Chapter 8

550 16 0
                                    

Imbes na galit at panenermon ang sasalubong sa amin ng gabing yun ay pagaalala ang sumalubong sa amin. Mabuti nalang at humupa na yung iyakan namin kanina ni kuya Zeijan. Sinabi naman namin ang totoo pero hindi namin sinabi ang dahilan kung bakit andun si kuya Zeijan. Pagkatapos ay ako na ang gumamot sa sugat niya sa mukha dahil sa lalaking yun.

Naging maayos naman ang lahat kinaumagahan at inaya ako nila daddy na sumama muna sa company habang wala akong ginagawa sa bahay. Hindi pa rin ako pwedeng pumasok dahil sa pagaalala ng mga magulang ko. Sabi nila, next week nalang daw ako pumasok para masiguro nilang okay na talaga ako.

Kaya naman mag-isa ko ngayon dito sa office ni daddy habang nakahiga sa couch at nanunuod sa iPod niya ng kpop. Halos napuno ko na yun ng kpop pero ayos lang sa kanya.

Narinig kong may bisita daw si dad mamaya na ka-business partner niya kaya hindi na ako nagkalat. Nakaramdam ako ng antok kaya tuluyan na akong nakatulog. Nagising nalang ako sa ingay ng babae na parang tumatalak.

"Gosh! See? Her attitude is very disgusting." Rinig kong sigaw ng babae. Her voice was familiar.

"Shut your mouth, kung ayaw mong itapon kita sa first floor mula dito sa 40th floor. Kita mong natutulog ang baby ko." Palaban naman talaga 'tong mommy ko eh noh?

"So what kung magising 'yan? This is not a room for her to sleep. Gosh! This is a company." Maarteng sabi nung babae na parang pamilyar sa akin.

"Honey! Tumahimik ka nga!" Sabi naman sa kanya ng hindi pamilyar na boses.

"Okay, honey." Bigla yatang bumait ang boses ah?

Dahil sa curious ako sa taong dumating ay agad akong bumangon. Nagstrech pa ako bago ko imulat yung mata ko pero agad na nanlaki yun ng makita kung sino yung nakaupo sa harap ko na parang kanina pa ako pinapanuod. Nakangising tumingin siya sa gulat na mata ko.

"Why are you here?" Tanong ko agad sa kanya. Napatingin naman ako sa mga kasama niya. Biglang naningkit ang mata kong napatitig sa babae na umirap pa sa akin. Pero nanlaki agad ang mga mata ko at tsaka napatingin kay mommy na masama pa rin ang timpla ng mukha.

"Wag ka ng magtaka kung may nakapasok na witch dito sa loob ng office ng daddy mo, baby. Sinusundan niya ang snow white." Pagmamayabang ni mommy sa kanya. Inayos ko naman yung buhok ko at tsaka nag-bow sa harapan nilang tatlo.

"Hello po." Ngumiti yung medyo kaedad ni daddy sa akin. Habang si daddy naman ay pinapakalma si mommy.

"Psh." Umirap sa akin yung babae na ikinatanggal ng ngiti ko. Iniwas ko nalang amg ngiti ko at kinuha yung iPod ni daddy. Mabuti ng lumayo muna ako doon. Baka ako pa ang pagbuntungan ng galit ng babaeng yun.

"Where are you heading to?" Tanong bigla sa akin ni daddy. Magsasalita pa sana ako ng biglang sumabat si mommy.

"Hindi ko masisisi ang anak natin kung bakit siya aalis. May mabahong nilalang kasi dito sa office. Sige na anak umalis ka muna dito baka mahawaan ka pa ng masamang ugali ng isa dito." Irap ni mommy.

"Excuse me?!" Sabat naman agad nung kasama nila Wadensel.

Naiiling na pumunta ako sa may veranda ni daddy. Meron siyang ganito dito na kita yung buong City. I can't help but to admire while staring the whole City. Napangalumbaba akong tumingin sa baba habang pinagmamasdang parang mga langgam na dumadaan lang yung mga sasakyan.

Habang nakatingin ako sa baba ay naramdaman kong may tumayo sa gilid ko. Napatayo naman ako ng matuwid. Amoy palang ay alam ko na.

"Is that your step-mother and your dad?" I started the conversation. He just nodded as if he's not interested.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon