I felt empty.
Kahit na masaya akong nandiyan ang pamilya ko at ang mga kaibigan ko ay feeling ko ay kulang yung sayang nararamdaman ko at ramdam ko at alam ng puso ko kung sino ang taong 'yon.
Miss na miss ko na siya.
Gustong-gusto ko ng sumuko sa pagmamatigas kong bawal siya dito kasi hindi ko talaga kaya. Ngumingiti ako pero bakit kulang parin ang sayang nararamdaman ko kapag tumatawa ako?
"Sam, tatanggalin na muna 'yang aparato sa katawan mo. May improvement naman kaming nakikita kaya pwede ka nang magkulit-kulit kahit sa anong sulok." Ngiti sa akin ni Luke.
"Talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ko at wala na atang mas sasaya pa sa akin ng nakita kong nakangiting tumango siya.
"Oh my! Thank you!" Naiiyak na sabi ko sa kanya.
Ngumiti siya at tsaka niya hinawakan ang magkabilang pisngi ko kaya napatingala ako sa kanya.
"You don't need to thank me. Kung meron ka mang gustong pasalamatan, yun ay ang sarili mo Sam. Bilib ako sayo kasi hindi ka sumusuko kahit na three times a day kang tinutusukan ng malaking karayom. You're a fighter, Sam."
Bigla akong napangiti sa sinabi niya. Nang matanggal nila lahat ng aparato ay mas lumawak ang ngiti ko at saktong pasok ng pamilya ko.
"Look! I'm free!" Masayang pinakita ko sa kanila at tsaka ako tumayo at umikot sa harap nila. Naluluhang pinagmasdan ako ni mommy habang nakangiti.
"Thank God! My baby!" Niyakap niya ako ng mahigpit at ganun rin si daddy at ang mga kuya ko. Hindi ko maiwasang maluha pero agad ko naman yung pinunasan.
"Ayan, makakapunta ka na ng garden, Sam." Nakangiting sabi sa akin ni kuya Zeijan habang pinipisil yung ilong ko.
Pinaliwanag naman sa kanila ng doktor ko ang kondisyon ko at masaya akong nagiging okay na rin ako at mukhang epektibo ang panggagamot nila sa akin.
Nang makaalis na ang doktor ay hinarap ako ni Luke ng nakangiti.
"Gusto mong pumunta sa garden?" Alok niya sa akin.
"Sure!" Nakangiting sabi ko at tsaka kami naglakad papuntang garden.
Namangha ako sa ganda ng garden nila dito dahil ang parang cherry blossom at mukhang naalagaan at malinis dito.
Noon kasi ay hindi ganito dito. Ibang-iba noong nakaraang naglagi ako dito. Nakakarelax yung ambiance niya kaya napapikit ako at inamoy ang sariwang hangin.
"Ang ganda dito." Manghang sabi ko at tsaka napadilat ng mata.
Umupo kami sa may gazebo.
"Parang Japan lang dito. Kaya pala maraming pumupunta ditong pasyente sa gabi dahil mas maganda dito dahil nilagyan nila ng ilaw yung cherry blossom."
"Wow. Palagi ka dito sa garden?" Tanong ko sa kanya. Umiling naman siya at tsaka nagkibit balikat.
"Na-curious ako sa bulungan ng co-workers ko." He chuckled.
Napangiti ako at tsaka ko siya pinagmasdan.
"Ang laki ng pinagbago mo Luke. Mas lalo kang gumwapo, may girlfriend ka na siguro noh?" Tukso ko sa kanya.
Bigla siyang namula sa tanong ko kaya napatawa ako.
"Ano ba, Sam! Si mama muna ang aasikasuhin ko bago ang mga babae." Namumulang sabi niya.
"Ows? Mga babae daw? Mga ilan ba?" Nakakalokong tanong ko sa kanya.
Bigla siyang napaisip at tsaka nag-form ng nakakalokong ngisi yung labi niya at napalingon sa akin.
BINABASA MO ANG
Please Fight, Samantha (Montecillo Series #1)
Romance"Please fight, Samantha." Said a trembling man's voice before I closed my eyes.