Chapter 12

494 15 0
                                    

Zeijan

Nandito na sila mommy at magkasunod lang na dumating ang mga Tuazon at dumiretso sa living room kung saan sila naguusap-usap. Actually si dad at si Mr. Tuazon lang.

Yung dalawang magkapatid ay di pareho ng ginagawa, si Pat nagaayos ng makeup niya. Si Wadensel naman ay nakatingin sa kawalan at parang may malalim ang iniisip dahil panay ang buntong hininga nito.

Yung step-mother nila at si mommy naman ay nagkakatinginan ng masama pero hindi nagsasalita. Napatingin naman ako sa dalawang kapatid ko na iba ang ginagawa. Imbes na asikasuhin kasi yung bisita ay mas inuna pa nila ang pagcecellphone. Meron naman daw yung mga katulong para manilbihan sa kanila. Napailing nalang ako.

"Where's Sam?" Sabay na tanong ni mommy, daddy, Pat, Mr. Tuazon. Tinignan kami nila mommy.

"She's upstairs." Tipid na sagot ni kuya Clyde sa kanila.

"Call her, Zeijan." Agad naman akong tumayo para tawagin ang kapatid ko. Ramdam ko naman ang pagsunod ng tingin sa akin ng isang Tuazon kaya kinunutan ko ito ng noo. Halatang alerto pagkarinig ng pangalan ng kapatid ko.

Napailing nalang ako ng hindi man lang siya mailang. Nang makarating ako sa kwarto niya ay agad ko itong kinatok. Pero walang nagbubukas. Kaya muli akong bumaba para kunin yung spare keys kay mommy.

"Bakit?" Tanong ni daddy ng makita akong bumaba ulit.

"She's not opening her door. Maybe she's sleeping." I told to them. Nagkatinginan kaming buong pamilya ng makahulugan.

"Hayaan mo na muna siya. Maybe she's tired. By the way, Pat. Kamusta naman ang lakad niyo kanina?" Baling ni daddy kay Pat. Nagtaka naman ako sa biglang pagkunot ng noo niya.

"Not fine tito. She's spacing out and it seems that she's thinking on something that she doesn't even notice yung babae kaninang sinisigawan na siya. Tsaka hindi namin siya kasabay na umuwi. Hinabol namin siya pero hindi na namin naabutan yung taxi kanina. She's acting weird." Naguguluhang sabi niya sa amin. Kami naman ngayon ang nangunot ang noo.

Hindi kami nagsalita. Posible kayang yung sakit niya ang iniisip niya? Pero hindi eh. Alam ko kasing magbrebreakdown lang si Sam pag may narinig siyang sobrang nakakasakit sa damdamin niya.

"Ako na ang hihingi ng sorry sa ginawa ng anak ko. I hope you'll all try to understand her. She's been like that whenever she hear something unpleasant." Seryosong sabi ni daddy na napatingin sa Tuazon na isa. Hindi siya nakatingin sa amin pero alam kong lutang ang isip niya. Wadensel yata ang pangalan ng masungit na ito. I don't like his guts.

We know that Sam likes Wadensel. Sa paraang pagtitig niya dito dati ay iba. Lalaki kami kaya alam namin yun pero nahalata din ni mommy ang kilos ni Sam noong bata pa lang siya kasi lagi niyang sinusundan si Wadensel bago bumalik sa hospital.

Tumigil nga lang siya nung pinagsalitaan niya ito ng masasakit na salita para lumayo ang kapatid ko sa kanya. He's a badboy and he doesn't care about what others feelings. Pero I never saw him dating or entertaining a girl.

Nakita ko siya sa bar last month, I think. There's this girl who keeps on flirting with him but she never had a chance to talk to him because I can sense that he's not even interested. The girl keep on seducing him but he's not tempted. Nung nakita kong nainis na siya noon ay bigla niyang tinulak yung girl sabay sabing...

"I'm a badboy, but not a f*cker! Not manwhore! I don't need to engage pre-marital sex! I'm clean and I don't want some dirty sh*ts clinging to me. You're all disgusting."

Then she left the girl crying there. I don't want him for my sister. He can totally hurt her just what I saw a month ago. My sister is an angel and she doesn't deserve a badboy like him.

Nang dumating na ang dinner ay kwentuhan pa din sila daddy about sa business. Nasasali narin kami dahil we're part of it. Though mawawalan kami ng oras kay Sam pero we'll try our best to give her our daily duties as her brother.

Nakarinig kami ng footstep kaya napalingin kami sa may entrance ng dining room. And there. We saw the beautiful angel. Our angel.

I can't stop smiling while watching her rubbing her eyes like a baby while walking to the dining table. Lutang pa nga siya. I secretly chuckled while adoring her.

"Daddy." Hanap niya agad kay daddy. Nakangiting tumayo naman si daddy at sinalubong siya nito. Yumakap si Sam na parang antok na antok pa.

"Psh." Napataas ang kilay ko sa malditang step-mother nila.

Si Pat naman ay napapangiting pinagmasdan nalang si Sam na parang ngayon lang siya nakitang ganito eto. Si Wadensel naman ay nakatitig lang. Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Si Mr. Tuazon naman ay may amusement sa matang nakatingin sa kanilang dalawa. Kami naman ay sanay na.

Ganyan yan pag nasa bahay. Hahanapin si daddy tapos yayakap na parang nakahanap ng kakampi tapos tuluyan ng magigising. Parang baby lang eh noh?

"Dad. I just had a weird dream." Mahina at inaantok parin na sabi niya. Sinenyasan naman kami ni daddy na ipagpatuloy ang kumain kaya tinuloy na namin. Nakikinig lang kami sa usapan nilang dalawa.

"Weird? Tell me about it baby?" Malambing na sabi ni dad sa kanya.

"About me. I'm going to die." Mahina pero nanginginig na binitawan niyang salita na halatang ayaw niyang mangyari.

Halos mamutla naman ako sa sinabi niya at parang may dumagan sa dibdib ko. Si mommy naman ay nabitawan yung kutsara. Yung dalawang kapatid ko ay kumuyom ang kamao. Habang ang pamilyang Tuazon naman ay nagtatakang inoobserbahan kami.

"B-Baby. That was just a dream." Pinilit ni daddy na patatagin ang nararamdaman niya. Gustong-gusto ko siyang yakapin at sabihing hindi yun magkakatotoo. Hindi ako papayag.

"B-But.."

"Damn! Let's just eat and stop talking about it." Galit na pagdadabog ni kuya Clyde. Pinakalma ko naman agad ito. Pero hindi parin naalis ang panginginig ng kamay niya.

"You're all weird. Panaginip lang yun. You know, kabaliktaran." Kibit balikat na sabi ng step-mother nila Pat. Mabuti naman at may magaganda ding nasasabi 'tong babeng 'to.

"Pero pwede ding magkatotoo." Halakhak niya na para bang biro para sa kanya pero siya lang yung natawa. Bigla akong nawalan ng gana kaya tumayo na ako. Ramdam kong galit din sila sa sinabi niya at ang ipinagaalala ko ay ang naging kampanteng awra ni Sam.

"Will you please stop your evil mouth, old lady?" Punong-puno ng galit na sigaw sa kanya ni Wadensel na ikinagulat namin.

"What? That's a fact. And stop shouting infront of me. Wala ka talagang respetong bata ka. Ganyan ka ba pinalaki ng mommy mong..."

"Try to include my mother and I'll forget the word, respect." Mariin ngunit galit na saad niya dito. Hindi naman nakatiis sa pananahimik si Mr. Tuazon.

"You two. Get out!" Agad na lumabas si Wadensel at sinundan ito ni Pat pero nagpaalam muna siya kay Sam.  Pero ang step-mother niya ay madami pang naging reklamo sa asawa bago lumabas. Napabuntong hininga nalang si Mr. Tuazon at hinarap kami na hiyang-hiya.

"I'm really, really, really sorry about that. I really am." Paulit-ulit na nagbow siya sa harap namin. Lumapit agad sa kanya si Sam at pinatigil. Ngumiti lang ito sa kanya.

"It's okay po tito. Naiintindihan ko sila." Napabuntong hininga nalang si Mr. Tuazon. Paulit-ulit siyang humingi ng sorry kay Sam hanggang nga sa nagpasya na silang umuwi.

Pumasok naman kami sa loob ng bahay nakita kong palihim na nagpunas si daddy ng luha niya. Ngayon ko lang siya nakitang umiyak sa harap ko. Alam kong umiiyak din siya pero kagaya ko ay hindi siya sanay na ipakita.

"Dad. It was just a dream." Pagpapaalala ko sa kanya.

"I know, I know. Pero you know that everytime she dreams, nagkakatotoo." At doon ako mismong napatigil.

That strikes me. Her dream can predict future events. Pero hindi lagi. Pero sana. Sana isa 'to sa hindi. Sana hindi magkatotoo ang panaginip na yun.

Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon