Chapter 18: Where are you, Kennedy?

335 84 11
                                    

XANDER

Mabilis ang mga pangyayari, kahapon si Sharleen tapos ngayon, ang mahal ko na naman? So sino ang susunod? Sana ako. Sana ako nalang ang inuna ng killer at hindi na lang si Trixie.

Naaawa ako sa kaniya. Ni minsan hindi kami nagkasama ng matagal, hindi kami naging masaya ng matagal. Pero bakit? Bakit ganoon? Sa sobrang desperado ko, hindi ko na inisip ang kapakanan ni Trixie. Kasalanan ko ang lahat ng 'to. Kasalanan ko ang lahat kung bakit namatay si Trixie!

Habang naglalakad ako, iniisip ko ang mga magagandang alaala namin ni Trixie. Parang kailan lang na naging kami, tapos ngayon, wala na siya.

Napabalikwas agad ako ng may marinig akong dabog mula sa ikalawang palapag, kaya naman binunot ko na ang isang kutsilyo na kanina ko pang gustong gamitin sa kung sino man ang nagbabadyang pumatay sa amin.

Habang lumalapit ako mas lalong lumalakas ang mga dabog mula sa tinutunguhan ko. Nandito siya at mahuhuli ko na siya sa akto.

Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at tinungo ko na agad ang pinanggagalingan ng mga dabog. Pero laking gulat ko na lang ng bigla ko siyang makita.

Nakita ko si Chaos na sinusubukang buksan ang isang silid na katabi ng room namin na lubos ko namang ipinagtataka.

Matagal nang ipinagbabawal ni Arvia na buksan ang silid na 'yan, ngunit hindi ko naman talaga naiintindihan. Ngayon lang din ako nagkaisip kung bakit ayaw niya itong ipabukas. Baka dito, baka dito na namin mahanap ang sikreto ng killer.

"Chaos, okay ka lang? Bakit mo sinusubukang buksan ang locked room na 'yan?" Duda ko naman sa kaniya.

Alam kong hindi alam ni Chaos na ipinagbabawal ni Arvia na buksan o tangkaing buksan ang kahit ano mang mga silid dito sa resthouse.

Bigla naman siyang napabalikwas nung tinanong ko siya. Hindi ko na nais sabihin na ipinagbabawal ito ni Arvia bagkus gusto ko ding malaman ang nasa loob neto.

"May nakita kasi akong mga bakas ng dugo, parang may ginawa naman ang killer." Tugon naman niya sa akin habang nanginginig sa takot.

Lalapitan ko na sana siya ng bigla kong marinig ang tawag ni Arvia mula sa salas.

"Chaos? Xander? Kennedy? Bumaba na kayo diyan at may pag-uusapan tayo." Bungad naman nito kaya agad kaming nagulat sa biglang pagtawag niya sa amin.

"Hali ka na! Alam mo bang bawal buksan 'yan!" Bigla ko na lang nasabi sa kaniya. Baka sa pagkakagulat na rin kaya nasabi ko ang mga 'yun.

Dali-dali ko naman siyang hinila pababa kaya napilitan na lang siyang bumaba. Hindi na namin inalam kung ano ang mga nakita niya, basta ang nasa isip ko lang na baka mahuli kami ni Arvia. You don't know how a bitch can do.

"Oh! Mukhang pagod na pagod kayo ah? Anong nangyari?" tanong naman ni Ash habang nakatingin sa amin ng seryoso.

"Muntik na kaming atakihin ng killer!" Pagpapalusot ko naman kaya lubos naman silang nagtaka.

"K-killer?" pautal-utal na sabi ni Trisha. Bakas sa kaniyang mukha na natatakot siya kung ano na naman ang mangyayari.

"Pero, nasaan si Kennedy? Bakit hindi niyo siya kasama?" pagdududa naman ni Arvia habang lumilinga-linga.

"Na-naiwan sa taas." Sabi naman ni Chaos habang nanginginig sa kaba kaya naman kinalabit ko siya.

"Chaos, what happen? Do you mean, iniwan mo si Kennedy ng mag-isa?" Tanong ko naman sa kaniya ng mahina.

"Yeah, alam kong mali ang ginawa ko so please, make it a secret." Paghihingi naman niya ng pabor sa akin.

Tumango na lamang ako at binaling ang atensyon ko kanina sa usapan.

Hell Destination Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon