Chapter 17: Consumer

340 87 19
                                    

TRISHA

Nagmasid ako sa mga kasamahan ko kung anong reaksiyon nila sa pagkamatay ni Sharleen, isa kaya sa kanila ang mamatay tao? Pero paano? Paano niya nagawa ang lahat ng 'to?

Nakita kong umaakyat papunta sa amin sina Katana at Ash, hindi kaya magkasabwat sila?

Dedma lang ang mga reaksiyon nila ng makita ko silang nalalakad papunta sa amin kaya naman tinanong ko sila kung anong nangyari.

"Hey? Anong nangyari? pag-oopen ko naman ng topic sa kanila. Bigla namang sumimangot si Ash at patuloy pa rin sa paglalakad hanggang makarating sa kinauupuan namin.

"Anong nangyari sayo? Bat nakasimagot ka diyan?" tanong naman ni Lukas habang nakakunot ang mga nuo.

Napailing lamang si Ash at hindi na sumagot kay Lukas. Para naman kasing bata itong si Ash, paminsan-minsan nagbabago-bago ang mood.

ASH

Ang hirap palang ikaw ang pinagbibintangan na killer sa grupo, hindi ko naman sila masisisi kung ganiyan ang turingan nila sa akin. Lalo na si Katana, feeling ko lang naman. Obvious na kasi na nakita ko siya sa banyo kanina.

Baka may plano siyang gagawin. Pero hinding-hindi ko talaga maaalis sa isip ko na bakit ko nagawang patayin si Sharleen.

TRISHA

May nakapagtanong na din sa akin kung ano daw ang ibat-ibang klase ng tao. Sinagot ko naman siya. Dalawa lang naman kasi ang uri ng tao. May isang totoong nagmamalasakit sayo, at may isang pakitang tao lang para mapalapit sayo.

"I don't want to continue this bullshit relationship! Break na tayo Kent!" yan ang mga katagang hindi mawala-wala sa isip ko. Wala din namang patutunguhan ang relationsip namin kapag ganito eh.

Hindi niya ako pinagbibigyan sa gusto ko, aaminin ko. I am a selfish person. Selfish ako sa mga taong akin. Pero hindi ko na kaya, papakawalan ko na siya.

Siya nga pala, kanina ko pa pinagmamasdan ang mga kasamahan ko dito, siguro shock pa din sila sa pangyayari, ako? Nevermind ko nalang. I-aacept ko na wala na talaga ang kaibigan namin.

--Ash--

Habang nagmumuni-muni kami, biglang binasag ni Lukas ang katahimikan.

"Guys, tara na baka nagpaplano na ang killer" sarkastikong banggit sa amin ni Lukas habang tinitignan niya kaming lahat.

Ako naman nakatingin din ng diretso sa kanila, pare-pareho din sila ng reaksiyon. Mga walang kwenta.

Nagsimula ng tumayo si Lukas at iniwan kaming lutang na nakaupo. Siguro may hint at may alam na siya kung sino ang killer?

I better know it. Kailangan kong malaman kung ano ang nalalaman niya.

Dahan-dahan kaming nagsitayo at bintbit ang mga dala naming gamit papunta sa aming lilipatan na silid.

Pagkadating na pagkadating pa lang namin, agad namang nagsiupuan ang mga boys.

"Uy! Mamaya na kayo humiga diyan! Mag-iimbestiga pa tayo!" panunuway naman ni Arvia sa kanila sabay irap.

Inilapag na lang namin ang mga dala naming gamit at naghiwa-hiwalay para makakuha ng clue about sa killer.

--Trixie--

Sa sobrang laki ng resthouse nina Arvia, hindi mo mamamalayan kung saan ka na napadpad. Hindi ko din kasi alam kung saan ako unang mag-iimbestiga, ano naman kaya ang iimbestigahan ko? Ang sarili ko? Sila?

Nagsimula akong maglakad patungo sa ikatlong palapag ng resthouse. Bakit kaya hindi kami pinapahintulutang pumunta dito nila Arvia?

Okay naman ang palapag na 'to. Pero bakit hindi kami pinapayagan? Hindi kaya, isa si  Arvia sa mga pumapatay? O talagang siya lang ang pumapatay? Naguguluhan na talaga ako.

Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan ko, sinabi sa akin ni Katana bago kami maghiwa-hiwalay na nakita daw niya si Ash na may hawak-hawak na patalim, so kaninong panig ako maniniwala? Sa isang nagbibintang, o sa isang nagbabait-baitan?

Hindi ko namalayan na kanina pa pala akong nakatulala sa pinto. Isang pinto na kumuha ng atensiyon ko. Siguro oras na, oras na para imbestigahan ang buong resthouse na 'to.

Dahan-dahan akong lumapit sa pintuang medyo kinakalawang na, madami na ding mga alikabok ang namumuo sa paligid neto. Dahan-dahan ko naman itong binuksan hanggang sa tuluyan ko ng matagumpay na mabuksan ito.

Ang dilim, konting lang ang ang binibigay ng liwanag sa labas. Sinimulan ko ng kapa-kapain ang buong paligid ngunit wala akong mahawakan na kung anong bagay.

Bakit ang dilim? Nasaan ang switch? Sinubukan ko ulit na kapain ang buong paligid hanggang sa may nahawakan akong dingding.

Ang nakakapagtaka pa dito, ang dingding na hinahawakan ko ay malagkit, nakakadiri, nakakasuka ang amoy.

Pagkahawak na pagkahawak ko pa lang dito ay agad na akong napabitiw at nandiri.

"Ugh! So gross!" bungad ko sa sarili ko habang pinapahid ang mga malalgkit na likido sa damit ko.

Aalis na sana ako ng bigla akong makasipa ng kung anong bagay na hindi ko maipaliwanag.

Isang nakakatakot na bagay na hinding-hindi ko makakalimutan. Nasipa ko ang isang pugot na ulo.

"Ahhh!" bigla akong napasigaw at napabalikwas sa kinatatayuan ko ngunti bago pa man ako makaalis biglang dumilim ang buong paligid.

Mas madilim pa noong unang pasok ko pa dito. Unti-unti na ding sumasara ang pinto kaya mas lalo akong natakot.

"Ss-ino k-ka? Anong kailangan mo sa amin? Lumayo ka!" bigla nalang akong napatigalgal at nakabungad ng kung ano-ano ngunit wala pa din siyang tugon.

Alam kong nakapasok siya, alam kong nahuli niya ako at alam kong siya ang mamamatay tao, pero bakit ganun? Talaga bang oras ko na? Hindi naba talaga ako pwedeng lumigaya?

Nakarinig ako ng mga tunog ng sapatos, papalapit na siya. Pero bakit alam niyakung saan ako nakatayo? 

Narinig kong biglang siyang tumigil sa kaniyang paglalakad, at alam ko ring nasa harapan ko na siya at pwede na niya akong patayin.

Wala na akong naririnig na kung ano-ano maliban sa mabilis na pagpintig ng puso ko at ang mganhininga naming dalawa.

Bakit hindi pa siya nagsasalita? Siguro ayaw niyang malaman kung sino siya. Pero sana mabigyan ng kasagutan lahat ng mga sinasabi ko kapag magpapakilala na siya.

Nawala na ang kaniyang hininga sa harapan ko at naglakad na naman siya palayo.

Unti-unti namang nagliliwanag ang buong paligid at nakita ko ring nakabukas na ang pinto.

"Am i free? Is it real?" tanong ko sa sarili ko habang kinakausap ang nagkulong sa akin ngunit hindi ko pa rin makilala kung sino.

Hindi na siya tumugon kaya nagsimula na akong maglakad palabas, I can't imagine na papalabasin at papakawalan ako ng killer!

Kumaripas na ako palabas ngunit hindi na ako umabot sa pintuan nang may biglang humampas sa ulo ko na nagsanhi ng aking pagkahilo.

Unti-unting lumalabo ang paningin ko hanggang sa tuluyan na siyang nagsalita.

"I'm not dumb Trixie for letting you free!" sumbat niya sa akin bago ako mawalan ng malay.

"Taksil!" bungad ko naman sa sarili ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng hininga.

Hell Destination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon