Chapter 6: Warning

544 121 53
                                    


CHAOS

Nag-iwan siya ng napakalaking ebidensiya, kilalang-kilala ko na siya.

Agad akong umakyat sa kwarto at ipinarating kay Claire kung anong nakita ko.

"Claire! Look, kilala mo ba kung kanino to?" Tanong ko sakanya.

Huminga siya ng malalim at hinihintay ko nalang ang susunod niyang sasabihin.

"Akin yan." Sagot niya ng marahan.

Bigla akong nagtaka kung bakit niya sinasabi na sakanya tong necklace, eh wala naman akong binibigay na necklace sakanya.

"Wala naman akong binili na ganito eh? Bakit---" hindi ko na naituloy ang pagsasalita ko ng bigla siyang sumibat.

"I bought that necklace!" Pasigaw niyang tugon.

Bigla akong napakunot noo sa narinig ko. Ganyan naba talaga siya? Nag-iba na ang ugali niya ng lumipat kami sa Seville Academy.

"What happened to you!?" mahinahon ngunit diin kong tanong sa kaniya.

Di na siya nagsalita at patuloy parin siya sa pagiimpake na gagamitin niya para sa vacation.

Hinihintay ko nalang ang susunod niya na sasabihin.

"Hahaha hahaha!" Bigla siyang humalakhak na parang baliw.

Unti-unti siyang lumapit saakin.

"Paranoid!"-bigla nalang niyang sambit.

Bigla din naman akong nagulat sa itinuran niya, 'yan na naman eh, alam ng madali akong maparanoid.

Bigla ulit siyang lumapit saakin at dahan-dahan niya akong hinalikan sa labi. Marahan na marahan.

"Matulog na tayo, maaga pa tayo bukas" Sabay ngiti niya saakin.

Bukas na magaganap ang pinakahihintay namin, ang magiging masayang araw namin ni Claire.

_______
9:43 PM
_______

KATANA

Yessssss!! Bukas na talaga, I can't wait! Di na ata ako makakatulog sa sobrang excitement ko.

Teka, matutulog na ba talaga ako? Wait, may nakalimutan yata ako.

Yung mga gamit ko! Sa sobrang katangahan ko, nakalimutan ko tuloy ayusin ang mga things na gagamit para bukas.

Nagiging makakalimutin na ako, dulot ba ito kanina?

Bakit ganun? Nakita ko si Claire, may kasama siya.

Babaeng walang mukha na lumuluwa ng berdeng likido, lumulutang ito sa ere.

Mas worst pa duon ay, nasa likuran siya ni Claire at parang galit na galit!

Yun ang dahilan kung bakit ako sumigaw kanina sa mall, walang gustong makinig saakin. Parang si Xander. Walang pake! Buti pa si Arvia, nandiyan siya lagi sa tabi ko.

She's a true friend. Hinding-hindi niya ako pinabayaan tuwing may problema ako.

Di katulad ng iba, pakitang tao.

"Teka nasaan na ba yung bag ko? Kanina ko pa yun hinahanap" pagrerekl­amo ko sa sarili ko.

"Manang, nakita mo ba yung bag ko?" Tanong ko ng malakas sa sala.

Nakalipas na ang 1 minuto ngunit wala pa rin akong nakukuhang tugon mula sa kanya.

"Manang ano ba!" Pasigaw kong sambit.

But this time, habang sumigaw ako, kinilabutan na ako. Nasaan na ba si Manang at bakit hindi siya sumasagot?

Dahan-dahan akong bumaba ng kwarto. As in dahan-dahan akong humahakbang para di ako makagawa ng kung anong ingay.

Hell Destination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon