Pagkamulat ko ng mata ko ay nasa hospital na ako. I just sighed. This is not my room. Napatingin ako kay Cath na seryosong nakatingin sa akin. Alam niya atang magtatanong ako sa kanya kaya inunahan na niya ako.
"Hindi ko sinabing may sakit ka. Pinauwi ko na silang lahat. Nababanas ako kapag naaalala ko ang nangyari sayo!" Frustrated na sabi niya habang nagdadabog na kumukuha ng prutas at iniabot sa akin. Kinuha ko naman yun at tsaka ako kinagatan yung apple na bigay niya.
"Si Pat at Seb?" Tanong ko sa kanya. Hindi pa man siya nakakasagot ay bumukas na ang pinto at nakita ko silang pumasok.
"Ay! Mabuti nalang at gising ka na. Bakit hindi mo sinabing may allergy ka sa alikabok, ha?!" Biglang sermon sa akin ni Pat na nakapamewang sa gilid ko.
"Hindi naman kayo nagtatanong eh!" Napakamot nalang ako sa batok ko ng magtangka siyang batukan ako pero nilanding niya yung kamay niya sa pisngi ko.
"Kung hindi lang kita kaibigan, kanina pa kita nabatukan!" Pinanggigilan niya yung pisngi ko kaya napapangiwi akong inilayo yung kamay niya sa pisngi ko.
"Nga pala, simula ngayon 'wag ka ng maghahawak ng maalikabok na gamit ha? Alagaan mo yang sarili mo." Napatitig naman ako kay Seb. Napangiti ako.
"Salamat." Yun nalang ang nasabi ko. Nagkwentuhan at nagtawanan pa kaming apat dahil sa pagkwekwento ni Pat at Seb sa crush nilang si Lance Sy na varsity player sa school namin.
Sa dami-daming lalaki ay si Lance pa ang napupusuan ng dalawa na magustuhan. He's handsome, I know that. He's a good guy na halos lahat ng lalaki ay siya lang ata yung walang records na awayan sa school namin. Kwinento nila yung simpleng pamamansin sa kanila ni Lance hanggang sa napunta sa akin yung topic.
"Oo nga! Ikaw girl ah, first time mag-aya ni fafa Lance sa prom noon pero tinanggihan mo lang!" Nagmamaktol na sabi ni Seb sa akin.
"Kung ako sayo, hindi na ako magpapakipot! Aba! Go agad ako!" Kinikilig na sabi naman ni Pat at nagtilian nga silang dalawa ni Seb.
"Wag niyo ngang igaya sa inyo si Sam!" Singhal sa kanila ni Cath. Naalala ko na naman nung prom namin. I never thought na yayayain ako ni Lance, I know kilala ako pero hindi ko talaga ako inexpect dahil hindi ko siya ka-close noon. But I rejected his offer noon. Not because I don't like it.
Pero nung time na yun mismo ay hindi talaga ako aattend because yun yung time na na-sched yung chemo-teraphy ko. Kung hindi lang sana yung time na yun ang schedule ng teraphy ko ay papayag ako. It's just that. Hindi talaga ako pwede nung time na yun.
Tuloy lang kami sa kwentuhan hanggang sa nagpasya na silang umalis na tatlo pero nagpaiwan muna saglit si Cath. Nang kami nalang dalawa ay humarap siya sa akin.
"Can I stay here? Hindi ako mapakali sa mangyayari!" Pumapadyak na pakiusap niya. She wants to stay here para alagaan ako pero hindi ako pumayag. I'm not her responsibility. Ayokong maging pabigat sa kanya.
"Umuwi ka na, Cath. Hindi ka naman nurse na kaya akong alagaan." Pagbibiro ko pero nakita kong nasaktan siya sa sinabi ko kaya agad akong lumapit sa kanya. Nagulat naman siya.
"Ba't ka tumayo?! Nanghihina ka na nga!" Inis na sabi niya sa akin pero naguilty ako sa sinabi ko. I shouldn't said that.
"Sorry. I didn't meant to say that. Ang gusto ko lang sabihin ay, you should go home. May mga gagawin ka pa sa bahay niyo. Tsaka nagkikita naman tayo sa school eh." Pagpapaliwanag ko.
"Sige na nga. Basta, mag-ingat ka dito ha? Pag di ka nag-ingat ako yung unang babatok sayo!" Natawa nalang ako sa kanya.
Nagpaalam naman na siya na uuwi na siya kaya naman pumunta na rin ako sa totoong room ko. Napabuntong hininga ako at tsaka nahiga sa kama. Hindi pa man ako nakakatagal sa paghiga ay nagsimula na naman akong makaramdam ng kakaiba. Pinilit kong maging normal ng pumasok ang isang nurse na nagaalaga sa akin. Pero nagulat ako ng makita ang mga nakasunod sa kanya.
BINABASA MO ANG
Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)
Romance"Please fight, Samantha." Said a trembling man's voice before I closed my eyes.