia ay ang makipagplastikan kay Katana.

Ano bang meron kay Arvia at nagawang makipagkaibigan kay Katana. Siguro may saanghel ang sumapi sa kanya.

"Ugh! Don't make me stupid Arvia, wala namang isla dito eh, tapos sasabihin mo pang 20 minutes?-pagrereklamo ulit ni Katana.

Di nalang sumagot si Arvia at patuloy pa rin sa pag-masid sa malinaw at asul na dagat.

Alam naman pala nitong Katana eh, tapos magrereklamo pa. Sabi nga nila, ang mga nabiyayaan ng common sense ay curse. Bakit curse? Dahil mag-titimpi ka o titiisin mo ang mga tanong Hindi nabiyayaan nito, gaya narin ni Katana.

Sasabihin ko na sana siya pero biglang may nagsalita sa likuran ko na memoryadong memoryado ko ang boses. Si Kent.

"Ano ba Katana! Kung hindi mo ititigil 'yang pagiging bitchy mo, sana hindi kanalang sumama sa vacation!"-galit na sabi ni Kent.

Sinasabi ko na nga ba. Hindi lang kami ni Claire ang naiinis dito kay Katana. Pati na rin pala ang buong barkada. Eh pano kasi hindi mapigilan ang pagiging bitch mode.

"Tama na babe, wala naman din tayong mahihita kapag makipag-away kapa diyan"-pag-aawat naman ni Trisha. Ang toda-rescue ni Kent.

Tinignan ko ang naging reaksiyon ni Arvia. Nakakunot ang kanyang nuo at nakakumo na ang kanyang mga kamay. Halatang pinagtitimpian niya ang galit kay Katana.

Hell Destination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon