Chapter 48

477 11 0
                                    

"Hijo. Jusko! Matulog ka naman. Hindi matutuwa si Samantha kapag nakita kang ganyan." I didn't take away my eyes from her while peacefully sleeping. I just cant. Dapat ako ang unang makakakita kapag gising na siya.

I'm such a jerk.

Tinanggap ko lahat ng suntok ng mga kuya niya pati na rin si tito. I deserve this. Sa katunayan. Kulang pa 'to eh. Sa mga katangahan at kagaguhan ko sa pananakit sa babaeng mahal ko.

Anong klase akong boyfriend? Bakit hindi ko man lang napansin na hindi siya okay? Bakit hindi ko napansin ang pagkatamlay niya nung araw na 'yon? Bakit hindi ko napansin na pinipilit niya palang maging malakas sa harap ko?

I squeezed my hand on her hands. Unconsciously, may kumawalang luha sa mga mata ko.

"B-Bakit? Bakit ang tanga ko? Ang tanga-tanga ko tita." I can't help but to cry. This pain is vulnerable.

Sobrang sakit na makitang nakahiga dito ang babaeng mahal ko. Mas gusto kong nakikita siyang ngumingiting mala-anghel. Ang boses niyang malaanghel. Yung ugali niyang nagpaibig sa halimaw na tulad ko.

Miss na miss ko na siya. Miss na miss na kita babe. Sana gumising ka na.

Marahang hinaplos ni tita ang balikat ko habang malungkot na nakatingin sa anak niya. Ang babaeng mahal ko.

"She's a tough girl from the very start. Pero kailangan nating tanggapin ang maaring posibilidad na maging kalagayan ni Sam. Masakit bilang ina na nakikitang nahihirapan ang anak ko. Natutulog pero nakikipaglaban sa kamatayan. She's our unica hija. Hindi ko alam kung makakaya ko bang pakawalan ang kaisa-isang babaeng anak ko na halos kami ang mag-alaga simula bata palang siya. Sobrang hirap." Lumuluhang sabi ni tita at tsaka niya marahang hinalikan ang noo ni Sam.

"Gumising ka na anak. Miss na miss na kita." Napasinghot ako at napaiwas ng tingin.

Fvck! Mas mahirap pala ang nakikita ko. Lahat kami hinihiling na magising siya pero isang buwan na wala pa ding response ang katawan niya. Ayoko siyang sukuan.

"Tama na 'yan." Naluluhang sabi ni tito at tsaka niya niyakap si tita at doon na tuluyang napahagulhol.

"Wadensel. Mamayang gabi dito sa tabi ng kwarto ni Sam ka matulog. Si Clyde ang magbabantay mamayang gabi kay Sam. Salitan tayo sa pagbabantay para makapagpahinga ka rin. Nangangayayat ka na diyan sa kakabantay." Napabuntong hininga ako at marahang tumango habang hindi parin inaalis ang tingin sa babaeng mahal ko.

Ni hindi ko nga kayang iiwas ang tingin ko sa kanya dahil baka gumalaw ang daliri niya at bigla siyang magising. Gusto kong ako ang una niyang makikita kapag nagising na siya.

"Wala parin?" Tanong ng bagong pasok at boses 'yon ng doktor ni Sam. Umiling kaming lahat sa kanya.

"I have something to tell you all." Seryosong sabi niya at doon kami napatingin sa kanya.

Saktong pumasok naman yung iba. Hinihintay kung anong sasabihin ng doktor.

"Her body is slowly giving up. And it's not normal dahil hanggang ngayon ay wala parin tayong nakikitang response ng pasyente." Napabuntong hininga siya at tsaka tumingin sa amin lahat.

"May posibility na magising siya." Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

"Pero konting araw nalang ang itatagal ng pasyente kapag gumising na ito. Give her what she deserves. Give her all your time already pero this is our findings through her case. Kapag wala namang naging response ang katawan niya..." Kumabog ang dibdib ko sa kaba sa mga sinabi niya at maaaring sabihin niya.

"D-Don't..." Naiiling na sabi ko sa kanya. Tinignan ko siya ng masama.

"Wag mong planuhing sabihin ang susunod na sasabihin mo. Makakaalis ka na." Giit ko sa kanya. Hinawakan ako ng kapatid ko sa balikat pero tinabig ko lang siya at tsaka ako tumingin kay Sam.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon