ThBigla silang nataranta nang biglang mawalan ng malay si Sam. Agad na binuhat siya ng kanyang daddy para ipunta siya sa hospital. Pero nagulat sila sa mga taong nasa may pintuan nila na umiiyak pero ang isa sa kanila ay sobrang gulat dahil sa mga narinig niya."T-Tito? T-Totoo ba? Totoo ba lahat ng narinig ko? M-May Leukemia si Sam?" Gulat at nanghihinang tanong niya dito. Tinignan niya ito ng seryoso kahit na bakas ang pag-iyak niya.
Hindi siya makapaniwala sa narinig niya kanina. Parang binomba ng sakit ang dibdib niya sa narinig. Napakasakit sa kanya ang mga narinig niya at para siyang pinapatay sa sakit.
"It's true. At narinig mo naman siguro ang sinabi niya kanina diba? Layuan mo na siya iho. Ayokong mahalin mo siya dahil lang sa naaawa ka." Seryosong bitaw niya dito.
Kahit hindi tanungin ng ama ni Sam ay alam niyang siya ang dahilan ng pag-iyak nito kanina pagpasok ng bahay nila. Hindi mamaumugto ang mga mata niya kung mababaw lang ang dahilan ng pagluha niya.
"N-No. I can't! I love her! Hindi ko magagawa ang sinasabi niya tito. I'm sorry pero sasamahan ko siyang labanan ang sakit niya! Hindi ako pwedeng lumayo sa kanya dahil mahal ko siya!"
Hindi niya 'yon pwedeng gawin dahil hinding-hindi niya kayang mawala si Sam sa kanya. Gagawin niya ang lahat para makasama lang ito. Sising-sisi siya sa mga salitang binitiwan niya kanina.
Nadala siya sa galit at selos niya kay Lance. Kaya pagkaalis ni Sam kanina ay tinanggap niya lahat ng suntok na nanggaling mismo kay Lance at alam niyang kulang pa 'yon. Pagkatapos noon ay dali-dali niyang sinundan si Sam at sumunod namang ang mga kaibigan nito.
Tinignan lang ito ng kanyang ama.
"She's been fighting her illness simula nung bata pa siya. Hindi man niya pinapahalatang nasasaktan siya ay nararamdaman namin 'yon. She never cried infront of us dahil ayaw niyang nakikita namin siyang umiiyak. Alam kong masakit ang pinagdadaanan niya pero I'm so thankful dahil sa lumalaban siya. Pero sa sinabi niya kanina. Natatakot ako. Kitang-kita ko na sa mga mata niya ang sakit at pagod kaya kahit gustuhin ko mang lumaban siya ay mas inaalala ko ang nararamdaman niya. Kaya pakiusap.... Wag niyong ipapakitang naaawa kayo sa kanya. Makakadagdag lang 'yon sa bigat ng loob niya."
Pinigilan niyang maluha pero hindi niya kaya. At hindi niya inaasahan ang pagluhod ni Wadensel sa kanya.
"I'm so sorry tito. But I can't let go of her. I hurt her a while ago. I'm so stupid. Pero hindi ko gustong bumigay siya sa sakit niya. Gagawin ko lahat para makumbinsi siyang lumaban." Lumuluhang sabi niya.
Muling napaseryoso ang ama ni Sam.
"I told you not to hurt her. As long as we want to punch you rightnow ay hindi namin gagawin dahil sa bilin ni Sam na kapag nasaktan mo siya ay wag na wag ka naming saktan. May na-realized ka ba sa sinabi ko? Ayaw niyang masaktan ka kaya pinipili niya lagi ang kapakanan mo. Kaya gawin mo rin sana ang gusto niya.... Na layuan mo siya."
Hindi na siya pinag-aksayahan ng oras ng daddy ni Sam at dali-daling isinakay sa kotse si Sam kasama sina Zeijan at Jayden.
Naiwan ang mommy ni Sam at ni Clyde para mag-usap.
"Tita please. Wag niyong ilayo sa akin si Sam." Umiiyak na sabi niya.
Napaiwas naman ng tingin ang mga kaibigan niya at lalong-lalo na si Pat dahil ngayon niya lang ito nakitang umiiyak at nagmamakaawa sa harap ng magulang ni Sam. Ramdam niya ang pagmamahal niya rito.
Ngumiti ng malungkot ang ina ni Sam at hinawakan ang kamay ni Wadensel.
"Hindi namin siya gustong ilayo sayo dahil yun ang gusto ni Sam. Bilang isang ina ay gusto kong mapasaya ang anak ko at alam kong ikaw ang dahilan niya para sumaya."
BINABASA MO ANG
Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)
Romansa"Please fight, Samantha." Said a trembling man's voice before I closed my eyes.