Samantha
Sumama ako kina kuya papunta sa company dahil wala kaming pasok ngayon.
Busy din si Wadensel dahil on-process na ipapasa ni tito ang pagiging CEO sa kanya kaya tini-train na siya ng maaga. Dumaan siya kaninang umaga at sabay kaming nag-breakfast.
He always do that. He finds time for me kasi hindi daw buo ang araw niya ng hindi nakakasama. Ang korni talaga nung lalaking 'yon pero I find it sweet.
Tuwang-tuwang pinagmamasdan ko ang mga nagtatrabaho dito sa company namin dahil sa sobrang seryoso nila. Naiilang na tumingin sa akin yung iba tapos yung iba naman ay natataranta dahil nandito ako.
"Relax lang po kayo! I'm just here to have chitchat. Itigil niyo na muna yang pagtratrabaho." Natatawang sabi ko sa kanila.
"Ma'am Sam! Baka pagalitan po kami ng daddy niyo." Sabi ng isang empleyado. .
Nginitian ko lang sila.
"No. They're not." Sabi ko sa kanila at sinimulang makipagkwetuhan.
Natatawa ako dahil nagtipon-tipon kaming lahat dito.
"So kamusta kayong lahat dito? Nag-eenjoy po ba kayo sa trabaho niyo?" Tinignan ko sila isa-isa.
"Ah Ma'am S..."
"Ikaw naman kuya. Samantha nalang." Nakangiting sabi ko sa kanya. Nagkamot naman siya sa batok. Napanguso nalang ako dahil naiilang talaga sila.
"O-Okay po. Ayos po kami dito mabait si boss!" Napangiti ako sa sinabi niya. Mas lalo akong lumapit sa kanila.
"Mabait si daddy pero pag nagalit, parang monster 'yon." Napahagikhik na sabi ko.
"Hindi nama po, Ma...I mean Samantha. Sobrang bait nga ni Mr. Montecillo."
"Yeah. Mabait nga si dad, pero monster siya magalit. You know, nung tinakasan ko siya noon sa bahay. He got angry tapos din niya ako pinansin noon." Nakanguso at parang bata akong nagsusumbong sa kanila.
Narinig ko naman silang nagtawanan. Mas lalo tuloy akong napanguso. May nakakatawa ba doon sa sinabi ko?
"Eh tinakasan mo naman kasi iha eh. Kapag ganyan din yung anak ko malamang hindi ko lang yun pagagalitan. Papaluin ko pa 'yon sa pwet!" Sabi nung may edad na na babae.
"Hala! Bawal po 'yon sa bata. Mas lalo daw titigas yung ulo ng bata kapag pinapalo." Yan yung sinasabi sa akin lagi ni daddy kaya never akong napalo sa kanya.
"Kaya pala sobrang tigas ng ulo ng batang yun naku!" Iiling-iling na sabi niya.
"Samantha! May girlfriend na ba yung mga kuya mo? Gosh! Their so handsome talaga." Kinikilig na sabi nung isang babae.
At nagtitilian naman yung mga iba.
"Wala! Single na single! NGSB yung mga yun hahaha!" Natatawang kwento ko sa kanila.
"NGSB?!" Gulat na tanong nila.
"Uh-huh!" Tumango-tango ako sa gulat na reaksyon nila.
"S-Sa gwapo nilang 'yon? NGSB?" Hindi makapaniwalang tanong nila.
"Bakit ba gulat na gulat kayo?" Nakangusong tanong ko sa kanila. Awkward na tumawa sila.
"Ang gwapo kasi ng mga kuya mo and we didn't expect na lahat sila ay NGSB. Naku! Swerte yung magiging girlfriend ng mga yun!" Tumango-tango nalang ako.
Naalala ko yung sinabi nila na ako daw muna yung sinabi nila noong bata ako.
"You're the only girl that we're going to prioritized."
BINABASA MO ANG
Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)
Storie d'amore"Please fight, Samantha." Said a trembling man's voice before I closed my eyes.